YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

By christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... More

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 151
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 155

286 27 22
By christilita


JEAU P.O.V.

Nakatitig ako sa madilim na kalangitan, wala na ang paborito kong bituin umalis na.

Buntong hininga lang ang kaya kong ipalabas ngayon, nasa may bintana ng kwarto ko, nakatayo. Hindi ko na binukas ang mga ilaw pa hindi rin naman ako magtatagal dito.

Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni papa kanina. Hindi na ako gulat don dahil umpisa palang pinapipili niya naman talaga ako sa gusto ko pero may kapalit. Kailangan mamili ako sa responsibilidad na gagawin ko yon ang gusto niya. Isa lang hindi pagsasabayin.

Hindi ko naman alam na pinapipili niya rin si Lei. Sa huli...hindi kami pareho ng napili.

Gusto ko kasama siya kasabay sa pangarap ko.

Nahuli ko nalang sarili ko na nagpapahid ng luha. Sino bang mag-aakala na maaalala ko pa siya ulit.

Nang makaalis ako sa bahay ay diretso ako sa hospital dahil sa isang text na natanggap ko.

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa room ni Boss, wala na itong malay at limitado narin ang pagpasok ko.

"Lumalala na ang cancer cells sa katawan niya." Usal ng isang Doctor, napakakalmado lang nito pero nandoon ang emosyon na kinatatakutan ko parang kagaya lang sa sinabi ni Lei noong nakaraan.

"Anong gagawin ko" natanong ko nalang sa kawalan. Ayokong mawaa si Boss. Napakahalaga niya talaga sakin

"Ang bilis kumalat ng cancer cells sa katawan niya bawat oras lumilipas mas hihina pa siya. Im going to be honest here-,"

"Huwag niyo kong sabihan.." putol at pigil ko. Tumango naman ito at di kalaunan ay umalis narin.

Nakatitig lang ako mula sa maliit na bintana mula sa pintuan ng room ni Boss, nakaratay na siya doon at nagsimulang mamayat at mga ilang tusok at kabit na machine sa katawan.

Naalala ko bigla si Lola Wa, siguro ganito siya dati. Ngayon ko lang naiintindihan ang ginawa nilang pagtatago nila sakin dati. Ang...ang sakit tignan, pilitin mo mang tiisin pero ang sakit lang makita na ganito.


"Magiging okay rin siya." Mahina at panatag na boses mula sa likuran ko.


Umiling akong napangisi ng pagak sa narinig ko at hindi ko ito magawang harapin.


"Ang.. ang doctor hindi nagsisinungaling". Napapaos na usal ko.


"At least kung gagaan ang loob ng pasyente at pamilya. Kailangan magsinungaling." Tugon nito. Suminghot ako saglit at doon siya hinarap.


"Doc..papagalingin niyo siya pwede ba?" Pagmamakaawa ko. Napatitig siya sakin sabay yuko, alam namin pareho na wala ng pag-asa pero..


"Oo naman. Nangako ako diba?" Aniya at kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko kahit binulag na ako sa katutuhanan.


Umupo nalang ako sa may bench na nakahalera sa gilid lang ng mga pader ng hospital. Iwan pero nasa akin ang hintayin si Lei, pumasok pa siya sa isang cancer patient na katabi lang rin sa room ni Boss.



Kanina palang nagriring ang cellphone hindi ko pa ito magawang sagutin gusto ko tahimik pero nakita ko naman agad pangalan ni Calvin nakalagay .

"Ano-"


"Invited ka sa kasal ko." Masayang usal nito. Nabigla ako sa narinig, wala naman kasi akong nalalaman na may sinseryuso itong babae. Maliban nalang sa isa na kaibigan ni Lei dati.


"No."



"Ikaw ang best man ko." Bingi-bingihan na usal niya pa.




"Meron naman si Lindon at yung dalawang ugok- Busy ako sa hospital Calv, at sa Poli-"

"Thank you Mr. Politician!" Asik nito at pinatayan na ako ng linya.


Napailing ulo nalang ako sa ginawa niya sinong makapag-iisip na siya ang mauunang ikasal sa amin.


"Lutuan mo ako ng Dinner." Boses ni Lei sa di kalayuan, napatayo ako bigla dahilan sa pagdating niya pero napatalikod ng mabilis dahil sa hindi ko inaasahang kasama niya.


"Alright."


"Anong alright lang? Sa tingin mo di ako magtatampo pag ganon?" Asik pa ni Lei dito. Napatikom bibig nalang ako at dahan-dahan nalang naglakad paalis doon hanggang sa minadali ko na ang lakad sa pag-iisip na ayokong maabutan nila ako.


Totoo na talaga to. Ito na ang sampal sa pagkukulang ko sa kanya dati.



Sa kagaguhan ko umabot na ang lakad ko sa may lobby ng hospital. Nakatayo at tulala lang hindi ko alam kung ilang minuto rin ang itinagal ko.





"Antok kana?" Napababa ang tingin ko sa boses, si Lei. Kunot noo akong di umimik. Kahit kailan nababagay talaga sa kanya ang sout niyang uniform.



Agad niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para magtaka ako.



Hindi naman ganoon kalayo ang nilalakaran namin mula sa lobby at doon may susi siyang kinuha mula sa bulsa niya at binuksan ang isang di kalaking room.



Pinapapasok niya ako sabay turo sa isang higaan. "Diyan ka muna magpahinga, huwag kanang umuwi." Aniya at hindi parin ako nagsalita.



Parang opisina niya ata ang napasukan ko. May higaan na para sa isa ka tao at sa unahan naman nito ay ang kalakihang lamesa na puno ng dokumento. At isang maliit na glass na stand kung saan nakaukit ang pangalan niya maging ang profession nito.



"Office mo?" Nasabi ko. Wala akong alam tungkol sa buhay hospital nila dito.




"Mga doctor lang ang nakakapasok dito para makapagpahinga. Kumain kana?" Aniya na nag-aayos sa uniform niyang hinubad tanging dress nalang ang bumalagta sa akin kung saan ay ngayon ko lang siya nakitang nagsout ng ganitong klaseng damit. "Psst? Hindi kapa kumakain?" Ulit niya at tumango lang ako at akmang lalabas.



"Huwag kang lalabas." Pigil niya na may taas na tono. Napangising pagak nalang ako sa kanya alam ko na.



Hinarap ko siya at akmang lalapitan pero hindi niya na ako pinagkaabalahan pang lingunin at nagpatuloy lang siya sa pag-aayos ng gamit sa lamesa niya.




"Baka makita tayo ng asawa mo?" Pag-amin ko at doon siya napatigil sa ginagawa niya. " ahh.. kaya pala.. bakit ka magtatanong kung nakakain na ba ako?" Asik ko e nakakainis lang.



"Bawal na ba yon?" Giit niya. Napangiwi akong napailing sa sagot niya.



"Ano naman sayo kung hindi pa ako nakakain? Aalis na ako." Reklamo ko at tinalikuran siya pero mabilis ang pagkahawak niya sa pulsahan ko para mapigilan.



"Pag binuksan mo yang pinto, makikita tayo sa dadaan na mga doctor mamaya, magtataka sila-"



"Na ano? Na nagdadala ka ng lalaki dito kahit may asawa ka na nga" inis kong sabi sa kanya pero kinunutan lang ako ng noo at hinawakan ng mahigpit ang pulsahan ko na parang ilang segundo nalang mapuputol na ang ugat ko.


"Hindi yan ang sinasabi ko". Reklamo niya naman.



"Tsk! Pakawalan mo na nga lang ako pwede ba?"


"Hindi nga pwede."


"Ano ba Lei! Kulit mo!" Reklamo ko pa, "Ayokong maubutan nalang ako bigla sa asawa mo! Ano pa iisipin non!" Asik ko pero mas diniinan niya pa ang pagkakahawak sa pulsuhan ko.



Wala akong magawa kundi titigan siya sa mata. "Hindi pwede tong ginagawa natin Lei. Aalis ako."


"Na naman?" Mahinang reklamo niya na halos hindi ko pa madinig.



"Hindi ko intensyon ang manira pa ng pamilya mo." Pag-aamin ko at doon niya ako binitawan.



"Wala naman akong ginawang mali." Kalmadong sabi niya na ikinainis ko! Hindi ko maintindihan ang bawat kilos niya! Alam kong mali nato kasi napapalapit na ako sa kanya ulit.



" Lei! Anong klaseng sagot yan." Dismayado kong sabi pero sa huli huminga ako ng malalim. "Ayoko sayo. Napapalapit na naman ako sayo! hinintay kita kanina matapos mong bisitahin ang mga pasyente. Nakakainis kasi para akong tanga naghihintay hindi ko naman alam! Naiinis ako kasi kahit may pamilya kana nag-aalala parin ako sayo! Nasasaktan parin ako sayo kahit na dapat masaya nalang sana!'' Pag-aamin ko sa lahat.


Ayoko ng umasa sa ganito.

"Talaga? Yan ang nararamdaman mo sa kabila ng lahat ng ito?" Aniya na parang hindi man lang nakikinig sa mga sinabi ko.


Napakamot noo nalang ako at lumayo sa kanya. Isinandal ko ang sarili sa pader,m dala ng pagod.


"Lei..gusto kong patunayan sayo lahat. Pero hindi ko na magagawa pa yon kasi may nag-aalaga na sayo." Nagsimula ng mapaos ang boses ko,mabuti nalang at hindi ganon ka liwanag ang lugar na ito. Ayokong makikita niyang iiyakan ko siya. Wala naman siyang dapat ipag-aalala pa. Sa totoo lang hindi ko inaasahan pagdating niya kinakabahan na iwan..8 years narin ang lumipas. Akala ko tapos na paghihintay ko kasi makakasama na siya pero huling huli naman pala.


"Yon parin ang iniisip mo Jeau? P-pwede namang ipagpatuloy-"



"Fuck!" Sigaw ko, hindi ko alam kung matutuwa paba ako sa nasabi niya. Napasapo nalang ako sa mukha ko diko maiwasan maluha. Bakit ganito siya. "Lei..alam mo.." nanglulumong saad ko na nilapitan nalang siya.



"Hindi naman tama to. Kinakaawan mo lang ako. Alam mong ako nalang ang hindi pa nakakalimot. Ayoko. Huwag mong sirain ang relasyon niyo para lang gawin ang responsiblidad mo sakin. Hirap na ako Lei. Please. Ilayo nalang natin sarili natin sa isa't isa." Nanginginig na saad ko.



Wala akong narinig na salita man lang sa kanya. Kaya tumalikod na ako at binuksan ang pinto. Bago ako umalis ay nagpaalam na ako.




Siguro... ibabali ko nalang ang atensyon ko sa iba. Maliliit na hakbang lang ang nagagawa kong lakad. Sinong mag-aakala na ngayon na pala ang gabi na maaamin ko sa kanya ang lahat at panigurado bukas parang hindi na kami magkakilala.


Napasandal ulit ako sa pader hindi mawala-wala tong nginig sa tuhod ko. Hindi lang ako makapaniwala.



Sa walong taon. Tiniis ko ang hindi siya hanapin kahit alam ko naman kung saan siya. Akala ko..




"Akala ko...hinihintay niya rin ako." Napayuko akong ninanamnam ang kabiguan. Hindi ko parin matanggap. Akala ko hindi lang totoo na may asawa na siya gusto ko mang isipin pero...huli na ako.

Kaya rin ba hindi niya ako hinanap man lang sa loob ng walong taon? Siguro..habang nag-aaral sila sa ibang bansa doon niya nakilala ang asawa niya.


"Sir ayos lang po ba kayo?" Tanong ng isang napadaang nurse.



"Hayaan mo nalang ako." Tipid at walang gana na sagot ko at tumango nalang ito na nagaalinlangan dahil sa takot.


"Bakit nandito kapa kasi?" Isang nurse na naman na napadaan.



"Hayaan niyo muna ako pwede?" Pakiusap ko nakarinig ako ng katahimikan pero saglit lang yon.


"Ganito pala masaktan ang isang mayabang, sikat, isang kilala na tao sa Laurente?" Napaangat noo ako at si Lei na naman.


"Ginusto mo naman." Saad ko at tumayo binabalak na umalis.



"Hindi." Diin na sabi niya at ito na naman ako naiinis na parang papunta na sa galit. "Jeau. Nagseselos kaba sa amin ni Doc Teves?" Kunot noong aniya at napahinga ako ng malakas!



"Siguro nga. Gusto mo lang makita paano mo ako sinasaktan ngayon. Kasi nga diba ginamit mo ako." Historya ko at napapahid ng mabilis sa luha ko bago siya tinalikuran.



"Kanina ka pa alis ng alis!" Giit niya ng mapigilan ako.



"Leave me alo- "


"Ang drama mo parin. Wala akong asawa." Diin na aniya.








LEI P.O.V





"Bakit wala kang asawa!?" Reklamo nito na hindi makapaniwala parin sa nasabi ko.


"Gusto mo?" Titig ko sa kanya at nag-aalinlangan pa siyang umiling.

"Kung ganon bakit ka paglulutuan ng dinner nong lalaking yon?!" Nagtatakang tanong pa niya. Nakaupo na siya ngayon sa maliit kong higaan na para lang talaga sa isa katao.

"Kasi..may pinag-uusapan lang kami." Tipid na sagot ko pero hindi parin siya naniniwala pa doon. "Ikaw bahala." Tipid na tugon ko. Napalunok siya bago umubo, baka nahawa nato dito.



"Andaming tanong ko Lei." Seryusong aniya at hindi nagtagal pinagbigyan ko siyang mag-usap kami ng masinsinan. Nasa harden kami ng hospital, wala ng katao-tao dito lalo na at ala una na ng gabi.


...

"Ayoko. Kasi mas gusto ko yung makita ka na tupad yung pangarap mo." Mahina na responde ko sa unang tanong niya.

"Hindi naman yan ang gusto ko Lei, alam mo yan-"


"Jeau...paano kung hindi ko nakikita ang sarili ko? Sa tuwing iniisip ko dati kung sikat ka tapos ako? Ano? Supporta lang? Nakabuntot lang? Paano naman ako?"

"Yan ba ang rason? Yung totoo? Nakakapagod ng magtago Lei, 8 years narin ito." Titig na tanong niya. Napasinghot niyuko ko na lang at hindi na ako binalingan ng tingin.

"Kailangan kong.. kailangan kong lumayo sayo. Kasi kahit hindi ko man gustuhin yon naman ang mahalaga. Ayaw ko pero parang doon nalang ang magagawa ko." Pigil biyak ng boses ko. "Mas nauna ang pangarap mo Jeau kesa sakin. Kaya yong opportunity mo ang pinauna ko.. kahit hindi paman ako papipiliin ng papa mo yon at yon parin ang disesyon ko."


Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa aming dalawa at tanging inggay lang nginsekto ang naririnig namin.


"Bakit ang hirap kasing tanggapin ang tama." Aniya na parang dinagdagan niya ng linya ang nasa isipan ko.

Natahimik kami pareho at hinawakan ang kamay ko bigla. Malamig ang kamay niya, hindi niya kaya ang ginaw sa labas.

"May oras pa diba?" Buong na boses niya at mas napatahimik pa ako sa narinig.

"Wala akong oras pag makakasama mo ako, alam mo naman dit-"


"Pagmahal mo may oras Lei. Kung mahal ka hihintayin mo." Putol niya sakin, hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sinabi niya na ang dapat. Napatahimik na naman kami ulit, nakakailang pero parang hindi pa ako handa sa bagong simula.

"Hihintayin kita. Ayoko na aalis kapa dito sakin Lei." Determinadong bigkas niya ng mapatayo siya at biglang lumuhod sa kinauupuan ko. Hindi ko maintindihan ang pinagkikikos hanggang sa umiyak siya sa may hita ko parang isang estudyante na ginagawang tulugan ang desk. "Pag ba hihintayin kita...may oras pa?" Singhot na sabi niya.

"Jeau bakit mo pa to ginaga-"

"Hihintayin parin kita Babybabe..." Napahinga nalang ako ng malalim sa kanya nang marinig ko ang tawagan namin dati. Napahimas ako sa magukong buhok niya.

"Lei. Huwag mo kong iwan ulit ha? "

"Lei..." Sakto namang tumunog ang cellphone ko sa bulsa, emergency sa ganitong oras.

"May emergency Jeau-"

"Pero wag mo akong iwan!." Pagmamaktol niya, kahit kailang ang bata niya parin mag-isip pagdating sa akin. Inayos ko ang magulo niyang buhok at napangiti ng tipid.

"Lumayo lang naman, walang nagbago." Tipid na sabi ko at napaangat siya ng noo sakin kaya tumayo narin ako sa kinauupuan ko

"Anong ibig mong sabih-"

"Tss..Bakit hindi mo maintindihan sinabi ko, nasa script mo to sa pelikula mo dati." Usal ko at napakunot noo parin siya hanggang sa ma gets niya na.

Napatayo siya sa sabay pahid sa luha niya sa gilid na may ngiti sa akin

"Ibig sabihin? Ikaw yung Alexa ko?"

"Ha?" Nalilito na sa kanya.

"I mean sa movie na yon-"

"Iwan ko sayo ang isip bata mo parin kahit gurang kana."

"Pero babybabe!!! Hihintayin kasi kita!" Sigaw niya ng nagsimula na akong maglakad patungo sa building.

Nakasunod parin siya sakin at napapansin narin kami ng ilang taong nagpapahangin sa labas.

"Lei!" Asik niya at napailing nalang ako sa kaingayan niya.

"Oy si Dockie ba yon?" Mas napapikit nalang ako sa narinig at hindi parin tumatahimik ang bunganga ni Jeau. Sa paghakbang ko sa hagdanan ay saktong napahinto ako at napatahimik ang lahat sa naisigaw ni Jeau.

"Hihintayin parin kita kahit gaano ka kabusy Le-"


"Bakit mo hihintayin kung nasa tabi mo na ako!". Sagot ko sa kanya ng harapin ko siya, nanlaki ang mata niya sa saya habang sakin naman ay sa gulat na hindi ko inaasahang makakasigaw ako dito. Kasabay ang malakas na beep sa cellphone ko.







______________________________________
AN: nagsusulat pa ako sowe kong now lang ehe.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...