YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

By christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... More

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 155
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 151

485 23 14
By christilita

Kabanata 151

_____________

"Sige sige na!!!! Kumilos na ang lahat!"


"Oy Jeau? Okay na ba yang linya natin mamaya?"


"Hmm."

"Goods! Sige sige na!! Let's go! We don't have enough time!"


"Yes Boss!"

"Nasaan ang script? Dapat ready kayo. Diko ko alam sasabihin ko sa meeting." Inip kong sabi sa asisstant ko.

"Nandiyan na lahat, and also wag kalimutan ngumiti."

"Tss.."


Tinaggap ko ang inabot nilang folder, naglalaman ng script. Napatitig lang ako doon at isinandal nalang ang ulo sa bintana ng sinasakyan namin na Van.

"You okay?"


"Memorizing the lines." Tipid na sagot ko. Wala naman akong narinig na pabalik na tugon. Pumikit nalang ako at ilang minuto ay tinabig ako ng manager.


Nandito na kami. Saktong pagbaba ko ay napasilaw ako sa malaking building na gawa sa glass. Has a unique design, hindi ko napansin man lang dati to. Umaasenso na ang bansa.


Hinatid kami ng guard papasok sa malaking building, hindi maipagkakaila na tinitinignan kami ng asisstant at manager ko na naglalakad. Nilabas halos ng ilan ang cellphone nila for pictures.


"Nandito na tayo." Saad ni Boss, I'm not calling him boss na boss, his not even higher pero Boss talaga pangalan niya. "You ready? Akin na yan." Kuha niya sa hawak kong folder.


Pagbukas ng glass door ay puni ng respeto kaming pumasok tatlo sa isang room na pagdadaluhan ng agenda.


"Hello! Mr. Martinez!" Bati nila sakin.


Meeting agenda for new business and advertisement.

"Well we will have 2 weeks for the shoots and 3 months to release the ads. online."

"Agree with this." Usal ni Boss na nakangiti sa dalawang lalaki. "But our concern here? About the payment." Diretsang usal niya sa dalawa.


Napaduda ako sa usal niya, yung script ni isang linya wala akong nagamit. Hindi na kagaya ng inaakala ko na pormal ang meeting.

"500,000.00"

Napabilog ng dahan-dahan ang mata ni Boss sakin at napabalik sa dalawang kausap namin.


"Is it too big? Or small? Well how about 700,000.00?" Walang pag-iisip tumango agad siya sa usapan at tahimik lang akong nakikinig sa usapan.


Ayos lang naman sakin kung ano ang mangyayari sakin kung hanggang saan ako dalhin ng pangarap na ito.

"Ang laki ng sweldo mo Jeau! They're really rich!" Di makapaniwalang usal niya sakin ng makauwi na kami sa condominium ko. Napainom ako ng kape, naksandal sa maliit na balcony ng condo ko. Napatitig ako sa paligid, building at mga sasakyan na nagmamadali.


"Nakikinig kaba Jeau?"


"Yes."


"700k isnt a joke money. Siguro pa nga 3 days palang makukuha mo na yon."

"Nakakapagtataka lang kasi. Ang laki ng pera, is their business really famous? No we dont have any ideas what is it. Baka shabu pa yan." Reklamo ng P.A kong magaling sa lahat ng reklamador.


Nabigyan siya ng bukol ni Boss na nasabi niya at sila na naman ang nag-aalitan. Napahawak pa ito sa dibdib ng mapahinto at natawa ulit.

"Angas naman ni Jeau nag pa-public advertise ng drugs." Asik niya.


"Eh hindi naman sa ganon! Ano bang brand? Did they discuss bout the product? How about the scene they like?"

Napakunot noo ako sa narinig, wala ngang discuss basta diretso nakang sa pera kuminang agad ang mata ng kasama ko kaya nawala sa isip namin ito.


"Boss. Any idea?" Tanong ko sa kanya at napatango naman siya kumuha sa isang folder sa table.
"It states here na it is a product na bagong dating palang sa bansa. Imported products. Ngayon lang inapprobahan ng bansa. Also,very famous to other country."

"Very famous. Kaya pala ang laki ng bayad. And no auditions, direktang ikaw agad napili."


Tumango ako sa nabasa niya at napaisip kung ano ang product ng mahanap niya ito sa kabilang pahina ay napakunot noo siya.



"It's a kind of food? A potato pizza, oh I can't tell it looks yucky for me-oh damn!!! It cost like chanels birthday candles!" Manghang usal niya pa.

Napaayos upo ako at parang nagustuhan ko na agad ang product.

"Really suits you Jeau. 7,999.00 ang halaga ng pizza ang dadalhin mo." Usal ni Boss.


"But who wants to buy that? Ang mahal." Reklamo ng asisstant ko. May point siya pero wala na kami noon dina namin trabaho pa kong malugi sila.


Dumating narin ang araw sa shoot, hindi ganon kadali sakin dahil kung napakamahal ng bayad ay dapat paghusayan pa. Bigatin rin ang bawat linya na sasabihin ko dapat bawat salita ay nakakainganyo sa mga manunuod.

Kanina na ako nagugutom sa kakaulit ng ilang parts at hindi ko pa natitikman ang napakamahal na pizza na hawak ko. Nasa punto na ako na kailangan ko ng kumain ng may sumigaw bigla, napapikit ako sa gutom at napailing nalang.


"CUT!!"

"EMERGENCY!!" Sigaw ng isang lalaki na assisstant.



"Inatake si Boss!" Sigaw nito at mabilis akong umalis sa shoot at pumunta sa area na kinalalagyan nila ngayon. Nagpatawag sila ng ambulansya para maagapan pa. Walang-walang malay si Boss at napaiyak yung ilan.


"Anong nangyari?" Natatarantang tanong ko narin sa babaeng napapasinghot.



"Hindi namin napansin ang pagkahimatay niya natumba siya bigla at tumama ang ulo niya sa bato."

"Ano!!!" Gulat kong reaksyon at hindi ko mapigilan ang sumama kaso pinigilan ako ng direktor. Kailangan naming tapusin ang lahat, ang mga doctor lang naman ang bahala daw kay Boss.


Wala akong magawa kundi ang sumunod sa sinabi nila at para matapos narin ito. Mga walang pakialam at konsiderasyon man lang!

"CUT!! Okay last part nalang para bukas! Jeau!" Sigaw ng director namin sa malayo. Napahinga at buntong hininga akong umalis sa harapan ng shoot at dumiretso sa room para magpalit ng damit.

Nawala agad ang gutom ko dahil kay Boss. Ilang usapan ang nagaganap ay dumiretso na ako sa Hospital, wala akong lakas na magmaneho at ang driver lang namin ang pinakausapan ko.



Bago makapasok sa pribadong hospital ay nagsuot ako ng mask at shades para walang makahalata. Pagpasok palang ay napalingon ang ilan pero hindi pa naman ako napapansin. Sa pagtanong ko kung anong kwarto si Boss ay agad na akong pumasok sa sinabing room nila.

Napabuntong na naman ulit ako sa pagod at nakaramdam narin ako ng gutom. Napatitig ako sa door knob.


Room 051

.

Pagpihit ko sa door knob ay dahan-dahan ko yong isinarado at tinanggal ang shades at mask pagkapasok ko doon.


"Kailangan siyang bantayan."


Saktong pagharap ko at nakita ko ang doctor na nakatalikod. Napasandal muna ako at hihintayin nalang silang matapos bago ko lapitan na si Boss.



"Sundin niyo po ang sinasabi ko." Mahinang boses ng doktor at napakunot noo akong napapikit. Sumasakit ang ulo ko kung hindi lang sana nahimatay si Boss kanina baka nakain ko agad ang pizza.



"Salamat Dockie." Boses ni Boss at nagsimula na akong umayos sa kinasasandalan ko at saktong humarap naman ang doktor at dalawang nurse papalabas na sana ng matinag ako-kami pareho.



Lei...


Napatitig ako saglit sa mukha niya at napahinga ng malalim. Doctor na pala siya, malayo sa sinabi niya sakin noon.

Ano naman ngayon?



"Sir! Sir Jeau!??" Usal ng isang masingkit na nurse. Ito agad ang binalinggan ko kesa naman matignan ko pa si Lei.

"Yes?" Usal ko nalang at sa huli ay nagpakuha sila ng litrato sakin at akala ko wala lang pero napatingin ako bigla ng patago kay Lei na parang wala lang at nagche-check ng hawak niyang papel.

Ganyan naman talaga siya noon. Hindi na ako naninibago pa. Walang pakialam yan sakin ngayon.

"Thank you po talaga Sir Jeau!"

"Maraming Salamat sa picture po!" Usal ng dalawang nurse at tumango lang ako at dumistansya ng magsalita si Lei.

"Mr. Martinez, Thank you for coming here. Anyways about the patient he is okay by now but I need to do more scans to identified some tissues sa ulo niya." Magalang, pormal at propesyunal niyang sabi.

"Mabuti naman kung ganon."saad ko at umiling siya ng kaunti ng may makita siya sa papel niya bago humarap sa akin.

"He is..I can't talk about this today..sa susunod nalang." Aniya at naglakad paalis. Rinig ko ang pagsarado ng pintuan at napabuntong hininga akong lumapit kay Boss.


"50.50 kaba diyan?" Biro ko at nanghihina parin siyang ngumiti..

"Bilhan mo nga ako ng pagkain sa labas at ng magkasilbi ka naman sa ngayon." Aniya at umupo ako sa may sofa hanggang sa mapahiga nalang.


Napapaisip ako sa sinabi ni Lei. Sa susunod palang niya sasabihin. Inig bang sabihin magkikita pa kami ulit!?

Tskk!!! Asa siya!

"Alam ko ang simoy ng utak niya eh! Sinasabi niya lang yon para magkita kami ulit! Reasons!" Reklamo ko at napatingin naman sakin si Boss na may pagtataka.

"Parang ikaw pa ang may sakit sakin ah. Anong pinagsasabi mo." Usal nito na medyo ayos naman, malayo sa 50.50.


"Wala!" Asik ko at humiga sa sofa. Mga ilang minuto rin ang lumipas ay hindi ako makapagpahinga ni pikit mata ay diko magawa!



Napabangon nalang ako at napatitig sa manager ko na nakatulog. Napagdesisyunan ko na lumabas para bilhan siya ng pagkain.

Alas nwebe na pala ng gabi. Binalik ko ang mask at shades ko bago lumabas sa kwarto ni Boss. Habang naglalakad sa Hallway ay syempre hindi ako ganon makakita dahil gabi na at nagshashades pa ako!


Nabangga ko sa hindi sinasadya ang isang doktor na nagmamadali at natumba ito agad kong aalalayan ng makauna na itong tumayo.

"Ayos kalang dok?" Usal ko dito na parang familiar sakin bigla ang itsura.

"Sorry..ayos lang ako ikaw ba?" Balik tanong nito at tumango lang ako.

"Sorry nagmamadali kasi ako. May call ako sa ICU." Aniya at tumango lang ako at nagsabi na ayos lang naman sakin.


Pagkatalos non ay nakabili narin ako ng pagkain. Panay tabon ko parin sa sarili ko habang nasa counter na nagpipila. Ilang customer nalang at ako na ang susunod at rinig ko pa ang tsismis ng dalawang nurse, isang bakla at isang babae.

Sa ayaw kong makinig sa kanila ay binasa ko nalang ang ingredients ng pinamili ko.


"Bagay naman talaga sila doc. Heard them kanina. Date nila sa susunod na araw."

"Nakakainggit naman sila!" Reklamo ng may boses bakla. Huminga ako ng malalim at umusog na din.

"Gwapo ni Doc. Ang cute, neat at sobrang talino ni Lei. Yon naman ang type ni Doc Van."

Napamulat ako sa narinig kong pangalan. Para atang nagsitayuan ang mga balahibo ko at umusog na naman ulit gusto ko pang makinig sa usapan nila pero hindi ko na sila narinig nag-usap pa.

Pagkabalik ko sa hospital ay para akong natulala sa narinig kanina. Kaya naman pala parang wala lang kay Lei ang makita ako kanina, nakalimot na pala.

"Tsk!" Mahinang reklamo ko, kanya-kanyang buhay nato. Sakto namang paglabas sa unahan ko na ICU room ay paglabas ng dalawang doctor at apat na nurse na katatapos lang siguro.

Nang makalayo na sila sa room na iyon ay napakalinis nila tignan at tinanggal nani Lei ang surgery mask niya at ganon rin sa kasama niya. Siya yung nabunggo ko kanina.


Sa haba ng hallway nato gusto kong padaliin ang lakad ko pero hindi kinaya ng mga tuhod ko ang kumilos ng mabilis. Napatitig rin ako sa kanila na nagtatawanan na nag-uusap.

Napakunot noo akong umiwas ng magtapat na kami pero napahinto sila bigla sakin. Napangiti yung kasama niyang doktor sakin at sinabing.


"Nasa gitna ka.." Usal nito at napakunot noo ako ano naman ngayon. Pero gago nasa gitna nga ako ng dadaanan nila sana. Agaw eksena!


"Ah. Sensya na doc. Hindi ko napansin." Usal ko nalang at hindi sinadyang napatingin kay Lei na siya ring napatingin sakin pero napakanormal lang parang hindi pa ako kilala kahit nagkita na naman kami kanina pa.

"Ayos lang. Tara Van sa canteen." Kaswal na usal ni Lei at ngumiti lang sila sakin at nilampasan.

Para akong lumot na naiwan ditong nakatayo. Napatingin na ako sa mga likuran nila lalo na kay Lei..



"Van.."

May iba na pala siya..Ha! pakialam ko! Bukod doon ay nakaramdam ako bigla ng hindi ko mawaring pakiramdam parang..ang baba ng buhay ko sa kanila ngayon. Ang baba ko sa mga narating niya.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...