YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

By christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... More

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 151
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 155
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 85

583 49 12
By christilita



Kabanata 85





____________________




LEI P.O.V.




Pagkatapos ng recognition di namin mahanap si Martinez.
"Hindi ma-contact Lola."usal ni Lindon na panay tipa sa cellphone.





"Ay yong batang yon saan naman siya napadpad! Di man lang nagpaalam!" Reklamo ng lola niya, halos kalahating oras na kaming naghihintay sa kanya sa parking area ng mapansin kong wala na ang sasakyan niyang nakahalera doon.





"Siguro nakauwi nayon." Tipid na sabi ko sa kanila "Nasa bahay lang yon." Dagdag ko pa.





"Baka nagalit kasi kami lang tatlo ang sumayaw kanina..saka nakokonsensya yon kung bakit naaksidente sina Calvin at Stanly kanina." Paliwanag ng isang kaibigan nito, sa pagkakaalala ko ay siya ang nagalit sakin nung isang araw.






"Hindi ganon mag-isip si Jeau Kurt." Giit ni Lindon. "Kapag nagkaganito..siguro may nangyaring masama o baka nagtatampo siya o iwan ba." Paliwanag ni Lindon na hindi pa sigurado.







"Anong ibig niyong sabihin na may nangyaring masama sa apo ko?" Takang at seryusong sabi ng matanda.





"Eh pagkatapos ng sayaw po nagpaalam siya samin na sa may backstage lang muna siya paniguradong pupuntahan si Calvin sa kabilang kwarto, nagpapahinga kasi saglit sina Stanly doon. Pero pagbalik niya po galing don ay hindi na kami pinansin, may problema ata." Mahabang paliwanag ng isa na sa pagkakarinig ko ay Kurt. Tahimik lang akong nakasandal sa may kotse at doon nakokonekta ang mga ideyang bumuo sa isipan ko.





"Nakita ko kanina si Monica papunta sa backstage pero di ako sigurado kung nandoon rin si Martinez." Sabat kong napatingin sa kanilang tatlo. "Sa tingin niyo anong nangyayari? Kung may naabutan siya?" Alam kong alam na nila ang lahat dahil yon ang pakiramdam ko sa mga kaibigan ni Martinez, nung mismong si Kurt na ang nakatitig kahapon kina Martinez at Monica ay alam ko na gusto niyang pigilan iyon pero huli na siya. Tanging si Martinez lang ang walang alam sa nangyayari dahil kinakain siya ng isang pagmamahal na siya lang ang gumawa.






Napatitig sakin si Lindon at Kurt doon na nga nila naintindihan ang gusto kong ipahiwatig sa kanila. Walang alam ang lola ni Martinez kung sakali mang malaman nito ay mas masasaktan lang ito sa kinahihinatnan ng apo niya lalo na at nag-iisang apo at katangi-tanging mahal niya lang ito. Kaya nga naging spoiled ito dahil lahat nabibigay, nakukuha.







Nang makauwi na kami ay naabutan namin ang paglalasing nito sa kusina. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila ng yakapin siya ng lola niya, sa bawat pagsusuri ko sa kanila ay wala akong maintindihan na emosyon tanging sila lang ang nakakaramdam o sadyang hindi lang ako sanay na ganito sila. Hindi ako sanay na makitang umiiyak si Martinez.






"Hija nag-aalala ako sa apo ko." Pag-aamin ng lola niya ng matapos kaming maghuggas sa kinainan namin, hindi sumabay si Martinez samin kanina para kumain ng hapunan.





"Baka gusto niya lang mapag-isa." Walang gana na sabi ko pero seryuso ako sa sagot ko.




"Ano naman kaya ang problema non at nagkaganon pa siya. Hindi ko nga yon pinaiyak kaya lahat ng gusto naibibigay ko kasi mahal ko ang apo na yon. Baka nagtampo yon sakin kasi walang akong regalo sa recognition niya? Balak ko pa namang sa kaarawan ibibigay." Bakas na pag-aalalang sabi pa nito. Nang maayos na namin lahat sa may lababo ay doon ako nagsalita.






"Pero alam naman natin na di lahat nakukuha." Usal na nagbigay katanungan sa kanya ngayon. "Siguro may gusto lang si Martinez pero hindi niya makuha..at bukod don huwag nalang kayong mag-aalala malaki na siya at alam na niya ang dapat gawin. Hindi palatampong tao yon ang pagkakakilala ko, may pinagdaanan lang yon." Usal ko at tahimik lang na huminga ng malalim ang kausap ko.





"Hihintayin ko muna si Jeau hija, hindi pa yon nakakain..mauna kanang matulog." Usal nito sakin sabay yakap pero diko magawang hayaan siya doon sa kakahintay. Nang matagalan ang paghihintay namin doon ay ramdam kong inaantok na ang lola kaya sa huli ay ako na ang naghintay kay Martinez sa kusina.




Gabing-gabi na ay di parin ito bumaba. Ganito rin ba siya naghintay sakin noon?. Sa inip ko ay ako na mismo ang umakyat sa itaas, balak ko na sanang pumasok ng maalala kong may tropiyo pa akong ibibigay sa kanya. Wala na siya kanina ng ianunsyo ang pangalan niya para sa Best Dancer.





Wala akong magawa at kinuha nalang iyon mula sa kwarto ko at naisipang lagyan ng maliit na note. Diko man alam kung anong pinagdaanan niya pero ramdam ko lang na kailangan niya ng isang tao ngayon.




Nandito lang ako. Sulat ko sa may maliit na papel bago bahagyang dinikit sa tropiyo. Walang katok-katok at agarang pumasok na ako sa kwarto niya at gaya ng inaasahan ay nakaupo lang siya sa may sahig na medyo lasing animoy iniisip ang problema.





"Tanga."  Mahinang reklamo ko ng mapagtanto kong napakadrama naman ng kinahinatnan niya. Hindi bagay, napakacorny. Naghintay lang pala ako sa may kusina kung kelan siya matatapos sa kakaiyak dito?.




"Umalis ka nga..dika naman nakakatulong." Aniya na tinitigan ko lang bago umupo sa may kama niya.  " Ano bang ginagawa mo dito!?" Asik niyang muli.





"Masakit ba?" Wala sa sariling sabi ko. Ngayon ko lang nakitang ganito si Martinez, napakatamlay niya at hindi na gustong palitan ang mga sasabihin ko.






Matapos ko siyang hintayin ay nakababa narin sa wakas at walang gana na kumain. Wala siyang pagpipilian, kahit pa masama ang pakiramdam niya ay dapat parin siyang kumain dahil yon ang utos ng lola niya.






"Adobo na naman...habang buhay naba to?" Mataman at matamlay na sabi niya ng makanguya. Nanunuod lang ako sa kanya kumain at kumuha ng patatas sa gilid. "At di rin mawawala ang pangmalakasan na steam patatas mo."





"At least nakakain tayo ng ganito, yung iba namamatay na sa gutom." Asik ko sa taong namamaktol.




"Pwede ba pangit..huwag ka ngang pumalag sakin. Nakakainis ka naman." Mahinang reklamo niya, hindi na ako nagsalita pa at kumuha ng beer sa may kabilang ref at binuksan iyon. Napasulyap sakin si Martinez na may kanin pa ang labi.





"Beer yan ha!?" Bulalas niya.




"Obvious ba." Tanga.




"Bakit ka iinom!?" Asik niya pa ng makaupo ako pabalik at tinunga ang beer.






"Dito. Mawawala ang problema mo." Tipid na sagot ko.



"Ganon kadami problema mo? Kasi palagi kang lasing!?" Takang tanong niya ng matapos kumain.




"Kung alam mo lang." Mahinang usal ko pero narinig niya parin.



"Kung ano?" Takang ulit niya pa.


"Parang mas interesado ka pa ata sa problema ko kesa nangyari sayo ngayon." Diretsong sagot ko. Napapansin ko na bawat may problema ako ngayon ay unti-unti na niyang nalalaman.




"Hindi ah! Pero ito kana naman! Winawala mo ako sa tanong ko!" Reklamo niya ng makaligpit sa kinainan at bumalik sa pagkakaupo na may hawak na beer.





"Si Monica..kilala mo siya diba? Anong klaseng babae ba si Monica." Seryuso at may ibang emosyon sa kaloob-loobang sabi niya bago ininom ang hawak.




"Klase?.." pabitin na sabi ko at tumango naman siya na kung sa normal ay maawa ka pero para sakin napakatanga tignan. "Siya ang klase ng babaeng kayang gawin ang iba't ibang klase." Tipid na sabi ko na ginawang pulutan ang patatas sa gilid.




"Ha!! Ang gulo mo naman kausap!!! Ito na ang sinasabi ko eh! Wala kang kwentang kausap!" Reklamo niya pa.




"Yon naman talaga sadyang mahina lang ang utak mong mag-isip." Saad ko at masama niya lang akong tinignan.




"Talino ka?" Asik niya.



"Kumpara sayo oo."



"Si Monica ang pinag-uusapan natin hindi ang mga walang kwentang salita mo pangit! Sumagot ka nalang!" Asik niya na naiinip.



"Geh."



"Anong geh?" Kunot noong aniya na ikinailing ko lang, napakabobo at hina ng utak nito.



"Magtanong kalang at sasagutin ko hanggat alam ko pa." Walang gana na sabi ko bago naman siya napaayos sa pagkakaupo at bumuntong ng isang malakas na hininga para magsimulang magtanong.





"Si Monica..galit ka sa kanya diba? Bakit ka galit? Anong nagawa niya?"



"Hindi ako galit."




"Oh edi anong tawag mo ngayon sa pakikitungo mo para sa kanya?" Pabalang na tanong niya na nakataas ang kilay.




"Ayoko sa kanya." Tipid na sagot ko at napapitik naman siya sa daliri niya animoy may naintindihan.




"Ugak! Pareho lang yon!" Malakas na sabi niya.




"Magkaiba ang galit at ayaw Martinez. Ang galit ay nagkikim-kim ka ng masamang loob sa tao samantalang ang ayaw ay ayaw mo siyang makita at simple lang ayaw niyong magkatagbo sa iisang lugar." Mahabang paliwanag ko sa taong matagal makaintindi.
Bumuntong hininga pa siya sakin at uminom pang muli bago ako tinignan ng mabuti.




"Kilala mo siya diba? Sino ba talaga siya.." nawawalan ng pag-asang sabi niya.




"Dapat kilala mo rin siya. Dahil pag ang tao nagmahal ay madali mo lang to makikilala." Sabi ko pa sa kanya na napapagod na sa kakainom at napasandal nalang.




"Paano kong di ko na siya kilala?"



"Simple lang. Dimo mo na mahal." Diretsong sagot ko at napadilat siya sa gulat sa nasabi ko na hindi ata sang-ayon sa nasagot ko.




"Hindi yan totoo! Ang pangit mo naman magpayo! Nakakadagdag stress lalo! Hindi yon ganon no! Porket di na kilala dina mahal agad!?" Bulalas niya na hindi magpapatalo.




"Sige. Sabihin nalang natin na mahal mo siya pero sa pagmamahal ba yon nakilala niyo na ang isa't isa?." Seryusong tanong ko at hindi naman siya makasagot at nakatitig lang sakin sabay inom ng beer. "Sa tingin mo sino sa inyong dalawa ang nagpahalaga? Dimo masagot? Kasi hindi mo pa alam. Nabulag ka sa pagmamahal sa kanya kaya kahit simpleng sagot lang para sa sarili mo ay dimo masagot."





"Pangit..." aniya na namamaga ang mata halatang hindi ipapakita sakin na luluha siya. "Paano kung mali ang mga sinabi mo?" Nanlulumong aniya.




"Kung ganon paano kung totoo ang nasabi ko?" Sagot ko rin na saktong pagtulo ng luha niya sa pisngi. Guminhawa siya ng malalim at hindi pinahalatang napaluha siya sa harapan ko. "Jeau.." sambit ko ng mapasandal sa upuan at nilagay ang paa sa lamesa.




"H-ha?" Nauutal na aniya. "Anong Jeau?" Nakatulalang sabi niya siguro naninibago pa siya sa pagtawag ko ngayon sa kanya, nung nakaraan ay gusto ko nalang siyang tawagin sa pangalan niya.






"Kung tatawagin kita sa apelyido mo baka lahat ng angkan mo lilingon sakin." Sabi ko na nakatitig lang sa boteng hawak ko.




"K-kaw bahala..." napaiwas na sabi niya.



"Jeau." Tawag ko pa sa kanya ng di siya makatingin sakin, nakatitig lang ako sa kanya. Sinusuri ang bawat reaksyon niya.



"Ano!." Asik niyang di makatingin.



"Hindi mo kailangang malaman pa kung sino si Monica. Kung ano man ang nakita mo yon ang paniwalaan mo, mismo ang sarili mo ang makakasagot at makapagbigay paliwanag." Paliwanag ko at ito na naman ang isip bata na nilalang napapahid na naman ng luha.




"Bakit mo ba lahat sinasabi to." Aniya na napakagat labing tumahimik.





"Para malaman mo na kahit masakit at mabigat na ay kailangan rin nating mapahalagahan ang sarili." Sagot ko na hindi ko alam kung saan nangaling ni ako nga hindi ko napapahalagahan ang sarili sa mga nangyayari.




"Kung ganon...paniniwalaan ko ang sarili ko? Paano kung hindi nakakabuti samin ang naiisip ko?" Aniya na nalalasing na. "Nakita ko sila eh! Naghalikan!." Bulalas niya at konektado na sa isipan kung saan pato mapupunta ang ganitong usapan.



Sa pagtulo ng mga luha ni Jeau ay napaiwas ako ng tingin sa kanya. Parang may nagpapaalala rin sakin ng ganitong klaseng sakit. Nasa mukha niya ang sakit at galit na sa lahat ng iyon ay naiintindihan ko siya.



"L-lei!" Nagkandautal na aniya. "Ang pangit ng pangalan mo. Kung Charles nalang kaya itawag ko sayo?" Lasing na sabi niya. Nilagok ba naman lahat ang dalawang bote ng walang kapares-pares.




"Charles." Bangit niya na ikanalunok ko, kaba at hindi ko maintindihan kung bakit bumalik ang ganito. Unti-unti akong napalingon sa kanya at seryuso lang siyang napatingin sakin.



"Ano..Lei nalang." Tipid na sabi ko na hindi sanay sa itatawag niya. Ayos na yung pangit kesa ito.





"N-nagmahal ka narin ba?" Nagtatakang tanong niyo sakin.




"Bakit mo naman nasabi yan?" Walang gana na saad ko at napaiwas lang siya sakin.




"Kung magsalita ka kasi parang may napagdaanan ka." Tipid na aniya at dina ako sumagot pa. Matagal akong napaisip sa tanong na yon at ilang minuto ring pag-iisip ay nasagot ko narin ang tanong niya.





"Hindi. Wala akong alam sa pagmamahal na yan." Sagot ko ng mapatingin ako sa kanya na ngayon ay nakapikit na ang mga mata nito.








_____________________________
         Follow me.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...