She's an Exception [Revising]...

De DONTREADINACTIVE

121K 1.6K 484

PAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL... Mai multe

She's an Exception
Chapter 1 (BOOM!)
Chapter 2 (BOOM!)
Chapter 3 (BOOM!)
Chapter 4 (BOOM!)
Chapter 5 (BOOM!)
Chapter 6 (BOOM!)
Chapter 7 (BOOM)
Chapter 8 (BOOM!)
Chapter 9 (BOOM!)
Chapter 10 (BOOM!)
Chapter 11 (Boom!)
Chapter 12 (BOOM!)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Can I court you?
Chapter 40: Disappearance?!
Chapter 41: Condition
Chapter 42: Bad and Good News
Chapter 43: Boo
Chapter 44: Principals Office
Chapter 45: WATDAPAKINGDREAM?!
Chapter 46
Chapter 47: Problem Solved
Chapter 48: Broken to Pieces
Chapter 49: Ng dahil sa Stuff toy
Chapter 50: Reunited
Chapter 51: The Art of Gayduction
Chapter 52: Forgiven
Chapter 53: Kisspirin
Chapter 54: Tatlong piso!
Chapter 55: Parents for today
Chapter 56: Preparations
Chapter 57: Let's end this
Chapter 58: Lagot na!
Chapter 59: I do
Chapter 60: Kate Fuentes's Point of View
Chapter 61: >3<
Chapter 62: Over load!
Chapter 63: Christmas
Chapter 64: (undefined)
Chapter 65
Chapter 66: Please.. Ako nalang...
Chapter 67: Full Custody
Chapter 68: A Date not to miss
Chapter 69: First Blood~ ♫♫ (Ending)
Epilogue

Chapter 33

1.4K 22 2
De DONTREADINACTIVE

Eris's POV

Finally! Nandito na ako sa Pinas!

Sa tita ko muna ako makikita tira. Informed naman na din sila sa pag stay ko sa house nila so it's okay na.

When I arrived at my tita's house, sinalubong agad nila ako ng Super Hug. Gan'yan talaga 'ko sa mga kamag-anak ko. Close. Ayoko naman kasi silang isbon-in. That's a super big NO NO dahil mahal ko sila.

After ko ayos ang mga gamit ko, I took a bath at nag bihis tapos diretso na sa Silhouette. Hinarang pa nga nila 'ko eh. Kararating ko pa lang daw kasi, aalis agad ako. Eh sinabi ko naman na importante lang kaya pumayag na sila.

Importante talaga. Importanteng makita na si Blake at nang bumalik na s'ya sa'kin. I know he still loves me. Well... Sino ba'ng hindi magmamahal sa'kin? I'm undeniably beautiful.

Pagkarating ko sa Silhouette, Hindi na 'ko hinarang ng Guard. Kilala naman kasi ako ng guard dito so pinapasok agad ako. Eh, Hello? Dito 'ko nag-aaral dati. At makakalimutan ba naman n'ya 'yung kagandahan ko? Ha!

May mga nag tataka dahil siguro sa damit ko; naka civilian kasi ako. May iba namang kilala ako kasi mga dati ko silang classmates. I repeat: Nag-aral ako dati dito. Dito kasi ako nag study since 1st year to 3rd year.

In all fairness nakakapagod mag libot, ha? Haay nako. Makapag tanong na nga.

Hinila ko sa braso ang isang estudyanteng babae.

"Alam mo ba kung saan ang room ni Blake Felix? 'Yung anak ng may-ari nitong school?"

Who wouldn't know Blake? He's so damn handsome, Rich, Smart at anak pa ng May-ari nitong school. Kaya nga ang lakas ng loob ko na mag-tanong nalang kung kanino kasi imposibleng hindi n'ya kilala si Blake. ang Blake ko.

"401."

Oo nga naman. Ba't pa pala 'ko magtatanong eh obvious naman na sa top section s'ya ng 4th Year nakasama. Tss. Stupid Eris.

Wala akong panahon mag thank you sa kan'ya so umalis na agad ako at umakyat. Hindi ko ugali mag-thank you unless nagawan ako ng super big favor. That's so not me kung magte-thank you ako sa babaeng 'yun.

Pag akyat ko nakita ko siyang tumatanaw sa railings... ang gwapo parin talaga niya. I missed that guy who's over looking the whole quadrangle---No. The sky.

Nilapitan ko siya at niyakap. Halata namang nagulat siya.

"E-Eris?"

What's with the shocked yet irritated expression?

--

Kate's POV

Katatapos lang ng subject namin. Meaning...Lunch time na and now it's time to eat!~ Grabe 'yung gutom ko! Grabe! Ang grabe naman rin kasi nu'ng teacher namin magpa-quiz. Si Blake, nakakainggit! Kasi ang easy lang para sa kan'ya nu'ng quiz! Kaya, ayun. Pinayagan s'ya ng teacher namin na lumabas; para daw walang makakopya sa kan'ya. Tss. Nakakainis na teacher.

As usual, kasama ko ulit sila Francine at Mich. Siyempre ,pag binanggit ang pangalang Kate kasunod na nu'n ang Francine at Mich. Nabansagan pa nga kaming Powerpuff girls ng Silhouette eh! Haha. Ang baliw lang ng kaklase at schoolmates namin.

'Yung Nocturnal naman nag text kanina na hindi sila makakasabay dahil kailangan nila mag practice. Psh. Dumagdag pa 'yung performance chuchu na 'yun. Edi mahihirapan niyan si Calvin sa pag mememorize ng Lines.

Nasa'n ang katarungan sa school na 'to?

Pag labas namin, I was petrified sa kinatatayuan ko.

Bakit?

May... May nakayakap kay Blake na Girl...

Ang ganda niya.

Ngayon ko lang nakita 'yung pagmumukha niya dito sa Silhouette. Tapos naka-civillian pa s'ya. Dito ba s'ya nag-aaral? Kasi kung dito, malamang eh nakilala ko 'yung pagmumukha n'ya. Angat kasi 'yung ganda n'ya sa mga babae dito sa school.

"Babe, I missed you." Sabay patong n'ya ng mukha n'ya sa likuran ni Blake.

Babe? Babe daw, oh?

"E-Eris, ano ba?! Bumitaw ka nga---" Pinipilit ni Blake na makawala sa yakap nu'ng babae pero ayaw magpatinag nu'ng babae. Nang umikot 'yung position nila, napatingin si Blake sa'kin na nanlalaki 'yung mga mata. "---Kate?" Mas lalo pa s'yang nagpumiglas du'n sa girl na kung makakapit akala mo Koala.

Why do I feel bitter? Tss.

"Bakit, Baks?"

"Aish! Eris, Bitaw!" Tindi naman nito ni Koala girl. Ayaw talaga bumitaw. Gusto ko s'yang hilahin palayo kay Blake pero bakit? Tss. Ang Alien mo, Kate!

"Si-sige na, Baks." Napatigil s'ya saglit sa pagkalas mula sa yakap nu'ng babae tapos napatingin sa'kin. "Kakain na kasi kami." Tinalikuran ko na sila nu'ng babae tapos tinignan sila Mich habang nakangiti.. "Tara na, kain na tayo."

Umalis na kami du'n sa show. Pero habang naglalakad kami, may humila sa braso ko...Si Blake pala.

Mukhang nakawala s'ya du'n sa Koala Girl, ha?

"Bakit?"

"I-it's not what you think."

It's not what I think? Ha? Ano daw? Ano'ng it's not what I think?

"Huh?"

"'Yung n-nakita mo... Hin---."

"Bakit ka nag e-explain?" Seriously, Bakit? "It's okay. Ano mo ba ako? 'Di ba?" Parang ang harsh ng dating ko. Nakaramdam naman ako na parang may masamang titig na nakatingin sa'kin at paglingon ko eh nakita ko si Mitch na nakatingin ng masama sa'kin. "What?" Bigla n'ya 'kong inirapan tapos dumistansya s'ya. Tss. Nag-aadik nanaman si Mitch. HInarap ko ulit si Blake.

Unti-unting lumuwag pagkakahawak niya sa'kin. "Sa-sabi ko ng---"

Biglang lumapit sa kan'ya si Koala Girl at yumakap nanaman.

PDA much? "Babe, ano ba? Bakit mo ako ipinasok sa room dun?!" Pagmamaktol n'ya. Buti nalang talaga't maganda s'ya kaya pwede pa rin s'ya mag-inarte.

"Tara na." Hinarap ko sila Mitch. "Kain na tayo."

So nag punta na kami sa canteen. Umorder sila ng food nila. May baon naman ulit ako so hindi na ako bumili.

Babe? Bakit babe tawag sa kanya nung girl? Baka girlfriend niya 'yun. Aish. Bakit ko ba iniisip yun? Atsaka bakit ba ako na bobother? At, isa pa, Hello naman, Kate? Sa gwapo nu'ng Bakulaw na 'yun, imposibleng walang Girlfriend 'yun. Ano s'ya, bakla?

"Hoy, Bakla. Bakit tulaley ka nanaman?" Napaharap naman ako kay Francine na tinampal 'yung noo ko pagkaupo n'ya sa tabi ko.

"Ay-huh? Nandito na pala kayo. He-he." Seriously, hindi ko napansin na nandito na pala sila. Nasobrahan yata 'ko sa pag-i-space out.

"Psh. Nag seselos 'yan, Pustahan, Bakla. Ayiee!~ " Sabi ni Mitch na sinusundot-sundot pa 'yung tagiliran ko.

Huh? Ako? Nag seselos?

"Kanino naman ako mag se-selos?" Seriously, Kanino?! Sabihin n'yo, itutumba ko!

"Du'n sa babae."

"Psh. 'Di, ha. Kumain na nga tayo."

Kumain lang kami ng kumain. Sila peaceful, oh! Ako, eto, 'di mawala sa isip ko 'yung eksena kanina.

Babe? Baka nga 'Sila'. Bakit pakiramdam ko nag-se-selos ako? Do I like Blake na ba? Totoo ba 'yung sinasabi ni Mitch?

Ay! Very Good, Kate! Feeling mo, hindi mo malaman kung ano? Wow! Ikaw na ang International Shunga of the Year! Me Already!

Pero... Teka...

S'ya ba 'yung... Nasa picture frame? 'Yung tinitignan ni Blake 'pag mag-isa lang s'ya sa kwarto?

--

Blake's POV

Dismissal na.

Ang sakit pala talaga nu'ng sabihan ka ng taong mahal mo ng: 'Bakit Ano ba kita?'

Nanlambot tuhod ko nu'ng sinabi niya 'yun kaya binatawan ko nalang siya. Grabe 'yung reaction ng isip ko kanina nang sabihin n'ya 'yun. Ang sakit lang.

At may isa pang sakit ulo dito. Si Eris.

Bumalik na siya. Bumalik na siya para guluhin nanaman ako.

Si Eris... Si Eris na I think may obsession sakin.

Ipinilit niya sa tatay niya na sabihin sa mama ko, which is mag business partners, na maging kami. Dahil inutos ni mama na suyuin ko siya no choice naman ako kun'di maging kami. Tae. Sustentado pa rin ako ni Mama kaya kailangan ko s'yang sundin.

I courted her FOR A DAY! Kahit hindi ko naman talaga siya gusto, itinuloy ko 'yung panliligaw. We acted---Wait. Let me rephrase that.

She acted all sweet and lovey dovey in public places 'pag kasama niya ako. Nakakasuka.

Oo, I won't deny the fact na may mukha s'ya na pwedeng ibandera at ipagyabang pero... She's too clingy and it irritates me.

At isa pa, hindi ko naman s'ya gusto!

Wala siyang paki sa mga nakakakita sa'min kahit nakawan niya ako ng halik. Ang sinasabi lang niya lagi, mas mabuti daw 'yun para malaman nilang sa kan'ya ko. Psh... The nerve.

Kaya nga gumawa ako ng paraan para humiwalay siya sa'kin eh. Lahat ng katarantaduhan, kagaguhan, pamamahiya, ginawa ko pero hindi ko naman alam na babalik at babalik siya dito sa Pinas. Ang labo. Lahat na ng kagaguhan ginawa ko para lumayo siya pero... AYAW TALAGA NIYANG SUMUKO!

Tumagal ng tatlong buwan ang "forced" relationship namin. At ang masasabi ko lang: IT WAS ONE HELL OF A RELATIONSHIP.

"Babe, Why are you always tulala. Aren't you happy dahil nandito na ako?" sabay yakap niya sakin. Naiinis nanaman ako.

Happy? Eh kung itapon kita sa Mars na Lunatic ka. Baka du'n, matuwa pa 'ko. Tss.

"Pwede ba?" Inialis ko 'yung pagkakayakap n'ya sa'kin. Tang ina naman kasi, ang dami na kayang nakatingin! "'Wag ka ngang yakap ng yakap sa'kin."

"Aren't you happy to see me---."

"No. In fact ayaw kitang Makita."

"Babe nam---"

"And will you quit calling me 'BABE'! Nakakairita ka."

"No!" Napatigil sa paglalakad 'yung ibang nadaan at napatingin sa kan'ya. Tinignan naman n'ya 'yun. "Everyone knows na sa'kin ka!" Sabay harap n'ya ulit sa'kin. "That's why tatawagin kitang Babe."

"We're over okay? Tss."

"Why are you so cold?"

Wow. Tanga lang? Manhid ba 'to? Isn't it obvious na hindi ko s'ya gusto? Na hindi ko naman s'ya nagustuhan in the first place? Wow. Ang laking tanga nito.

"Ewan ko sa'yo. Bumalik ka na kung sang bansa ka man nag punta." Tinalikuran ko na s'ya pero hinila n'ya 'ko kaya napaharap ulit ako sa kan'ya.

Aish! Susundan ko pa si Kate eh!

"Aish. I won't give you up that easily, okay?!"

"Nag-papagod ka lang. Wala ka namang mapapala eh."

Umalis na ako pagkaalis ko mula sa pagkakahawak n'ya. Naiirita lang ako sa boses ng babaeng 'to.

Nasan na kaya si Kate? Sana hindi niya makilala to si Eris. Baka kung ano'ng gawin sa kan'ya.

Continuă lectura

O să-ți placă și

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
561K 28.6K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
979K 31K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...