THE WORLD OF MOONLIT

By ms_whitecrayon

4.1K 1K 1.1K

Ang Moonlit ay isang Mundo kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng nilalang, na pinamumunuan ng magiting... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1- PAINFUL PAST
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 -WHERE ARE YOU?
CHAPTER 7 - THE HEARTTHROB
CHAPTER 8 -UNFAMILIAR FEELING
CHAPTER 9 -FRIENDS
CHAPTER 10 -GANGSTER
CHAPTER 11 -BLACK TIGER
CHAPTER 12
CHAPTER 13 -MYSTERIOUS GUY
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 -NEW ELIJAH
AUTHOR' NOTE
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 -ESKINITA
CHAPTER 23 - PRINSIPE RIOX
CHAPTER 24 - NEW FRIEND
CHAPTER 25
CHAPTER 26 -TRUTH
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34 - REVELATION
CHAPTER 35
CHAPTER 36 -PICTURE
CHAPTER 37 -REVELATION (PART 2)
CHAPTER 38 -REVELATION (PART 3)
CHAPTER 39 -REVELATION (LAST PART)
CHAPTER 40 -PANAGINIP
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43 -ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 44 -MOONLIT
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59 - KING FLEVIOUS
CHAPTER 60
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 54

30 10 1
By ms_whitecrayon


XYVYN'S POV

Nagtataka pa rin akong nakatingin kay Aliho habang nasa likuran nila akong dalawa ni pres Ica.

Ano ang nangyari sa kanya kanina? Bakit parang natigilan siya bigla at parang biglang nag-iba ang mood niya.

Sa Balto kami dadaan kung saan maraming mapanlinlang na mga nilalang. Iba't iba rin ang uri ng Elves ang nakatira sa lupain ng balto. Dito rin huling namataan ang halimaw na sinasabi nilang sobrang lakas. Kahit ako hindi ko pa nakita kung ano itsura nun.

Nang tuluyan na kaming makaalis sa bayan ng Goetia ay nagsimula na rin akong makaramdam ng pangamba. Hindi ako sigurado kung kaya ko silang protektahan lahat, lalong lalo na ang mga kamahalan. Ako ang naatasan na mag bantay sa kanilang dalawa, kaya gagawin ko ang lahat para protektahan sila.

Dito sa lupain ng Goetia ay may iba't ibang uri ng angkan. Ang pader na patuloy na tumataas at humahati sa dalawang uri ng nilalang sa mundo. May mayayaman at may mahihirap.

Mayaman ang kaharian ng Goetia sa mga alak at iba't ibang uri ng maiinom. Ang kaharian naman ng Azrya ay kilala sa pagiging mayaman nila sa daming ginto sa lugar nila. Ang kaharian naman ng Zlatan ay kilala at mayaman sa mga masasarap na pagkain, kagaya ng mga bulaklak. Kilala rin ito bilang pinakamaraming batas at ipinagbabawal sa kaharian nila. Ang Askati forest naman ay kilalang masagana at mayamang lupain ng mga prutas. Ngunit nakakatakot ang umakyat sa mga bundok dito, dahil iba't ibang makamandag na hayop ang mga naninirahan sa kabundukan.

Huminto si Aliho at mukhang inaantay ako kaya ako binilisan ko ang paglalakad ko.

"Bakit ka tumigil?" agad na tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Parang may nararamdaman akong kakaiba." aniya. Lumingon lingon pa siya sa paligid.

"Anong kakaiba?" takang tanong ko sa kanya at lumingon din sa paligid.

Magsasalita na sana siya pero biglang sumigaw si Krixi kaya agad kaming napalingon sa mga nasa unahan. Agad kaming tumakbo ni Aliho palapit sa kanila.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko at tiningnan si Krixi na ngayon ay nakasalampak sa lupa.

"Parang biglang nayanig ang ulo ko sa sakit." kunot noong ani Krixi at saka tumayo, inalalayan naman siya ni Ica.

"Masakit? Bakit? Baka nahilo ka lang." nag-aalalang tanong ni Zy.

Umiling si krixi. "Hindi eh, parang biglang may kung anong sumigaw sa ulo ko o ano. Hindi ko maintindihan. Ang sakit ng ulo ko." umiiling na aniya habang pinipisil ang sintido niya.

Nagtataka kaming lahat na nakatitig sa kanya.

"Aaahhhhh!"

Sabay kaming napalingon kay Reese nang sumigaw rin siya. Napaupo siya habang nakahawak sa ulo niya.

Nagulat kaming lahat nang biglang may tumalon na mga halimaw sa harapan namin.

Mga GLABRO.

"Mga glabro." rinig kong sigaw ni Zionne at saka binunot ang spada niya.

"Nakakatakot sila!!" sigaw ni Krixi.

Ang GLABRO ay isang uri ng werewolf. Meron silang katawan na parang tao pero hayop ang ulo. May matutulis na mga kuko at malalaking mga mata. May mga balahibo na pang hayop. May kapangyarihan silang hipan ang ulo ng nilalang mula sa malayo at magiging masakit ang ulo na parang dinudukot ang mga laman nito, sinumang tamaan ng hangin na binubuga nila.

(A/N- you can search it on google mga biiii ganyan ang istura ng sinasabi ni bebe Xyvyn😆. Just search Glabro Werewolf. Dinagdagan ko lang ng mga powers ang mga lolong glabro natin Hehehe mwamwa😘😘.)

Umatake sila sa'min kaya muli na namang sumigaw ang mga kaibigan namin. Ginagamit nila ang mga kakayahan nilang pasakitin ang ulo ninuman.

Nagulat kami nang biglang naghagis ng talisman si Zyleigh na agad naman nagliwanag at binigyan kami ng pananggalang.

Gusto kong humanga nang gawin niya 'yon. Hindi ko naisip na kaya niya talagang gamitin ang talisman na mula sa kaharian ng Zlatan. Mukhang masyado kong minamaliit ang kakayahan ng prinsesa.

"Hindi magtatagal ang pananggalang na ito. Kailangan niyong maghanda, kakalabanin natin sila." ani Zionne at nilabas ang makapangyarihang piano niya.

"Huhu nakakatakot ang itsura nila." muling usal na naman ni krixi.

"Mas nakakatakot ang itsura mo wag kang mag-alala." biro sa kanya ni Cypher.

Kahit kailan talaga puro kalokohan ang isang 'to. Nasa panganib na kami lahat lahat, nagagawa niya pang mang-asar.

"Tigilan moko cypher ah! Baka ikaw ang unang ipakain ko sa mga halimaw na Glabro na 'yan." banta sa kanya ni krixi na tinawanan naman nitong isa.

Muli kaming napalingon nang biglang dumami ang mga glabro.

"Ay jusko lord!! Please guide us. Kung mamatay man kami ngayon ay si cypher sana ang mauuna." sambit na naman ni Krixi. Di talaga siya titigil.

Mukhang napikon naman si cypher sa kanya kaya hinampas siya nito ng pamaypay niya.

"Maghanda na kayo." sabi ni Zy at saka kami sabay sabay na sumugod sa mga glabro.

Si Zionne ay lumipad sa ere gamit ang spiritual na lakas niya at saka naghagis ng spiritual string sa mga glabro mula sa piano niya, kaya nanghina ang mga ito. Si Zy naman ang tuluyang pumapaslang sa mga ito, na hindi ko akalaing magaling gumamit ng spada.

Tumalon ako ng paikot at saka sinaksak ang isang glabro, nagulat naman ako nang bigla akong itulak ni Aliho at saka sinaksak ang glabro na nasa likuran ko. Hindi ko na nagawang magpasalamat sa kanya nang tumalon siya papunta sa may malaking bato, at doon pumwesto upang gamitin ang spiritual crossbow niya.

Napalingon naman ako kay cypher nang sumigaw ito at nakitang natumba siya. Dadamputin na sana siya ng glabro pero bigla itong natumba nang may lumipad na shuriken. Napangiti ako nang mapagtantong galing  'yon kay krixi. Tinulungan naman ni reese na makatayo si cypher. Hinarang ni cypher ang pamaypay niya sa kanila ni reese nang may umatake sa likuran nila, kaya imbis na masaktan sila ay ang glabro ang natumba. Agad naman itong pinana ni reese dahilan para hindi na ito nakatayo.

Tumalon ako palapit kay kenji at saka siya tinulungan sa dalawang glabro na kaharap niya. Magkatalikuran kaming dalawa habang nakikipaglaban. Nakita kong may sumugod na dalawang glabro kay krixi, agad namang sinipa ni krixi ang isa at nagulat siya nang bigla itong natumba. May tumamang palaso sa dalawang glabro mula sa crossbow ni Aliho. Napatingin ako sa gawi ni Aliho at tutok na tutok siya sa pagpa-pana. Agad naman akong tumakbo papunta kay Zy nang makita kong patalikod siyang sinugod ng isang glabro, sinaksak ko 'yon na agad naman nitong ikinamatay.

Bigla akong natigilan nang sumakit ang ulo ko, mukhang tinamaan yata ako ng powers nila. Nanghina ako at nanlabo ang paningin ko. Hindi ko na magawang lumaban. Mas natakot naman ako para sa'min nang pati ang mga kaibigan namin ay napaupo. Mukhang pati sila ay nanghina gaya ko.

Nakita kong tumalon si Zionne pababa at saka kami tinulungang pumunta sa may gilid. Si Zyleigh naman ang nagsilbi naming pananggalang laban sa mga glabro. Tumalon si Aliho sa tabi niya kaya dalawa silang nakipaglaban sa mga ito.

Gusto kong humanga sa paraan ng pakikilaban nilang dalawa.

Si Zy na magaling at mabilis na parang ang gaan ng spada niya. Sinipa niya ang isang glabro at saka umikot para saksakin naman ang glabro na umatake sa kanya mula sa likuran niya.

Tinadyakan ni Aliho ang dalawang glabro na sumugod sa kanya. Tinalunan niya ang isa nito at saka sinaksak. Mas lalo naman akong namangha nang paluhod niyang sinaksak ang isa mula sa likuran niya.

Agad namang naghagis ng spiritual string si Zionne nang sabay sabay na sumugod ang limang glabro. Natumba ang mga ito na agad namang sinugod ni Aliho at Zy saka pinagsasaksak.

Nang maubos ang glabro ay nanghihina silang humarap sa'min. Nagpilit ng ngiti si Zy kahit halatang pagod at nanghihina siya. Agad namang lumapit sa'min si zionne at saka ginamot ang mga sakit namin sa ulo. Nilagay niya lang ang dalawang daliri niya, hintutuo at gitnang daliri sa mga sintido namin at saka binigyan kami ng lakas.

Isa sa kakayahan nila ay kayang magpagaling ng karamdaman gamit ang spiritual na mahika.

"May sugat ka."

Gulat akong napalingon sa gilid ko nang magsalita si Aliho. Nakatingin siya sa balikat ko.

Napatingin ako sa may balikat ko at nakitang may sugat nga ako. Gusto kong matawa sa sarili ko, hindi ko man lang naramdaman ang sakit nito.

"Okay ka lang?" nag-aalalang lumapit sa'kin si Zy. Tumango naman ako sa kanya.

Lumapit na rin si Zionne sa'min, nilabas niya ang piano niya at saka nagsimulang tumugtog.

Gulat naman ang mukha ng mga kaibigan namin nang makita nilang nag hilom ang sugat sa balikat ko.

"Wow!" manghang usal ni krixi.

"Ang galing. Edi hindi na pala tayo mag-aalalang masugatan, kaya mo palang maging healer dre." nakangiting sabi ni Cypher.

"Isa sa mga kakayahan namin ni Zyleigh ang kayang makagamot ng sugat." sagot ni Zionne.

"Pati ikaw Zy? Astig." tanong ni reese.

Nag-alinlangang tumango si Zy. "Oo, nagawa ko na din dati ang magpagaling ng mga sugat." sagot niya.

"Totoo? Kelan naman yun?"

"Muntik na akong maaksidente noong gabing nagising si Elijah." huminto si Zy at saka tumingin kay Elijah. "Yun din yung gabing nalaman kong hindi ako tunay na anak ng parents ko, at ampon lang nila ako." nagpilit siya ng ngiti. "Muntik na akong mabangga ng malaking truck nang tumakbo ako ng bahay. Niligtas ako ni Zionne kaya siya ang muntik ng mamatay. Tapos ayun, doon ko na nalaman lahat lahat." kwento niya.

Napansin kong nakatitig si Aliho sa kanya at parang gulat na gulat pa siya. Yumuko siya at bumuntong hininga.

"Kaya pala isang linggo ka naming hindi nakita. Hindi ka pumapasok ng school." sabi naman ni Ica.

Ngumiti lang si Zy sa kanya at saka tumango.

"Tayo na. Baka may dumating na naman na mga kasamahan ng mga glabro." aya ko sa kanila. Agad naman silang nagtanguan.

Nagsimula na uli kaming maglakad at nakarating kami sa patag na lupa. Ang bandang gilid ay mga nagtataasang damo at sa kabila naman namin ay malawak na ilog.

Nagulat kami nang maglakad palapit sa ilog si Aliho at saka umupo doon.

"Hoy ano ginagawa mo jan?" sigaw na tanong sa kanya ni krixi.

Tumayo si Aliho at naglakad pabalik sa'min.

"Kumuha lang ako nito." sagot niya at may pinakita samin.

Isang kulay puting bato na hugis puso.

"Wooohh!! Paano mo nakita yan?" gulat na tanong ni krixi at lumapit pa sa kanya.

"Marami nito doon." sagot ni Aliho at tumingin pa sa ilog na pinanggalingan niya.

"Totoo?" gulat na tanong ni krixi. Tumango naman si Aliho. Agad na tumakbo si krixi papuntang ilog.

"Hoy krixi! Tara na." sigaw ni Reese.

"Teka lang--ahhhhh!!!"

Nagulat kami nang biglang sumigaw si krixi.

"HAHAHAHAHAHA."

Nabigla kami at sabay na lumingon kay Aliho nang tumawa siya ng malakas. Nakakatakot ang tawa niya na parang hindi siya.

Teka!!

Agad akong naglakad palapit sa kanya at saka hinawakan ang spada niya. Napaatras ako nang biglang naglaho ang spada.

'Engkanto!'

Ngumiti ng nakakatakot ang Engkantong nag panggap na si Aliho at bigla nalang akong tumalsik papunta sa mga kasamahan namin.





Continue Reading

You'll Also Like

167K 10.4K 47
Elizabeth has been ruling her kingdom for 3 years now. She's gone through countless advisors in those 3 years. When she's finally ready to give up on...
16.9K 719 8
Oc female Jackson x Hermes x Apollo x Ares
28.8K 1.9K 79
Just read the book to know. This book is inspired by the book Enigmatic queen by @SuccessSmile. I have made a lot of changes in the story as then I...
87K 2.4K 26
"๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ข'๐ฏ๐ž ๐ก๐š๐ ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ , ๐›๐ฎ๐ญ ๐ง๐จ ๐จ๐ง๐ž'๐ฌ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ง๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐...