THE WORLD OF MOONLIT

By ms_whitecrayon

4.1K 1K 1.1K

Ang Moonlit ay isang Mundo kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng nilalang, na pinamumunuan ng magiting... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1- PAINFUL PAST
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 -WHERE ARE YOU?
CHAPTER 7 - THE HEARTTHROB
CHAPTER 8 -UNFAMILIAR FEELING
CHAPTER 9 -FRIENDS
CHAPTER 10 -GANGSTER
CHAPTER 11 -BLACK TIGER
CHAPTER 12
CHAPTER 13 -MYSTERIOUS GUY
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 -NEW ELIJAH
AUTHOR' NOTE
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 -ESKINITA
CHAPTER 23 - PRINSIPE RIOX
CHAPTER 24 - NEW FRIEND
CHAPTER 25
CHAPTER 26 -TRUTH
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34 - REVELATION
CHAPTER 35
CHAPTER 36 -PICTURE
CHAPTER 37 -REVELATION (PART 2)
CHAPTER 38 -REVELATION (PART 3)
CHAPTER 39 -REVELATION (LAST PART)
CHAPTER 40 -PANAGINIP
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43 -ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59 - KING FLEVIOUS
CHAPTER 60
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 44 -MOONLIT

35 9 0
By ms_whitecrayon


ZYLEIGH'S POV

NAKATULALA ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Hiniling ko kay kuya at Xyvyn na sisilip muna ako saglit sa party para makita kahit sa huling sandali lang si Elijah at iba pa naming kaibigan.

Nang makarating sa party ay naabutan naming kumakanta si Elijah. Napangiti ako dahil halata sa lahat ang paghanga nila para sa kapatid ko.

Nang matapos siya ay tinawag naman ni Ica ang special guest. At nagulat ako nang makita kung sino, hinding hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung lalaki sa rooftop ng hartshorn hospital, yung misteryosong lalaki.

"Riox?" rinig kong gulat na sambit ni Xyvyn.

"Kilala mo siya?"

"Oo, kilalang kilala." sagot ni Xyvyn at parang biglang tumalim ang tingin niya doon sa lalaki.

Hinila niya ako paalis kaya nagulat ako.

"Ano ba? Teka lang, titingnan ko pa si Elijah."

"Kailangan na nating maka-alis dito. May kutob akong may hindi magandang mangyayari!" ani Xyvyn.

"Teka lang! Anong hindi magandang mangyayari? Paano mo naman nasabi? Kung ganon edi puntahan natin ang mga kaibigan natin." sigaw ko sa kanya.

Biglang sumulpot si Kuya Zionne at nagtataka siya sa'min.

"Anong nangyayari? Bakit kayo nagsisigawan dito?" takang tanong niya.

"Narito si Riox. Siya ang special guest ng party." sagot ni Xyvyn. Agad namang nagulat si kuya Zionne.

Kagaya ni Xyvyn ay hinila niya din ako palayo sa party. Wala akong maintindihan sa nangyayari. Sino ba si Riox? Bakit ba parang natatakot sila?

"Teka lang kuya! Ano ba nangyayari? Kilala niyo ba 'yong Riox? Sino ba 'yon?" sigaw ko habang pinipigilan ang paghila ni kuya zionne.

Binitawan ako ni kuya Zionne sa loob ng kotse. Sumakay din agad sila pero hindi pinaandar.

Nagulat nalang kami nang biglang nagtakbuhan ang mga studyante palabas.

'Anong nangyari?'

Sinubukan kong lumabas pero agad akong napigilan ni kuya Zionne.

"Kuya! Kailangan kong puntahan si Elijah, baka napano siya." sigaw ko.

"Hindi ka pwedeng makita ni Riox. Malamang ikaw ang pakay niya rito!" sigaw niya na nagpatigil sa'kin.

"Ano?"

"Si Riox. Siya yung sinasabi namin na anak ng traydor na kapatid ng Ama natin. Pinadala siya dito ay malamang upang patayin ka. Kailangan na agad nating makaalis." aniya at agad namang pinaandar ni Xyvyn ang sasakyan.

"Kuya!! Kahit saglit lang!" pagmama-kaawa ko pero hindi nila ako pinakinggan.

Muli kong tiningnan ang mga studyanteng nagkagulo.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari kay Elijah at sa mga kaibigan namin.

Nang makarating kami sa mansyon ay agad kaming dumeretso sa likod kung saan may isang napakalaking puno ng kahoy. Nagtataka ako, ano gagawin namin dito?

Merong nilabas si Xyvyn na kulay brown na papel na walang sulat at nagulat ako nang bigla niyang binunot ang spada at saka sinugatan ang daliri niya. Sinulatan niya ang papel ng dugo niya at saka pinalipad ito papunta sa may puno, kung paano niya ginawa 'yon ay hindi ko alam. Kahit ako ay gulat na gulat sa nakikita. Ito yata ang isa sa magic nila.

Biglang parang bumukas ang puno, may lumabas na ilaw mula doon at kung titingnan ay para itong hangin na nagpaikot-ikot at anumang oras ay pwede kang kainin. Parang 'yong mga napanood ko sa movie, yung tubig sa gitna ng dagat? Ano ba tawag do'n? Buhawi?Basta ganun ang itsura ng ilaw na lumabas mula sa puno.

"Tayo na." rinig kong ani Xyvyn at saka naunang pumasok doon. Bigla nalang siyang nawala.

'Magic!'

"Ito ang lagusan papunta sa mundo natin. Lakasan mo ang loob mo." ani Kuya Zionne saka ako hinila.

Agad na pumasok sa isip ko ang mga kaibigan ko. Si Elijah, si Reese, si krixi, si Cypher, si kenji, si Ica. Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang nangyari sa kanila sa party?

Pinikit ko ang mata ko nang tuluyan kaming pumasok ni kuya Zionne sa mahiwagang lagusan. Pagmulat ng mga mata ko ay nasa magandang gubat na kami. Hindi ito ordinaryong kagubatan, magaganda ang puno at maraming bulaklak.

"Nasan tayo?"

Sabay kaming tatlo na napalingon nang may narinig kaming nagsalita mula sa likuran namin.

"Zy? Zy! Ikaw nga. Nasaan tayo? At paano kami napunta dito?" sunod-sunod na tanong ni Reese.

Oo, andito si Reese. Hindi lang si Reese kundi pati si Elijah, Krixi, Ica, Kenji at Cypher ay nandito. Paano sila napunta dito?

"Dre, bakit kayo magkasama ni Zy?" tanong ni Cypher kay kuya Zionne na ngayon ay hindi rin makapagsalita dahil sa nakikita.

"Hindi mo ba sinabi sa kanya na dapat ay malinaw ang isip niya kapag pumasok ng lagusan?" rinig kong tanong ni Xyvyn. Napalingon ako sa kanilang dalawa.

"Nakalimutan ko." ani kuya Zionne at saka napakamot ng ulo.

"Anong sinasabi niyo?" tanong ko sa kanila.

"Inisip mo sila bago ka pumasok ng lagusan?" tanong sa'kin ni Xyvyn. Tumango naman ako.

"Bakit?"

"Kailangan malinis at blanko ang isip mo bago ka pumasok ng lagusan. Kundi ay madadala mo dito ang mga taong nasa isip mo." paliwanag ni Xyvyn.

Gulat akong napatitig sa kanya at saka bumaling uli sa mga kaibigan namin na parang takang-taka sa naririnig.

"Ano ba pinag-uusapan niyong lagusan? Tsaka nasaan tayo? Anong lugar 'to? Paano kami napunta dito eh nasa party lang kami kanina." sunod-sunod na tanong ni Krixi.

Magsasalita na sana ako pero biglang suminyas si Xyvyn ng tahimik saka kami hinila papunta sa may likod ng malaking puno.

"May paparating." aniya.

Sumilip rin ako sa tinitingnan niya at nagulat nang makitang may mga tao, este diko alam kung anong tawag sa kanila. Naglalakad malapit sa'min.

"Ano ba nangyayari?" takang tanong talaga ni Krixi.

"Sshh mamaya namin ipapaliwanag. Sa ngayon ay makisama muna kayo sa'min pwede?" pigil ni kuya Zionne sa kanila.

Kahit halatang mga naguguluhan ay tumango nalang sila. Sumilip uli ako doon sa mga nilalang pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang magsalubong ang mata namin nung nilalang na hindi ko alam ang tawag.

Agad akong sumigaw nang tumakbo sila palapit sa'min pero agad naman silang sinalubong ni Xyvyn para kalabanin. Parang normal lang sila na tao pero mahahaba ang kuko nila, mapupula ang mga mata at may mga sungay. Oo as in sungay. Nakakatakot sila.

May nakalagpas kay Xyvyn at tumakbo palapit sa'min pero agad na binunot ni kuya Zionne ang bitbit niyang spada saka nakipaglaban na din.

"Shitt!! Anong nangyayari? Anong klasing tao ang mga 'yan?" mahinang sigaw ni Cypher.

Biglang natumba si kuya Zionne at mukhang sugatan din si Xyvyn. Shutik, sa dami ba naman ng mga 'to ay hindi talaga ni kakayanin. Kinabahan ako nang itaas ng nilalang na 'yon ang dala niyang parang kahoy na spada pero may patalim sa dulong bahagi, at saka umastang isaksak ito kay kuya Zionne na ngayon ay nakasalampak habang nakatalikod.

Nagulat ako nang biglang tumakbo si Elijah at saka sinipa yung nilalang. Nabitawan nun ang dala dala niyang sandata na agad namang napulot ni Elijah para isaksak do'n at tumulong makipaglaban. Gusto kong humanga sa galing niyang makipaglaban. Paano niya nagagawang sabayan ang galing ng mga 'to?

"Ahhhhh!!" rinig kong sigaw ni krixi.

Agad akong napalingon sa kanya at nagulat nang biglang may sumulpot na isa sa kasamahan ng mga nilalang na 'to. Agad akong tumakbo palapit sa kanila at saka sinipa yung nilalang, binunot ko din agad ang spada na pina-bitbit sa'kin ni Xyvyn kanina at saka sinaksak 'yon sa nilalang.

Parang nanghina ako at natatakot nang makitang mukhang napatay ko yata.

"Bilisan niyo, takbo!" biglang sumulpot si Xyvyn at saka kami hinila paalis. Saka ko lang napansin na napatumba na nila lahat.

Ang dami naming dinaanang mga nagagandahang punong kahoy at mga bulaklak. Pumasok kami sa isang kweba at paglabas namin sa kabila ay muli na naman akong namangha.

Isang napakagandang palasyo na pinalibutan ng mga magagandang falls. Maraming bulaklak sa paligid at mayron din kaming nakikitang mga taong nakasuot ng pulos puti, o tama bang sabihin kong mga tao sila eh nasa mundo kami ng moonlit.

"Wow!" nakangangang usal ni Krixi.

Lahat kami ay nakanganga maliban kay Xyvyn at kuya Zionne. At kay Elijah narin pala, nakatitig lang siya sa palasyo pero halatang namamangha rin siya.

"Nandito na tayo sa kaharian ng ZLATAN." rinig kong ani kuya Zionne.

Sabay sabay kaming napalingon sa kanya.

"Anong kaharian ng Zlatan? Wala kaming naiintindihan sa nangyayari. Nasaan ba tayo at anong lugar 'to? Paano kami napunta dito?" sunod sunod na tanong ni Ica.

Kahit ako ay ganyan din ang magiging tanong ko kung sakaling wala akong idea sa nangyayari. Kahit nga may idea ako ay nagugulat parin ako sa mga nakikita ko. Diko din inakala na kakapasok lang namin dito sa mundo ng moonlit ay may panganib na agad na nakasalubong.

"Mamaya namin ipapaliwanag ang lahat. Tayo na." ani Xyvyn saka naunang maglakad.

Nasa mataas na parte kami ng lupa, at yung Palasyo ay nasa baba na parte kaya kitang kita namin dito mula sa taas ang ganda nun.

Halos magpagulong kami pababa dahil sa matarik na lupa, wala man lang kahit anong pwedeng hawakan para hindi kami gumulong ng tuluyan pababa. Buti pa 'tong engkantong kasama namin ay mukhang sanay na sanay na, para lang tuloy silang naglalakad sa tuwid na daan.

"What the fuck!!" sigaw ni Kenji nang muntik na siyang gumulong.

Gusto ko sanang tumawa pero na out of balance ako at saka gumulong, pati si reese na kasabay ko ay sumama sa'kin sa pag-gulong, nasagi ko si Elijah at dahil magkahawak sila ni Krixi at Ica ay pati sila nadamay. Gumulong kaming lima at sa pinakababa ang bagsak namin. Narinig ko pa ang malakas na tawa ni Cypher bago sila tuluyang nakalapit sa'min.

'Peste!'

"HAHAHAHAHAHAHAHA anong trip niyo?" pang-aasar ni Cypher.

Gusto ko siyang sikmuraan. Hindi muna kami tinulungan bago pagtawanan! Animal.

"Okay lang kayo?" seryosong tanong ni kuya Zionne pero pakiramdam ko ay palihim niya kaming pinagtatawanan.

Agad nila kaming tinulungan makatayo. Si Xyvyn ang tumulong sa'kin, si Kenji naman kay krixi, si Cypher ay tinulungan si Reese habang tumatawa parin. si kuya Zionne naman ay lumapit kay Ica dahil nauna nang nakatayo si Elijah.

"Sakit ng balakang ko." reklamo ni reese.

"Buti at walang bato kundi durog tayo." natatawang sabi naman ni krixi. "Walanjo, nahilo ako do'n." dagdag niya habang natatawa parin.

"May masakit ba sayo?" tanong sa'kin ni Xyvyn. Umiling lang ako. Kahit ang totoo ay hiyang hiya ako sa nangyari.

Ang dumi ng isip ko, feeling ko pinagtatawanan nila kami. Lalong lalo na si kuya zionne at xyvyn na poker face parin. Feeling ko tuloy tumatawa sila sa loob loob nila.

May biglang dumating na mga nakaputing tao, este Elf. May dala silang mga spada at may tali sila sa noo na parang headband. Parang mga dress na puti ang suot nila na umabot sa mga paa nila, may manggas na parang lilipad sila dahil sa laki at haba na umabot sa mga kamay nila. Mahahaba ang buhok nila at mga nakaladlad, daig pa mga babae sa ganda ng buhok nila.

'Kakaibang nilalang talaga.'

Continue Reading

You'll Also Like

87K 2.5K 19
Warning: 18+ ABO worldα€€α€­α€― α€‘α€α€Όα€±α€α€Άα€›α€±α€Έα€žα€¬α€Έα€‘α€¬α€Έα€•α€«α€žα€Šα€Ία‹ α€…α€­α€α€Ία€€α€°α€Έα€šα€‰α€Ί ficα€œα€±α€Έα€™α€­α€―α€· α€‘α€•α€Όα€„α€Ία€œα€±α€¬α€€α€”α€Ύα€„α€Ία€· များစွာ α€€α€½α€¬α€α€Όα€¬α€Έα€”α€­α€―α€„α€Ία€•α€«α€žα€Šα€Ία‹
53K 5.3K 107
A story following a young hunter named Jay. He has grown up in a world where dungeons, monsters, and humans with leveling systems are a cultural norm...
32.8K 554 9
Meri nayi nayi shadi hui hai. main 19 saal ki hu. mere sasural wale bohot shareef hai lekin na jane kyu kuch dino se badal se gaye hai.