THE WORLD OF MOONLIT

By ms_whitecrayon

4.1K 1K 1.1K

Ang Moonlit ay isang Mundo kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng nilalang, na pinamumunuan ng magiting... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1- PAINFUL PAST
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 -WHERE ARE YOU?
CHAPTER 7 - THE HEARTTHROB
CHAPTER 8 -UNFAMILIAR FEELING
CHAPTER 9 -FRIENDS
CHAPTER 10 -GANGSTER
CHAPTER 11 -BLACK TIGER
CHAPTER 12
CHAPTER 13 -MYSTERIOUS GUY
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 -NEW ELIJAH
AUTHOR' NOTE
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 -ESKINITA
CHAPTER 23 - PRINSIPE RIOX
CHAPTER 24 - NEW FRIEND
CHAPTER 25
CHAPTER 26 -TRUTH
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34 - REVELATION
CHAPTER 35
CHAPTER 36 -PICTURE
CHAPTER 37 -REVELATION (PART 2)
CHAPTER 38 -REVELATION (PART 3)
CHAPTER 39 -REVELATION (LAST PART)
CHAPTER 40 -PANAGINIP
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43 -ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 44 -MOONLIT
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59 - KING FLEVIOUS
CHAPTER 60
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 56

25 10 0
By ms_whitecrayon


ZYLEIGH'S POV

Nang marinig ko ang sinabi ng batang lalaki ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Parang bigla kong nakita ang sarili ko sa kanila. Paano kung hindi ako napulot ng parents namin ni Elijah? Saan kaya ako pupulutin no'n.

Naglakas loob akong lumabas sa pinagtataguan namin at saka naglakad papunta sa mga romani raw sabi ni xyvyn. Naramdaman ko naman na sumunod silang lahat sa'kin kaya kampante akong nagpatuloy.

"Magandang araw po sa inyong lahat." bati ko sa kanila mula sa likuran nila kaya gulat naman silang napalingon sa'kin.

Agad na tumayo yung dalawang matandang lalaki at saka tinutukan ako ng itak. Napaatras ako sa gulat.

"Ahh w-wala po akong masamang intensyon." agad na sabi ko at saka nagpilit ng ngiti.

"Ano ang kailangan ninyo?" tanong ng isang matandang lalaki.

"Narito po ako upang bigyan kayo ng makakain."

Mukhang hindi naman sila naniniwala. Hindi pa rin nila binababa ang mga malalaking itak nila.

"Mga mama, patawarin ninyo kami kung kayo ay aming nagambala, ngunit narito kami upang saluhan ninyo kami sa aming mga pagkain." biglang nagsalita si Xyvyn sa tabi ko.

Binaba naman nila ang mga itak nila pero nagtatanong pa rin ang mga mukha.

Ngumiti ako sa kanila nang ibaling nila sa'kin ang tingin nila. Nakita kong parang sumaya ang dalawang bata kaya nginitian ko sila ng mas malaki.

Biglang naglatag ng malaking tela si Xyvyn at saka binaba ang dala naming mga pagkain. Nakita ko naman kung paano matakam ang mga mata nila nang halos mapuno ang telang nilatag ni Xyvyn.

Mabuti at bumili siya ng pagkain sa hotel na tinuluyan namin dun sa bayan ng Goetia.

"Halina kayo, maaari ninyo kaming saluhan." nakangiting imbita ni Zionne sa kanila.

Hindi sila kumilos at nanatiling nakatingin lang sa mga pagkain.

"Paano namin masisigurong wala kayong masamang binabalak?" tanong ng isang matandang babae.

"Kung gusto namin kayong paslangin ay madali namin itong magagawa sa inyo, at baka kanina pa kayo naghihingalo." ani Xyvyn na ikinagulat namin. Agad ko siyang siniko dahil mukhang natakot yung mga romani.

'Siraulo talaga.'

"Ngunit hindi namin ginawa 'yon sapagkat malinis ang aming intensyon na tumulong." dagdag ni Xyvyn mukhang nakahinga naman ng maluwag yung mga romani.

"Sige na po. Kung tatanggi kayo sa alok namin ay magugutom lang kayo ng sobra. Wag po kayong mag alala, aalis din po agad kami pagkatapos nating kumain." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Kung ayaw ninyo talagang magpapilit ay hindi na namin kayo gagambalahin pa." sabi na naman ni Xyvyn. Gulat kaming napatingin sa kanya. "Maupo na kayo." baling niya pa sa'min.

Nilakihan ko siya ng mata dahil sa inasta niya. Pero tiningnan niya ako na parang hindi siya nakikipaglokohan.

Tiningnan ko uli ang mga romani at saka ngumiti sa kanila.

'Bwesit na Xyvyn to.'

Nagtinginan naman silang lahat at saka dahan dahang naglakad palapit sa'min. Nakangiti naman namin silang inalalayang makaupo.

Pinagitnaan namin ni reese ang dalawang bata. Tapos inaasikaso naman ni Ica at Krixi ang tatlong matandang babae. Yung limang lalaki naman na hindi naman ganon ka tanda talaga, ay kinakausap nina kenji at cypher habang kumakain.

"Masarap ba?" nakangiting tanong ni reese sa batang babae na katabi niya.

"O-opo." masayang sagot naman ng bata. Punong puno pa ang bunganga niya.

"Heto pa oh." nilagyan ko ng prutas ang batang lalaki sa harap niya.

Nilibot ko uli ang paningin ko at nakitang nag-eenjoy silang lahat. Napangiti naman ako dahil ang sarap sa pakiramdam nito.

Bigla akong bumalik sa realidad!!!

Si Elijah nga pala.

Gusto kong tanungin si Xyvyn o si Kuya pero paano ko gagawin yun? Ayuko namang matakot ang mga romani na 'to.

Nang matapos kaming kumain lahat ay masaya kaming pinasalamatan ng mga romani. Natuwa naman ako dahil mukhang busog na busog sila.

"Heto po oh, dalhin niyo na ito." inabot ni kuya ang mga prutas at ibang pagkain sa kanila.

"Hindi na ginoo, sobra na ito." nakangiting tanggi ng matandang babae.

"Kailanganin niyo ito sa paglalakbay ninyo."

"Ngunit kayo naman ang mawawalan ng pagkain."

"Huwag niyo na po kaming iisipin. Sapagkat malapit na kami sa aming paroroonan."

Nag alangan pa ang matandang babae na tanggapin ang mga pagkain pero sa huli ay nakangiti niya itong tinanggap at masayang nagpasalamat.

"Saan ba kayo paroroon?" tanong ng isang matandang lalaki.

"Patungo kami sa lupain ng askati." nakangiting sagot ng kapatid ko. Mukhang nagulat naman sila.

"Delikado patungo roon. Saan ba kayo nagmula?" tanong naman ng isa pang lalaki.

"Nagmula pa kami sa kanluran."

"Ang layo ng nilakbay ninyo. Mabuti at nakarating kayo rito ng ligtas."

Hindi na sumagot si kuya dahil feeling ko ayaw niyang malaman ng mga 'to kung saan kami galing o ang pakay namin sa askati forest.

"Kung ganoon ay mauuna na kami sa inyo. Kailangan na naming lumisan at malayo layo pa ang uuwian namin." nakangiting paalam ng isang babaeng matanda.

Sabay namang tumungo si Xyvyn at Zionne kaya ginaya din namin sila. Isa ito sa paraan ng pamamaalam o pagbibigay ng galang.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng dalawang bata. Lumuhod ako para mapantayan ko sila saka ngumiti .

"Magpakabait kayong dalawa ha? Huwag kayong gumawa ng masama." bilin ko sa kanila.

"Maraming salamat po sa masarap na pagkain." nakangiting anang batang babae.

"Nabusog po kami. Sobrang bait ninyo po." nakangiti ring sabi ng batang lalaki.

Hinimas ko sila sa mga ulo nila.

"Maraming salamat po ulit." sabay nilang sabi sa mga kaibigan ko at tumungo pa bago lumapit sa mga nakakatanda.

"Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay." nakangiting anang matandang babae. Ngumiti naman kami sa kanila at saka sinundan sila ng tingin.

Kung may pera lang ako este ginto at pilak ay bibigyan ko sila, para kahit papaano ay may pambili sila ng pagkain.

Nang mawala sila sa paningin namin ay saka kami bumalik sa telang nilatag ni Xyvyn.

"Nga pala dre, kanina ko pa gustong itanong sa inyo to eh." biglang nagsalita si kenji. Lumingon naman kami sa kanya.

"Ano 'yon?" tanong ni kuya.

"Wala bang nakakakilala sa inyo dito? I mean, bilang prinsipe?" tanong niya.

Yun din sana ang gusto kong itanong sa kanilang dalawa kanina pa.

"Kapag may mga salo-salo o gatherings ng mga hari, reyna at prinsipe, ay mga nakasuot kami ng maskara. Mga normal lang na romani ang hindi. Maliban sa mga disciples o mag-aaral namin sa mga kaharian namin ay wala ng ibang nakakakilala sa mga mukha namin. Kapag wala kami sa kaharian ay para lang kaming mga normal na mamamayan ng moonlit." mahabang paliwanag ni kuya na ikinamangha na naman namin.

'Wow, pa mysterious effect!'

"Kaya pala parang hindi ka nila kilala."

"Ganon na nga."

Inayos na namin ang mga gamit namin at mga sandata.

Nang biglang sumisinghot si krixi. Agad ako napalingon sa kanya at nagtaka nang makitang umiiyak siya.

"Anong nangyari sayo?" takang tanong ni Ica sa kanya.

"Namiss ko lang ang family ko." malungkot na ani krixi.

"Lahat naman tayo na miss ang pamilya natin. Pero kailangan nating tanggapin na nandito na tayo sa ibang mundo. Wala tayong ibang gagawin kundi ang ipagdasal na ligtas sila." mahabang sabi ni Ica sa kanya.

"Huhu nakakainis naman eh! Tapos hindi pa natin alam kung nasaan si Elijah." umiiyak na talaga si krixi.

Natigilan kaming lahat.

"Wala tayong idea kung nasaan siya, tapos hindi pa tayo sure kung ligtas nga ba siya. Ano ba nangyari sa kanya? Para akong masisiraan ng ulo!!" muling ani krixi habang umiiyak pa rin.

Umiwas ako ng tingin dahil feeling ko makikiiyak din ako sa kanya.

"Ang unfair naman eh!!! Kasalanan ko 'to. Kung sana hindi ko siya hinayaang magpahuli ay edi sana walang nangyari sa kanya. Hindi sana siya na engkanto!"

Hindi kami makapagsalita. Ang totoo ay hindi ko alam na nahuhuli si Elijah, ang akala ko ay magkasama sila ni Ica at Xyvyn. Anong klaseng kapatid ba ako at hindi ko man lang siya nagawang bantayan?

Naglakad si Krixi paalis kaya sumunod naman kami sa kanya.

"Krixi!" sigaw sa kanya ni Xyvyn.

"Ano?? Hindi ba ako pwedeng mauna? Bakit? Tingin mo natatakot pa ako ngayon? Gusto ko ng makita ang kaibigan ko kaya bilisan na natin. Wag mo akong pigilang mauna." sigaw din ni krixi sa kanya.

"Eh kasi hindi naman jan ang daan, dito." kunot-noong sabi ni Xyvyn. Mukhang nagulat naman si krixi pero hindi niya ito pinahalata.

"Edi sana sinabi mo agad kanina!' kunwaring galit na aniya saka naglakad papunta sa daan na tinuro ni Xyvyn

Nagkatinginan kami nina Ica at Reese at gusto naming tumawa.

Natatawa namang sumunod sa kanya si cypher. Pakiramdam ko ay may naisip na namang kalokohan ang taong 'to.

Sumunod na rin kami sa kanila at napapailing nang kinukulit nga ni cypher si krixi.

"Tigilan moko cypher ah!! Baka gusto mong gawin kitang pagkain ng mga engkanto?" sigaw ni krixi sa kanya.

"Hahaha kahit kelan talaga to si cypher. Badtrip na ang tao ay mas lalo niya pang binabadtrip." natatawang ani reese sa tabi ko.

"Hindi naman na nawala sa kanya yun." natatawa ring sabi ni Ica habang nakatingin sa dalawa na nasa unahan.

Nilabas ni Krixi ang shuriken niya at mukhang napikon na talaga, hinagis niya ito kay cypher na para bang kalaban niya ito. Mabuti at mabilis si cypher kaya nagawa niyang iharang ang pamaymay niya. Pero mas mabilis si krixi sa kanya, ayun at binigyan siya ng sipa kaya muntikan na siyang matumba.

"Hindi yata siya mamamatay sa mga halimaw dito. Mukhang sa sipa ni krixi." natatawang sabi ko.

"Hahaha." sabay na tawa nilang dalawa.

Nasa unahan sina cypher at krixi. Kasunod naman nila kami. Si Kenji at Zionne naman ang nasa likuran namin tapos solo si Xyvyn sa huli.

Kinakabahan ako, paano kung hindi alam ng hari ng askati forest kung saan makikita si Elijah? Saan namin siya pwedeng hanapin? Makikita pa kaya namin siya? Ligtas kaya siya?

Ang daming tanong sa isip ko, naguguluhan na ako.

Mas lalo ko na namang sinisi ang sarili ko dahil sa nangyari.

Napahinto kami nang biglang nagtago sina cypher at krixi mula sa unahan. Taka naman kaming lumapit sa kanila.

"Bakit?" tanong ni Ica sa kanila.

"May mga nilalang." sagot ni krixi.

Tumingin kami sa tinitingnan nila at meron nga.

Mga may dalang pana, parang mga kawal ang suot nila.  Parang mga nakabantay sa daan.

"Nandito na tayo sa bukana ng lupain ng askati " anunsyo ni Xyvyn nang makalapit siya sa'min.

'Totoo? Ambilis naman.'

"May mga nilalang na nakaharang sa daan." ani cypher.

"Mga bantay sila dito sa bukana. Mahigpit ang pamamahala ni haring Flevious sa lupain niya. Hindi niya hinahayaang may nakakapasok na masasamang nilalang dito." si kuya ang nagsalita.

"Kung ganon, paano tayo papasok?" takang tanong ko.

"Maging normal lang kayo. Makisama kayo sa'kin." aniya saka naunang naglakad.

Agad naman kaming sumunod sa kanya.

Nang makita kami ng mga bantay ay agad nila kaming tinutukan ng pana. Kumapit sa'kin si krixi na parang takot na takot. Napangiti naman ako.

'Akala ko ba hindi na siya natatakot?'

"Sino kayo? Ano ang kailangan ninyo?" agad na tanong sa'min ng isang bantay.

"Nandito kami upang mamili ng mga prutas sa bayan. Hindi ba kami pwedeng tumuloy? Kung gano'n ay makakarating ito sa ibang kaharian." si Zionne ang sumagot.

Agad na nagtinginan ang mga bantay. Kung bibilangin ay tingin ko mahigit bente sila. Kaya kung maisipan nila magpalipad ng palaso ay gutay gutay talaga kaming lahat.

Maniniwala kaya sila sa rason ni kuya?

"Mayroon ba kayong dalang kasulatan?" tanong ng isa pa sa kanila.

Anong kasulatan?

'Kasulatang pamamaalam?'

"Kailangan pa ba iyon? Kung gano'n ay hindi nga kami pwedeng makapasok tama ba?" ani Zionne. Humarap siya sa'min pero yung mata niya ay parang palihim na nakatingin sa likuran.

"Tayo na. Babalik na lamang tayo dito kapag dala na natin ang kasulatan ni haring phoebus."  sabi na naman niya

Ano ba sinasabi niya?

"Hoy ano ba?" bulong ko sa kanya. Pero kumindat lang ang magaling kong kuya.

Umarte siyang maglalakad na paalis nang biglang nagsalita ang isang bantay.

"Pumasok na kayo. Ngunit sa susunod ay kailangan niyo na ng kasulatan." anang bantay. Ngumiti naman ng malaki si kuya at saka sumeryosong humarap sa kanila.

"Kung ganon ay isang karangalan ito, gusto kong magpasalamat ng marami sa inyo. Makakarating sa pinuno namin ang ginawa ninyong ito." nakangiting ani Kuya. Biglang tumabi ang mga bantay na parang binigyan nila kami ng daan.

Naglakad na agad si kuya zionne papunta doon na agad din naman kaming sumunod.

Akalain mong nauto sila ni kuya?

Mahigpit pa ba ang bantay na 'yon? Jusko!! Eh ang bilis nilang pumayag na pumasok kami eh.

Muli na naman kaming namangha sa ganda ng gubat. Hindi mo aakalaing nasa gubat kami. Magaganda ang mga puno na parang walang patay na sanga, tapos ang kakapal ng mga dahon nito. Wala ring mga patay na dahon na nagkalat sa lupa. Merong mga nagkalat na mga halaman na may magagandang bulaklak. Ang bango ng simoy ng hangin na kasing bango ng mga hinog na prutas at mababangong bulaklak.

Grabe!!! Kung dito ako titira ay sobrang sarap ng buhay ko. At siguradong maganda lagi ang gising ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 131K 49
when a rich spoiled bad boy Jeon Jung-hoon gets into an encounter with a Muslim girl and they become enemies so he bully her humiliates her and insul...
217K 8.7K 52
(Male Yandere Demons x Female Reader) You are just a normal high school girl living a normal life. . . . Until your life is not normal anymore. ____...
157K 8K 22
I suddenly died while reading greek mythology. I know! I know! It's so cliche! I am very aware of that fact! But you're correct, I got reincarnated i...