YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

By christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... More

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 151
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 155
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 131

401 42 2
By christilita


Kabanata 131



_______________


JEAU P.O.V.



"Bad news." Pangambang ulat sakin ni Calvin nang makarating na ako sa classroom. Natatarantang lumapit naman samin si Kurt.



"Na move ang schedule. Hindi na sa susunod na araw ang screening natin."


"Ha?" Nasabing reaksyon ko.


"Ngayon na..may dalawang oras pa tayong natitira para makahanda sa mga gamit natin papunta doon." Nagmamadaling sabi ni Stanly sakin. Narinig namin ang malakas na hingal sa likuran kung saan si Lindon na napatingin sa relo niya nag-aalinlangang napailing sakin.




"Pano to? May Defense kayo sa research sa oras mismo ng screening natin. Ayos na tayo sa ilang teachers pero sa defense tayo tagilid. Kailangan nating magreport para sa research dahil ito nalang ang natitirang tatapusin natin ngayong 3rd grading." Paliwanag niya samin at nagsitinginan kami ng mga grupo ko sa research kinakabahan rin kahit papano sa ano mang desisyon nila. Lahat importante at nagkataon sa iisang oras.




"Ayos lang sakin kayo ba?" Nag-aalinlangan rin na sagot ni Calvin.



"Kayo? Anong pipiliin niyo?" Tanong ni Kurt at humugot ako ng malakas na hininga.



"Gusto kong makasali sa screening..wala ng ibang pagkakataon." Pag-aamin ko at kinakabahan sa magiging reaksyon nila takot na sumang-ayon sila hindi naman kami parehas ng iniisip. "Kayo anong gusto niyo? Ayos lang sakin pag may maiiwan dito sa campu-"



"Huwag na Jeau." Putol sakin ni Stanly. "Sasama ako." Lakas loob na aniya at nilapit ni Kurt ang kamay niya samin bilang pagsasanga-ayon.


"Diko parin kayang ipalit ang pangarap ko sa pag-aaral basta kasama ko kayong mangarap." Nakangiting aniya at nilapit ko narin ang kamay ko sa kanya sumunod si Stanly si Lindon at Calvin at sabay na sumigaw na kaya namin.


Nagsimula kaming bumaba sa hagdanan na napagtitinginan ng ilan siguro ay ngayon pa sila nakasaksi kung gaano kami ka seryuso lahat naglalakad. Nang makarating kami sa studio ay kinuha namin ang mga gamit at costume namin doon. Sa research lang kami malalagot bukas pagbalik. Sa ngayon ay nakapukos kami sa audition.



Nasa iisang kotse lang kami ni Calvin, siya ang nagmamaneho ng mabilis. Muntikan na kaming hindi payagan ng guard pero dahil magkakilala lang ang guard at si Lindon ay nakalabas rin kami.




Nang makababa kami sa sasakyan ay buong-buo ang sarili na may kompyansa at tiwala sa grupo. Napagtitinginan rin kami ng ilan pero di na namin pinansin, dito sa audition ang maganda mo lang gawin ay ang maghintay habang nakaupo.



Umupo kami sa pinakadulo kung saan kami rin ang huli. Hindi ganon kahaba ang linya pero masasabi mo talagang aabot hanggang 3 oras ang pagpila. Lumabas ang isang grupo ata ng dancer dahil sa sout nila na tumatawa. Lihim na napasiko sakin si Stanly para mapatanong.



"Nakuha na kaya sila?" Aniya habang umuusog narin kami.



"Iwan. Bakit mo sakin tinanong grupo ko ba sila?" Sarkastikong usal pero kinakabahan na rin.




"Gago mo kausap. Usog na!" Aniya at umusog ulit ako hanggang sa may lumabas na lihim na umiiyak.



"Ngi...nakakascared na pala." Nababaklang sabi ni Kurt habang unti-unti na kaming papalapit sa isang pintuan. Hindi ako kabado sa performance namin ang sakin lang ay makukuha ba kami pero wala namang senyales na di kami makukuha dahil kabisado at alam na alam na namin ang lahat sa isasayaw namin mamaya. Sa walang kain, pahinga at minsan tulog para lang makabisado ang mga bagong step.



"EXTREME?" Tawag ng isang coordinator diko na pala namalayan na sa unahan ay si Calvin ang nakalinya kung saan ay kami na ang papasok.



Pagpasok palang namin sa pinto ay agad namang sinirado mula sa labas at sa loob nakita namin ang apat na bibigatin at kilalang mga hurado at natatanyag na mga tao. Hindi sila basta-bastang tao na nakaupo lang sa gilid hawak nila ang isang papel at napapatingin samin bilang pag-oobserba.



"Kurt Alvarez, Lindon Alcalde, Kyle Stanly Go, Jed Calvin Gravador and Jeau Laurent Martinez." Basa nito at lahat kami ay tumango bilang tugon.



"Start!" Sigaw ng isang babaeng may lapel at papel na hawak.


Nagsimulang tumugtog ang kanta na isasayaw namin at kampante at determinado kaming pumwesto at handa na ibubuhos ang lakas namin sa sayaw!.


Napapatingin ako sa ilang judges balak namin na agawin ang atensyon nila at nakatitig rin naman sila samin habang humahataw. Napangisi ako ng mabasa ang nasa mata ng isang hurado sa gilid mula sa impresyon palang ng mga mata at mukha niya ay sigurado akong makukuha na kami!.

" Ooh, she made us drinks to drink
We drunk 'em, got drunk
And then I think she thinks I'm cool
She gave me a wink, I winked back
And then I think that we hit it off something proper like"

Nasa audience at judges ang tingin namin gusto makuha ang atensyon nila.



"I like the bartender (ooh, if you're lookin' for me)
I'm at the bar with her (oh-oh-oh, okay)
I like the bartender (yeah, if you're lookin' for me)
I'm at the bar with her (oh-oh-oh, okay)". Palihim kaming humihingal pero di mawawala ang ngiti ng matapos at nagsilapitan kaming lima sa harapan nila. Kinuha ng isang kilalang may-ari ng tanyag na brand ang mic at nagsalita na may titig sa mga mukha namin.



"You guys..fabulous!" Aniya na agad ikinatuwa namin.



"Ang gagaling kahit sa mga steps niyo kahit na mahirap at mabilis ay nagagawa niyo ng sabay. Amazing performance." Usal nito at isang lalaki naman ang kumuha ng mic sa gilid. Naka-shades ito at hindi makita-kita ang mukha.



"Thank you po!." Masigla at galak na tugon namin.




"Unfortunately hindi parin pasok sa quality na gusto ko." Diretsa at walang paligoy-ligoy na sabi nito sabat na para manigas kami dito sa harapan na parang tuod. Ang dating may kompyansa at tiwala sa sarili ay unting naglalaho at napalitan ng kaba..diko alam ang gagawin kung hindi man kami sakaling makuha nito ngayon. Pinaghandaan namin ang lahat at para sakin ay ayos na ayos ang mga ginawa namin sapat na para tingalain.



"Hindi ko nagugustuhan ang mga steps. Napaka-common. Ano ba sa tingin niyo ang audition nato? Nagjajackstone lang?" Taas kilay ng isang bakla na ikinagulat ko! Siya ang nagpaunlak na sasali kami dito ngayon dahil sa galing namin pero iba ang sinasabi niyang komento ngayon!.



Napalunok ako ng buo hindi matatanggap ang nangyari! Gusto kong magsalita at naunahan na ako ni Kurt.



"Bakit Sir? Maganda naman ang-"



"Wala sa sayaw niyo ang magaling, mukha lang naman ang meron kayo. Hindi naman adonis bar tong audition." Usal nito na ikinakuyom ng kamao ko na agad ring tinakpan at sinapawan ni Stanly para hindi makita nito. Hindi lang sayaw ang tinatapak-tapakan nila pati sarili rin namin!.



"Ahh kaya pala may baklang nakarating dito." Biglang sabi ni Calvin sa mahinang paraan na kanina pa naglilihim. Ako ang pinipigilan nina Kurt at Stanly para hindi gumawa ng gulo pero si Calvin pa ang nauna samin!. Natataranta ang ilan samin at hindi na alam ang gagawin pa. Nakakainis! Nakakaasar! Napakabwesit nato!.


"Kaya nga. Wala. Kayong. Lugar. Sa. Industriyang. Papangarapin. Niyo." Diin na giit nito mismo samin. Doon unti-unting nanlalabo ang mga mata ko sa luha paano niya kami pinagsalitaan ng ganito kadali nang hindi man lang nakikita ang kalagayan at buhos lakas na sakripisyo namin! Bakit may ganitong tao!.



"Tama na!" Asik ko at si Lindon ang humarang sakin at pigilan sa pagsigaw.


"Kung ito lang pala ang mapapala namin. Nagsisisi kaming pumunta pa kami. Mas magandang mag oral defense sa research kasama ang mga panel of judges kesa sa inyo na ang sisikat niyo na nga pero wala namang pinag-aralan ang tabas ng baba niyo."



"What! Sinabi lang namin ang lahat. And by the way lahat ng narinig niyo ay totoo. Sorry to say this again pero mukha at pera lang naman ang lamang kayo..hindi talento ang marunong sumayaw lang..dapat behasa rin..yung napili namin expert lahat...ni di nga kayo marunong kumanta diba?." Asik ng babae na naapektuhan narin.



"Ang sasakit niyong magsalita..di ganyan ang mga judges na kinikilala na magaling." Usal kong nakatitig sa sahig habang isa-isa na silang napapalitan ng isipan ko bilang masamang tao.



"Huwag mo kaming mawhat-what! May karapatan rin kaming lumaban sa inyo! Mga JUDGES nga naman." Asik ni Kurt na pinipigilan ring maluha. "Tara na Jeau." Mahinang usal niya samin.



"Wala kayong karapatang magsalita ng ganon samin! Ang babata niyo pa at ganyan na ang pag-uugali niyo! Hindi talaga kayo makukuha-"



"Hindi naman talaga nakuha kaya nga may karapatan kaming lumaban at lumabas!" Galit na sigaw ni Calvin.


Nang papalabas na nga kami ay nangingining ang mga tuhod ko. Kung wala lang si Stanly na sumusuporta sakin baka napaluhod na ako sa sahig. Hindi ko matanggap.


"Hindi ako susuko." Nabigkas ng bibig ko at binitawan sila Stanly at lalapit na sa Judges para magpakaawa nang pigilan ako ni Lindon at Calvin. "Ano ba! Magagawa pa naman sana natin silang-"


"Sila na ano? Magbago isip nila? Matapos ang sinabi ng mga hayop na yon?" Asik nito ng makalayo kami sa audition area.




"Pero pangarap natin to eh..d-dapat hindi sasayangin." Nanginginig na pamamakaawa ko sa grupo at isa-isa na nga silang napapaiwas tingin sakin at lumuluha ng palihim.



"Ganon nalang ba ang pagtapak nila sa pagkatao natin para makasali tayo sa pangarap na gusto natin?" Lumuluhang sabi ni Stanly. "Nag-audition tayo. Kung may masamang komento man hindi ganon!."


"Marami pa namang pangarap..diba? Magkasama naman tayong lima." Nanginginig na sabi ni Kurt na napaikit na umiiyak.


Nanginginig ang tuhod ko sa sakit at lungkot hindi parin matanggap na ganon na ganon nalang yon..wala na ang lahat wala ng saysay pa. Tahimik kaming umiiyak na nakayuko. Wala na akong pakialam kung ako na ang pinakamainggay suminghot.




"P-paano na to..pagbalik natin sa Laurente..paniguradong malalaman nila ang balita-"



"Huwag mo ng isipin yon Jeau..bahala na muna ang mangyari." Nag-aalalang sabi ni Stanly na napapahid sa pisngi.



"Madidismaya satin ang boung campus." Patuloy na pag-iyak ko hindi namin mapigilan ang masaktan. Determinado kami at may pagsisikap na pagsayaw para sa audition. Dito nakasalalay ang pangarap namin at para namin sa huli ay magkasama kami pero nauwi lang sa wala.



"Jeau..anong klaseng leader kaba.." naiiyak at naiinis na sabi pa ni Lindon. "Kung ang pangarap ay sila hindi nalang tayo tutuloy..pinahiya lang tayo at hindi mo sila mapapakausapan maraming umayaw satin ibig sabihin wala parin tayong kwenta sa paningin nila! Wala tayo sa nagustuhan nila..m-mahina tayo..." aniya na nagagalit na umiyak.



"Hindi tayo mahina.." usal ko. "Alam ko yon kasi..pinapatunayan natin.." pagbabawi ko at tumango si Kurt.



"Sila ang mahina..dahil hindi na nila mapipili pa ang grupong ito." Paninigurado ni Kurt.



"Hindi tayo ang nawalan at tayo ang kawalan nila." Paniniguradong huling sabi ko.




Nang makasakay na kami sa kotse ay napakatahimik lang namin, walang gustong magsalita lahat ay nakasandal lang sa kotse at pagod na napapikit. Sana paniginip lang to.




Nakatulala lang akong nakatingin sa dinadaanan naming mga bahay at puno sa tabi ng kalsada. Nakakawala ng gana. Nagring naman agad ang cellphone ni Lindon dahilan para umingay ang boung paligid namin. Nang masagot niya ito ay boses ng kaklase namin ang nagsalita.




"Nakuha na ba kayo!? Panigurado yan! Excuse kayo! Bukas nalang daw kayo kasi excited rin yung mga teachers sa results saka napakiusapan na naman sila!" Maligayang usal nito sa kabilang linya at wala samin ang nagsalita para magbalita. Naging tahimik ang byahe at panay hello ng kaklase namin. "Lin? Nandyan ka pa? Hello?."



"Hello bro!"


"Nandyan ba si Stanly!?"

"Katabi niyo si Jeau?"

"Hello?"

"Hello? Magsalita naman kayo?"


"Baka pagod sila."


Napapikit akong huminga ng malalim at sinabihan si Lindon na patayin agad ang tawag. Nang magawa niya yon ay balik tahimik na ulit para kaming nagluluksa ng patay.



Makulimlim na nang makasandal ako sa kotse ko habang hinihintay si Lei ay diko alam ang aaminin ko. Siya pa naman ang inspirasyon ko. Alam kong alam na nila ang balitang nag-audition kami pero ang hindi kami makuha?. Doon ako nahihiya.



Nanginginig ang kamay at tulala ang utak ko sa pabalik-balik na nangyari kanina. Ang masayang pagpunta namin doon ay may kapalit rin na kalungkutan sa pag-uwi.



Siguro nagkulang nga kami at hindi kagaya man ng inaasahan nila pero bakit ang sakit parin. Hindi kami sanay na may masamang komento sa sayaw namin dahil sa galing pero tatanggapin namin ang komento hindi lang kagaya nung kanina. Diretsahan at diko masasabing prangkahan, masyadong personal at kahit pagkatao namin ay dinamay. Hindi ganyan magsasalita ang judges kung tatawagin!.



Napakuyom ulit ako ng mahigpit at nakayukong naglilihim ng galit.


"J-jeau...." nanigas ako sa kinatatayuan at hindi ko mapigilang maiyak ulit ng labis..hinang-hina na ako. Diko mapigilang mapaangat ng tingin kay Lei na parang bata na nagsusumbong. Sa pag-aalalang reaksyon niya agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Diko na alam kung saan magsisimulang magsabi sa kanya ang kailangan ko muna ngayon ay ang makasama siya.



Siya ang nagmaneho sa kotse at tulala parin ako pagdating sa bahay. Pabalik-balik parin sa isipan ko ang nangyari kanina, yon na ata ang masamang nangyari sa boung buhay ko.


Tulalang nakaupo sa sahig ng kwarto wala na akong oras para magpalit ng damit at mapailaw sa boung kwarto. Nakatitig lang ako sa malaking bintana nag-iisip sa kawalan. Nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa hinayaan ko lang to ayokong may gagambala sa katahimikan ko muna.



Pero dumating ang ilang pag-vibrate nito ay inip na akong tinignan ito at kunot noong mabilisan na sinagot ang tumatawag walang tingin-tingin.


"Low?..." tamad na sabi ko sa kabilang linya at buntong hininga palang nito ay alam ko na kung sino.



"Ngayon malalaman mo na hindi ako nagbibiro sayo." Seryusong sabi nito na ikinalayo ng hawak kong cellphone sa tenga. Kunot noong nagtataka!.


"B-bakit?.." takang usal ko sa ama ko.



"Pinapipili kita pero sa dapat mong susundin. Hindi pwedeng pagsabayin mo Jeau-"



"May ginawa ba kayo kanina? Ah! Kayo ba ang nagpamove sa schedule!?..yung..sa audition? May alam kayo doon?" Nag-aalinlangan na pambebentang ko. Alam kong mali ang ginawang panlaban ko pero unti-unti naring pumapasok sa utak ko na may ginawang mali si papa!.



"Gaya ng sinabi ko sayo Jeau, isa lang dapat ang pipiliin mo at alam kung hindi pangarap ang pipiliin mo kundi babae-"



"Putchang buhay naman to!" Galit na sigaw ko may halong iyak at inis sa sarili. "Bakit pinapapapili niyo ko sa dapat gawin ko!"



"Dahil hindi madali kung ipagsasabay mo! May kilala ka na bang taong nag-aaral, ilang taon nalang ay sasabak sa pwesto ko sa gobyerno? At ipagsasabay mo pa yang pangarap mo pag-aartista!? At dapat kasama mo pa si Lei!? Nahihibang kana ba! Ha!." Nanginig ako sa sigaw ni papa doon palang ay babawian na ako sa hininga.




"Pa..bakit hindi ko pwedeng gawin ang gusto ko."




"Hindi pwedeng sarili mo iisipin Jeau. Ikaw nalang ang natitirang magmamana sa ano man tayo ngayon!". Tulalang umiiyak lang ako habang nakatitig sa salamin sa kwarto. Ang lupit naman ng araw kong ito.




"Bakit kailangan niyo pang idamay kaibigan ko..pangarap rin nila yon sana ako nalang." Napasabunot na sabi ko di mapigilang mapiyok at humagulgol. "Pangarap namin yon..."




"Tumigil ka Jeau! Wala kang mapapala jan sa gusto mo! Bakit? Madadala mo ba yan sa pagtanda mo! Mag-aral ka ng maayos! At sundin ang gusto ko! Dahil doon ka nababagay!" Panga-ngaral niya sa kalagitnaan ng pag-iyak ko. Naiinis ako sobra pero diko kayang magtanim rin ng galit sa kanya. "Si Lei..payag na akong siya ang gusto mo hindi ako mangingialam sa relasyon mo! Basta sundin mo lang ang gusto kong ipagpatuloy sayo!." Asik niya bago ako babaan ng linya. Tulala na naman ulit akong nakasandal sa may kama at walang gana na naglakad palapit sa ref para kumuha ng beer. Balak maglasing hanggang abutin ng umagahan.



"Naglalasing ka." Saad sa may likuran ko. Inubos ko ang laman ng bote bago siya lapitan.




"Ikaw parin ang pipiliin ko."


"Jeau..kung kailangan mong mamili huwag ako."  Sabi niya para biglaan akong mapalingon.



"Dalawa kayong pangarap ko..bakit di ko naman pwedeng pagsabayin? Kung kaya ko naman. Kung mahal mo ko bakit kailangan mong magparaya?" Napapagod na sabi ko. Nasa pakiramdam ko ang kailangan niya nalang magparaya at ayokong gawin niya yon!.



"Pero kailangan ka ng pamilya mo. Kung ako lang naman ang hadlang-"


"Ay hindi!" Asik ko napatayo mula sa pagkakaupo sa kama. "Hindi ka hadlang. Mali ang pagkakaintindi mo sa lahat Lei." Hindi kami nagkakaintindihan at iba ang iniisip niya!.



Pinapapapili ako ni papa kung ang kagustuhan ni papa ang pipiliin ko para makasama si Lei o ang pangarap ko! Pero sa huli si papa parin ang namili! At wala rin akong magagawa ayokong ipagpalit si Lei doon kumuha ng alas si papa.



Natahimik ulit kami ilang segundo at humingi siya ng paumanhin, unang pagkakataon na marinig ko sa isang kagaya niya at hindi naman yon ang importante ngayon. Labas na siya sa nangyayari ngayon wala siyang kinalaman dahil ginawa lang siyang alas ni papa para mapapili ako!.



"Ikaw ang pinili ko. Ikaw ang gusto ko. Kung kinakailangan magsakripisyo ay magagawa ko." Kung hindi man ako pinili ng pangarap ko nandito naman si Lei para sakin.




Napaiwas tingin si Lei sakin na lumuluha rin pala ng palihim.



"Pasensya na.." napipiyok na aniya.



"Hindi mo kailangang humingi ng tawad sakin Lei.." bawi ko at balak na pahaharapin siya sakin pero umiling lang siyang may pagsisisi. "Kung tutuusin ako dapat ang humingi ng pasensya sayo..diko man lang maipagmalaki sayo at umuwi pa kaming talunan..sa bawat araw na insayo. Nakakahiya dahil wala akong maipapakita sayo..habang ikaw ang dami mo ng pinabilib sakin.." nanlulumong sabi ko.



"Pasensya parin Jeau.... Ang magagawa ko lang ay tabihan ka..makinig sa mga sasabihin." Aniya na humawak sa kamay ko. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana sinama mo na ako sa pangarap mo para maramdam ko rin yang sakit."

"Anong gagawin ko.." mahinang sabi ko. "Kulang at may hindi na natupad."




Tumahimik ulit kami at nakatitig na naman sa bintana  na may umaambon na ulap at unti-unting nawawala ang mga bituin.


"Dagdagan mo ulit ng bagong plano." Tipid na aniya at niyakap ako ng mahigpit habang nakaupo sa kama. Narinig ko ang singhot niya at lumunok ng malalim.

"Punan mo ng panibagong plano..na kasama ako. Saan at anong mangyari nasa tabi mo parin ako at ako lang ang masasandalan mo." Mautoridad at seryusong sabi niya doon nawala ang ng kaunti ang pangamba sa sarili ko ng halikan niya ako.




Kinaumagahan ay nagising na akong wala si Lei sa tabi ko. Mabilis akong lumabas sa kwarto para hanapin siya at walang katok-katok sa kwarto niya akong pumasok naabutan kong napatalikod siya bigla sakin habang nagpapalit. Napamula aking tumalikod at hindi hinintay na magalit siya.





Naghintay ako sa kanya sa labas ng kwarto at saktong mabilis rin ang paglabas niya. Nakasout na siya ng uniporme.


"Oh? Dika papasok?" Aniya at napatingin sa relo. "Male-late na." Tumango lang ako sa sinabi niya naalala ko na naman. Ano ang magiging reaksyon ng ilan samin mamaya. Nag-aalala ako dahil ito pa ang unang pagkakataon mareject kami ng kasamahan ko. "Sige na Jeau.. kailangan mong pumasok." Pagising sakin ni Lei at tumango ulit at tatalikuran na siya para bumalik sa kwarto ko nang yakapin niya ako mula sa likuran.



"Huwag kang mag-alala..isipin mo kung anong sinabi ko kagabi...kasama mo lang ako...nakakatamad mangarap mag-isa dapat may kasama."





_____________________________
Pray. Wait. Trust. God has Plans.









Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...