THE WORLD OF MOONLIT

By ms_whitecrayon

4.1K 1K 1.1K

Ang Moonlit ay isang Mundo kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng nilalang, na pinamumunuan ng magiting... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1- PAINFUL PAST
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 -WHERE ARE YOU?
CHAPTER 7 - THE HEARTTHROB
CHAPTER 8 -UNFAMILIAR FEELING
CHAPTER 9 -FRIENDS
CHAPTER 10 -GANGSTER
CHAPTER 11 -BLACK TIGER
CHAPTER 12
CHAPTER 13 -MYSTERIOUS GUY
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 -NEW ELIJAH
AUTHOR' NOTE
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 -ESKINITA
CHAPTER 23 - PRINSIPE RIOX
CHAPTER 24 - NEW FRIEND
CHAPTER 25
CHAPTER 26 -TRUTH
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34 - REVELATION
CHAPTER 35
CHAPTER 36 -PICTURE
CHAPTER 37 -REVELATION (PART 2)
CHAPTER 38 -REVELATION (PART 3)
CHAPTER 39 -REVELATION (LAST PART)
CHAPTER 40 -PANAGINIP
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43 -ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 44 -MOONLIT
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59 - KING FLEVIOUS
CHAPTER 60
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 51

32 10 2
By ms_whitecrayon


ELIJAH'S POV

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko, gusto kong mag isip pero walang pumapasok sa isip ko. Gulong-gulo na ako sa nangyayari sa'kin.

Noong nasa acquaintance party kami ay kinikikabutan ako nang makita ko ang special guest namin. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon somewhere. Tapos bigla pang may pumasok sa isip ko na hindi ko pa masyadong naintindihan no'n. Ang akala ko ay nababaliw na ako sa mga pumapasok sa isip ko, pero nang sabihin ko kay Zionne ang tungkol dito ay sinabi niyang may vision daw ako.

Ayuko sanang maniwala sa kanya, pero ano pa nga ba ang itatawag ko sa mga nangyayaro sa'kin? Parating may pumapasok sa isip ko tapos kalaunan ay biglang mangyayari.

Nang makapasok kami dito sa ibang mundo, Accidentally ay napapadalas na ang nakikita ko sa isip ko o tamang sabihin na vision kagaya ng sinabi ni Zionne.

Nang ibigay nila sa'kin ang sandata na crossbow at spada ay biglang may pumasok sa vision ko. Isang pangyayari na talagang dumanak ang mga dugo, maraming mga namatay at sugatan. Nakita ko din na meron akong sinaksak na familiar sa'kin gamit ang spada na 'yon, pero malabo masyado kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Habang naglalakbay kami kanina ay nakita ko na sa vision ko na may aatake sa'min na mga kakaibang hayop, nasabi ko din 'yon kay zionne. Kaya nang makarating kami sa familiar na gubat na 'yon ay mabilis akong naka-akyat sa puno nang salakayin kami ng mga halimaw, ang sabi ni cypher ay TA-AWI daw ang tawag sa mga nilalang na 'yon, sinabi lang din daw ni zionne sa kanila.

Nang magpahinga kami ay hindi ako nakatulog dahil may nakita na naman ako sa vision ko. Sobrang kakaibang nilalang at hayop, kaya naman nang makarating kami sa may ilog kung saan may maganda at mahabang falls ay alam kong may mangyayari na naman. Lumapit ako sa tubig to confirm if 'yon nga ba ang lugar na nakita ko sa vision ko pero biglang ko na naman nakita ang mangyayari. Akala ko ay maiwasan namin 'yon dahil inaya ko na agad si zionne pero nagulat ako nang sumigaw si xyvyn habang nakatingin sa likuran ko, kung saan naka angat si zionne sa ere dahil sa isang halimaw sa tubig. Yun mismo yung halimaw na nakita ko sa vision ko. Higanteng ahas na may tatlong katawan at ulo, tapos may matutulis na mga ngipin at kaliskis.

Natigilan ako no'n at hindi ko man lang magawang igalaw ang paa ko dahil sa gulat. Pero nakakapagtaka ang biglang pag ilaw ng spada at crossbow ko na parang sinasabi nitong lumaban ako. Hindi ko din alam kung paano ko nagawa ang tumalon ng mataas, ang alam ko lang ay gusto kong talunin ang malaking halimaw na 'yon. Nang bumalik sa ilalim ng tubig ang halimaw ay bigla akong nakaramdam ng panghihina at muntik ng bumagsak, gusto kong magpasalamat dahil sa pagtulong sa'kin ni Zyleigh.

Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari, gusto ko naman matuwa sa mga kaibigan namin dahil mukhang mabilis nilang natanggap ang nangyayari sa'min, napunta kami dito sa kakaibang mundo na sa panaginip ko lang nakikita.

"WOW!" rinig kong usal ni krixi nang makarating kami sa napakagandang bayan.

Maraming nilalang na parang mga tao lang din ang itsura, meron din akong nakitang mga katulad ni zionne at zy na may mahahabang tenga.

"Ito na ang bayan ng Goetia." anunsyo ni Xyvyn.

Bakas pa rin ang pagkamangha sa mata at mukha ng mga kaibigan namin. Well, kahit naman ako namamangha pero hindi naman ako kasing OA ni krixi na nakanganga pa talaga.

"May alam akong pwede nating pagpahingahan." nakangiting ani Zionne.

"Hotel ba dre?" tanong ni cypher. Gusto kong matawa dahil sa reaction ni Zionne at Xyvyn.

"Williams, hindi ba't sinabi ko sayong huwag kang magsalita dito ng lengguwahe ng mundo niyo?" bulong ni Zionne kay Cypher.

Napatakip naman agad ng bibig si Cypher.

"Sorr-"

Hindi na natuloy ni cypher ang sasabihin niya nang bunutin ni zionne ang spada niya. Agad na nagtago si cypher sa likuran ni Jaxon na ikinainis naman ng isa.

"P-Pasensya!! Pasensya!!" mahinang sigaw ni cypher habang nakatago parin sa likuran ni Jaxon.

Napapailing nalang si Zionne at Xyvyn dahil sa kalokohan niya.

"Tayo na, kailangan na ni Aliho ang magpahinga." ani Xyvyn at tumingin pa sa'kin kaya nagsalubong ang mga mata namin.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya o hindi nalang dahil seryosong seryoso ang mukha niya. Sa huli ay umiwas nalang ako ng tingin at binaling nalang sa mga tao este Elves ang paningin ko.

Gusto kong mamangha dahil sobrang ganda ng bayang ito. Pakiramdam ko tuloy ay nasa mundo parin kami ng mga tao, tapos malinis ang mga pamilihan. Marami at magaganda ang mga naka display pero hindi gaya ng bayan sa mundo ng mga tao ay sobrang linis dito.

Mga naka hoddie pa rin kami at bahagyang nakatago ang mga mukha, dahil gaya ng sinabi nina Zionne at Xyvyn, kailangan naming mag-ingat na huwag malaman ng mga nilalang dito na nagmula kami sa mundo ng mga tao.

"Ohh mga ginoo at binibini, bili na kayo." rinig kong tawag sa'min ng isang lalaking nagtitinda ng mga maskarang gawa sa papel o karton.

Lumapit do'n si Cypher na hindi naman napansin ng tatlong lalaki naming kaibigan. Nasa unahan kasi sina Zionne, Xyvyn, at Jaxon kaya tanging kami lang mga babae ang nakakita sa paglapit ni cypher sa lalaking tindero.

"Magkano po?" tanong niya na akala mo may pambayad siya.

"Ngayon ko lamang nakita rito ang iyong mukha, ginoo. Ikaw ba ay isang dayuhan?" tanong nang tindero sa kanya. Halatang nagulat si cypher at hindi agad nakapagsalita.

"Gano'n na nga po." pilit ang ngiting sagot niya, ramdam ko rin na kinabahan siya.

"Kung gano'n ay ibibigay ko ito sayo ng libre." nakangiting anang tindero.

"Talaga po?" tuwang tuwa na tanong ni Cypher.

"Mamili ka na kung alin diyan ang naiibigan mo." nakangiti paring anang tindero. Namili naman si cypher na excited pa.

"Pwede po ba ito?" masayang tanong ni cypher habang nakaturo sa isang maskara na kulay itim. Ang maskara ay may nakakatakot na design, isang nakakatakot na halimaw ang naka pinta.

Nakangiting tinanggal ng tindero ang isang maskara na tinuro ni cypher at saka niya ito inabot kay cypher na tuwang tuwa naman.

"Maraming salamat po." masayang pasasalamat ni cypher at saka kumaway pa bago tumalikod.

"Ibang klase talaga ang isang 'yon." rinig kong ani krixi na nasa tabi ko at saka naglakad na din.

Sinuot ni cypher ang maskara at saka pumwesto sa likuran ni Jaxon na ngayon ay nakahinto habang may tinitingnan sa harapan nila. Kinalabit siya ni cypher na agad namang umupo kaya hindi niya nakita, kunot noo niyang nilibot ang paningin niya nang biglang tumayo si cypher at ginulat siya dahilan para mapasigaw siya sa gulat.

Agad na tumawa ng malakas si Cypher nang magtagumpay siya sa kalokohan niya. Galit naman siyang tiningnan ni Jaxon na ngayon ay namumula ang mukha sa gulat.

"Hahaha siraulo talaga." natatawang ani krixi habang nakatingin din kay cypher at jaxon.

"Naku lagot!" natatawang ani Reese nang makitang lumapit si zionne at xyvyn kay cypher habang masama ang tingin.

Naglakad na din kami palapit sa kanila, hinila ni xyvyn si cypher papunta sa may gilid. Sumunod naman kami sa kanila.

Gusto kong tumawa ng malakas nang bakas sa mukha ni cypher ang takot, ngumuso pa siya.

"Saan mo nakuha 'yang maskara na 'yan?" takang tanong ni xyvyn sa kanya.

"H-Ha? Binigay sa'kin nung tindero ng maskara." utal na sagot niya.

"Bakit ka binigyan?"

"H-Hindi ko alam. Tinanong niya lang ako kung dayo lang ba ako dito, sumagot naman ako ng oo kaya sabi niya libre nalang daw niya ako." paliwanag niya na halatang natatakot.

Bumuntong hininga si xyvyn at parang pilit pinapakalma ang sarili niya.

Naiintindihan ko kung bakit ganito ang reaction niya, bagong salta nga lang naman kami dito. Wala pa kaming alam sa mga bagay bagay dito at kung ano ang mga dapat o hindi dapat gawin.

"Sa susunod ay wag ka basta bastang lumapit sa kahit sino dito. Lalo na kung hindi mo naman kilala." salubong ang kilay na ani xyvyn. Tumango naman si cypher.

Tumalikod na si xyvyn at naglakad na kaya agad din naman kaming sumunod sa kanya. Natatawa ko namang tiningnan si cypher na tahimik nalang sa likuran namin. Huminto ako at saka siya inantay na makalapit sa'kin. Nagpilit siya ng ngiti nang masalubong niya ang tingin ko.

"Pasensya na sa inyo. Dahil sa'kin mukhang mapapahamak pa tayo." biglang aniya.

Tiningnan ko siya at saka ngumiti.

"Intindihin mo nalang si Xyvyn. Alam mo naman kung anong mundo 'to. Hindi lang ito basta probinsya sa mundo natin na hindi pa natin napupuntahan kaya naninibago tayo. Masyadong delikado ang mundong 'to cypher, kaya kailangan nating sumunod sa lahat ng sasabihin nina xyvyn at zionne dahil sila lang ang may alam dito kumpara sa'ting lahat." mahinang sabi ko. Yung kaming dalawa lang ang makakarinig dahil may iilang elves sa paligid namin.

"Salamat Aliho. Akala ko ay papagalitan mo rin ako." nakangiting ani cypher.

"Pareho lang tayong walang alam dito cypher. Kagaya mo ay gusto ko ring kumilos na parang nasa normal na mundo lang tayo, pero pinipigilan ko ang sarili ko para sa kapakanan nating pareho." nakangiting sabi ko.

"Grabe ang cool mo!"

"Tsk, asan ang cool sa sinabi ko?"

"Hahaha wala, dahil ikaw mismo yung cool."

Natawa ako sa sinabi niya. Tinapik ko siya sa may likurang balikat at nagpatuloy na sa paglalakad. 

Huminto kami sa isang magandang bahay o tamang sabihin na restaurant? May nakasulat sa may taas na familiar na titik. Ay!! Parang nakita ko na ang mga litrang 'to sa kung saan.

"Ito ang bahay-panuluyan sa bayan na 'to. Dito na muna tayo hanggang magdilim." ani Xyvyn kaya sabay kaming lumingon sa kanya.

'Hotel? Wow!'

Naunang pumasok si Zionne at sumunod naman si Xyvyn. Kaya agad rin kaming sumunod, at namangha na naman sa nakita.

Mukhang second floor itong hotel, dito sa baba ay parang restaurant dahil may mga elves na nag-iinuman at kumakain. Wala silang upuan dito, tanging tables lang sa sahig lang kayo nakaupo. Gets niyo? Bahala kayo!!

Lumapit si Xyvyn doon sa lalaking nasa front desk nitong hotel, na sa tingin ko ay isang Elf kagaya nina Zy at Zionne dahil sa mahabang tenga nito. Kinausap lang ito ni Xyvyn at nang matapos ay tiningnan niya kami at sumenyas na sumunod kami sa kanya. Agad naman kaming nagsunuran.

Umakyat kami ng hagdan at tama nga ako, mukhang dito sa taas ang mga rooms nitong hotel. May iba't ibang double door ang nakikita namin, gusto kong buksan ang bawat isa para tingnan ang loob ng kwarto pero nakasunod lang kami kay Xyvyn.

Huminto kami sa harap ng isang malaking double door din at saka binuksan 'yon ni Xyvyn. Pumasok siya kaya agad rin naman kaming sumunod at muli na namang namangha.

Grabe!!! Ang laki nitong kwarto at ang ganda.

May isang malapad na table sa gilid na may nakapatong na kulay puting flower vase. Sa ilalim naman ng table ay may Rubber floor mat na kulay golden brown.

Sa kabilang bahagi naman ay may harang na kulay puting malinaw na kurtina para sa mga bed. May limang bed na tingin ko ay kasya lang ang dalawang tao sa bawat isa nito.

May Gasera (lampara) sa bawat sulok ng kwarto. Meron pang isang pinto na at sa tingin ko ay 'yon ang banyo nila dito.

'Astig.'

"Magpahinga na kayo." rinig kong ani Xyvyn.

Agad namang pumunta sa may bed ang mga kaibigan namin at tuwang-tuwa na tumihaya doon. Napansin kong may nakatingin sa'kin mula sa kung saan kaya nilingon ko ito. Si Jaxon lang pala. Ngumiti siya sa'kin at lumapit. Kinuha niya ang dala kong bag at saka naglakad pasunod sa mga kaibigan namin.

Hindi ako nakapagsalita!!!



Continue Reading

You'll Also Like

87.6K 2.5K 19
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
472K 17.6K 69
Reincarnated Series #01 Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'. Isabelle was...
877K 30.2K 108
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
993K 42.4K 88
Kenta Bernard, a seventeen-year-old, died of leukemia in the hospital and was reincarnated in a novel that he has yet to finish. He is the ill second...