YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

De christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... Mais

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 151
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 155
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 101

641 61 3
De christilita

Kabanata 101

_________________

LEI P.O.V.


Boung araw na ako kinukulit at nakasunod sakin si Jeau lahat ata ng mga tao dito sa Laurente ay nakapansin narin, ang tanga lang pag hindi.



Nasa loob lang ako ng library kasama si Sir Gajano para sa review namin, excuse ako sa apat na subject sa hapon kanina lang rin ako nakaharap sa makapal na libro. Sa susunod na linggo na ang laban na ito, hindi naman big deal sakin pero kailangang gawin.




"Ology?" Tanong ni Sir sakin hawak na nakatingin sa libro. Maayos akong nakaupo sa harapan niya at seryusong sumasagot sa mga tanong niya.

"Study." Bilis na sagot ko, bali-balita na pabilisan ang sagot sa finals.


"Good. How about soci?"


"Companion."


"Okay? So? Overall?" Taas kilay na tanong ni Sir sakin. Sinusuri ang kakayahan ko.


"Soci-ology. Sociology. Study of social life, social change, cause and consequences of human behavior.. in other words studies of human behavior within their societies." Puntong sagot ko at napatango lang sakin si Sir at bumalik sa susunod na tanong.



"Halos na sagot mo lahat, so far walang mali at sobrang bilis mo makasagot. Ganito ba ang product ng SEASI?" Interesadong tanong niya sakin. Mataman ko siyang tinignan at iniisip ko muna kung ano nga bang klaseng paaralan ang iniwan ko. Ngumiti ako sa kanya na ikinakunot noo niya naman sabay layo ng kaunti. "Creepy ka Alfonsi." Aniya at natawa lang ako ng mahina.



"Hindi masasabing magagaling pero isipin nalang natin na pera at utak ang gamit doon. Kung kulang ka sa dalawang iyon..dika pasado." Pag-aamin ko at mas napabilib naman siya sakin.

"Balita ko mula kay Bimboo nandoon si Alcantara."

"Kasali pa ba yan sa Review?" Walang galang na sabi ko sa kanya. Inip na inip na ako apat na oras na kaming nakaupo at apat na oras naring ang mga tanong pabalik-balik. Nakakarindi. Dinilitan naman ako ng mata nito at inirapan pa sabay tingin sa reviewer at nagsimula na nga kami sa dating gawi.




"Okay ito na!. Psychoanalytical theory of sigmund freud."



"Id. Ego. Superego." Tipid na sabi ko na halos panglima ko na ring sagot. Sa bilis ng review namin ay mabilis rin akong nakakaalala sa lahat. Napahinto kami saglit ng may marinig kami na ingay mula sa gilid ng bookshelve. Nandoon sina Hashmin, Prim at Bridgette nakasilip samin.



"Hali ka muna." Mahinang bulong ni Bridgette mula sa malayo. Napatingin naman si Sir sa kanila na may pagtataka.


"O bakit nandito pa kayo?" Usal ni Sir na napatayo na agad ring nginitian ni Prim.



"Hehe Sir naman! Uwi-uwi na si Lei saka naks! Alas singko na ng hapon! Baka nabobo na yan sa kakabalik niyo." Paliwanag niya pa at sinubukan kong sumabayng tumango.


"Ay basta hindi parin yon sapat para-"



"Matalino yan Sir hindi kayo pabibiguin!" Masayang asik ni Hashmin. Napamiwang nalang si Sir sa kanila at naghihinala na rin. Aaminin  ko masyado ko ng nagagamit ang utak ko ngayon. Walang nagawa si Sir kundi payagan nalang akong makiuwi sa kasabay nila Prim.



Tinulongan nila akong mag-impake sa mga gawain ko at dala na ni Bridgette ang bag ko habang si Prim ang bahala sa libro. Hinawakan ni Hashmin bigla ang kamay ko at mabilis ang mga lakad namin.


"Ano ba kayo? May mga sayad na ba kayo?" Kunot noong giit ko pero hindi sila pumalag sakin. Akala ko sa may parking area ang bagsak namin pero diretso nila akong kinaladkad papunta sa Gilconida gym. Rinig ko ang ko na agad ang lyrics ng kanta ni Justin Bieber na umalingaw-ngaw sa boung paligid namin hanggang sa ipaharap nila ako doon sa may stage kung saan nakasayaw si Jeau kasama ang mga kagrupo niya.


"She's indecisive, she can't decide

She keeps on lookin' from left to right
Girl, come a bit closer, look in my eyes
Searching is so wrong, I'm Mr. Right"






Hindi naman ganon karami ang tao dito sa gym pero sapat na para kumalat kung anong nangyayari ngayon dito, at talagang pinahinto ako nila sa gitna na mismong harapan sa mga nakasayaw. Nakatingin lang ako sa kanila na sabay na sabay at hindi nagkakamaling sumayaw maliban kay Jeau. Ramdam ko ang aktibo at angas sa bawat galaw niya halatang nagpapasikat at ang mga titig niya ay sakin lang bagay na ayaw kong pansinin.

"
You can't make up your mind, mind, mind, mind, mind
Please don't waste my time, time, time, time, time
I'm not tryna rewind, -wind, -wind, -wind, -wind
I wish our hearts could come together as one
'Cause shorty is a eenie meenie miney mo lover
Shorty is a eenie meenie miney mo lover
Shorty is a eenie meenie miney mo lover
Shorty is a eenie meenie miney…"





Sa lakas ng musika ay halos mabingi na ata ako at napalakas ang kalabog ng puso dito. Napatingin ako kina Bridgette na ngayon ay nakangiti lang sakin. Kaya pala nakakapagtaka kung bakit sinadya pa nila ako sa library, hindi naman talaga kami magkasabay umuwi at doon ako nagsimulang magtaka sa kanila kanina.





Sa pagiging lutang ko ay hindi ko napansin na lumapit na pala sakin si Jeau. Timing ang pagkakababa niya sa maliit na hagdanan ng stage at nakangiti na lumapit sakin dito sa sentro mismo. Malakas ang kompyansa niya sa sarili na kahit ako ay hindi makapaniwala.





"Each day, I think of you, hoping you'll be right here beside me, telling me that these feelings are love." Aniya na ang lakas loob lang magsalita. Nasa kanya parin ang ngiti pero wala akong maramdaman.





"I'd rather remember the first day we met than today youre being like this." Walang gana na sabi ko para unti-unting mapahinto ang ngiti niya na nagtaka pero pilit naman siyang ngumiti ng pilit para hindi mapahiya.






"H-ha?" aniya na nandoon parin ang ngiti at pagtataka na pilit sa sinabi ko.




"Tigilan mo na to Jeau. Walang patutunguhan to." Mahinang sabi ko na sinuguradong kami lang ang makakarinig, alam ko naman na ayaw niyang mapahiya at tuluyan na ngang nawala ang ngiti niya sakin at kita ko ang panlumo niya kasabay ang inis. Kalaunan ay napanguso siya sakin.





"Im into you." Tipid na sabi
niya.





"And I'm not into you." Saad ko para magulat siya. Mabilis kong kinuha mga gamit ko sa mga kaibigan ko at umalis ng walang sabi-sabi.











JEAU P.O.V.





Mabilis ang mga lakad ko na nakasunod kay Lei! Iniwan ba naman ako sa doon! Not into me? Ha! Reject naba tawag don! Dahil diko matatanggap!!.




"Lei!" Tawag ko pero di niya ako hinarap. Wala na akong pakialam pa kung ano man ang sabihin ng ilan sakin kanina sa nangyari. Nakaplano na ang lahat, nagtulong-tulong pa talaga sina Kurt at mga kaibigan ni Lei sa lahat. Kikilos na ako sa kanya!. Alam ko narin na planado rin nila simula palang para lang mapaamin ako. Kahit una naiinis ako sa kanila pero ngayon mas gusto ko ng tumulong na sila sakin para dagdag puntos narin! Pero nang malapitan ko si Lei kanina ay wala parin siyang reaksyon ni diko mabasa kung ano na naiisip niya sa tuwing magkaharap na kami. Hindi mawawala ang bawat kaba at kabog ng dibdib ko na sumasakit sa kakatibok ng malakas, hindi ako nabigong alisin ang kaba kanina pero nabigo ako sa binitawang salita niya.





Walang epekto parin sa kanya! Kahit sumayaw pa ako sa harapan niya ni hindi pa nga napabilib!






"Lei! Huminto ka nga!" Asik ko na wala parin sa kanya. Akala ko sa sasakyan ko siya hihinto pero akma siyang lumagpas doon kaya napabilis ang takbo ko at agad na nahawakan ang palapulsuhan niya. "Bakit ang sungit mo kanina! Bakit-"





"Bitaw." Diin na aniya na di makatingin sakin. Napanguso ako sa sinabi niya. Naramdaman ko kasi ang pagbabago niya, hindi na siya kagaya nung dati na kalmado lang sakin makapagsalita.





"Ayoko nga! Aalis kana naman." Reklamo ko pa at malakas niyang iwinaksi ang pagkakahawako ko. Hindi ko siya mapigilan sa pag-alis niya pero hindi ako sumuko!. Ha! Tanga lang ang susuko!!.





"Sige! Hindi na kita kukulitin! Sumakay kana sa kotse!" Asik ko na ikinahinto niya. "Kalimutan nalang natin yon." Mahinang sabi ko na ako nalang rin ang nasaktan. Wala akong magawa kundi sumakay sa kotse at binusinahan ko siya at matamlay lang siyang pumasok sa kotse pero sa ngayon ay sa likuran na siya sumakay bagay na hindi ko inaasahan!







"Bakit diyan ka! Dito ka sa tabi ko." Bulalas ko pa at hindi siya nagsalita pa pero nagkatitigan lang kami sa rearview mirror, napakaseryuso niya na pilit kong nilalabanan. Nauunahan na ako ng bilis ng tibok ng puso ko kahit na kinakabahan ay may iba parin at bago sa pakiramdam ko!. Napalunok ako sa kanya at napaiwas naman siya sakin. "Lei naman! Tabi tayo." Giit ko pa at hindi niya ako sinagot.





Wala akong magawa kundi paandarin nalang ang makina sa kotse at nagsimulang magmaneho. Boung byahe ay nakanguso lang ako. Bakit parang ang hirap at ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi na kami nagpapansinan ngayon, iniiwasan niya na ako.






Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa rearview mirror at hindi parin niya ako natitignan napailing nalang ako at pinabilis ang takbo sa sasakyan dahil alam kung hindi niya gusto ang ganito papansin lang sana pero wala parin!!. Nang makarating na kami sa may garahe namin ay akma siyang aalis pero nilock ko ang mga pintuan sa kotse.







"Walang lalabas." Usal ko sa kanya at napabuntong hininga nalang siya sakin at tamad na napatingin.





"Huwag mo ng palakihin ang gulo Martinez." Tipid na aniya na hindi ko matatanggap! Napahigpit ang kapit ko sa manibela at napakunot noo!.






"Bakit ba hindi mo na ako pinapansin! Hindi mo ako kinakausap! Ang sama mo!" Mabilis na sabi ko na may pagmamaktol!.





"Hindi naman talaga ako ganyang tao sadyang iba lang ang iniisip mo sakin." Sagot niya para mapahinto ako at natahimik saglit.





"A-ang sakit mong magsalita! Wala kang pakiramdam! Wala kang pakialam sa nararamdaman ko!" Asik ko na di kinaya ang ugali niya!. Masama ko siyang nilingon at napakislap mata nalang. "Bakit Lei." Mahinang usal ko na nanlulumo.






"Wala akong panahon sa ganyan Martinez."




"Ayoko sa Martinez! Tawagin moko sa pangalan ko!" Giit ko at natingin siya sa labas.



"Buksan muna. Mag-aaral pa ako para bukas." Tipid na aniya pero di ako nakinig!.





"Ayoko! Hindi ka makakababa hanggat hindi ka sasagot sa tanong ko!"




"Ano na naman ba." Nawawalan ng pasensya aniya. Bago ko sabihin sa kanya ang lahat ay hinarap ko siya ng seryuso at boung pusong nagsalita.





"Date me." Diretsang sabi ko sa kanya at pareho na kami ngayong nagkatitigan. Kung seryuso siya ngayon ay mas ganon na rin ako!. Hindi ako makakapayag na baliwalain lang lahat ang mga nagawa ko!




"Fuck." Mahinang mura niya para mapangiti ako bigla. Parang kinilig kasi. "Ayoko. Hindi ko na uulutin pa ang sasabihin ko sayo. Nagsasayang kalang." Dagdag niya pa sakin para mapakunot noo ako!. Lahat na sasabihin niya ay hindi ko matansya! Napakawalang puso niya! Hindi niya man lang maramdaman kung ano na ang nararamdaman ko sa tuwing binibitawan niya ako ng ganitong salita!.







"Kung ganon!. Walang bababa hanggat dika papayag." Seryusong hamon ko at nasapo niya ang sariling noo niya.





"Ikaw bahala ayos lang naman." Saad niya na nagpupumilit. Kinikimkim at pinipigilan ko lang ang inis ko ngayon na nararamdaman at gaya ng usapan ay wala ngang bumaba sa sasakyan hanggang sa mag-alas otso na ng gabi. Kanina lang rin nag-ring ang cellphone ko paniguradong si lola Wa ang tumatawag hinahanap kung saan kami. Kung alam niya lang nandito lang kami sa garahe!. Nag-text nalang ako sa kanya na overnight ako sa kaklase ko para hindi siya mag-alala.






Hindi rin kami nag-uusap hanggang sa dumating ang alas onse ng gabi nasa sasakyan lang kami. Wala siyang magawa kundi ang magbasa ng reviewer niya. Kalaunan ay nawala ang inis ko at napalitan ng pagsuko. Ayaw niya bakit ko pa ba pipilitin? Alangan naman maghihintay pa kami dito hanggang sa maabutan kami ng umaga dito?. Bumuntong hininga nalang ako at inayos ang gamit bago magsalita.




"I understand ayaw-"

"Bababa na ako, gawin mo anong gusto mo." Magkasabay na sabi namin, mabilis kong napatikom ang bibig ko baka ano pang pagkakamali ang marinig niya!. Agad akong napangiti bigla at hinarap siya ngayon na nakaiwas lang.






"Kung ganon manliligaw muna ako Lei!" Masayang usal ko nang paakyat na kami sa hagdanan. Madilim na ang paligid hindi na siguro nakapaghintay si lola samin.




"Ang tanga mo ng kausap." Mahinang aniya!





"Hindi ako tanga no pero kung sayo lang naman siguro oo...haha!" Biro ko nalang na hindi mawala-wala ang saya ngayon. Kung kanina ay napapanlumo ako ngayon ay biglang nalang nag-iba!.







"Iwan nalang." Tipid na sabi pa niya.





Siya ang naunang umakyat at nakasunod lang ako mula sa likuran niya, sa dilim ng paligid ay iniimagine lang namin ang bawat hagdan na inaakyat namin ng mawalan siya ng balanse bigla! Dahilan para matapilok paakyat at muntikan ng mahulog na agad ko ring nasalo. Napahawak ako sa kanyang mga braso at ngayon kahit madilim ay nararamdaman ko parin na malapit ang mga mukha namin! Sakto namang nailawan kami ng bilog na buwan na bumabanda lang sa malaking bintana ng bahay namin.






Kagaya ko ay nakatitig lang rin sakin si Lei na biglang napasinok. Napangiti ako sa kanya at sumeryuso rin sa huli, nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at akma siyang iiwas tingin pero hindi ko hinayaan.







"Have you ever had the experience of being very happy, because that's what I feel every time I am with you."






_____________________________
         Follow me.

Later.

Continue lendo

Você também vai gostar

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...