I'M HERE INSIDE OF MY BOOK

By itz_ladyarjean

80.3K 4.7K 349

Si Beatrice Torizmo ay isang simpleng babaeng ulila na sa ina na inaalila ng kaniyang step mother, step siste... More

PROLOGUE
UNANG KABANATA
IKALAWANG KABANATA
IKATLONG KABANATA
IKA-APAT NA KABANATA
IKA-LIMANG KABANATA
IKA-ANIM NA KABANATA
IKA-PITONG KABANATA
IKA-WALONG KABANATA
IKA-SIYAM NA KABANATA
IKA-SAMPUNG KABANATA
IKA-LABING ISANG KABANATA
KABANATA LABING DALAWA
KABANATA LABING TATLO
KABANATA LABING APAT
KABANATA LABING LIMA
KABANATA LABING ANIM
KABANATA LABING PITO
KABANATA LABING WALO
KABANATA LABING SIYAM
KABANATA DALAWAMPU
DALAWAMPUT ISA
DALAWAMPUT DALAWA
DALAWAMPUT TATLO
DALAWAMPUT APAT
DALAWAMPUT LIMA
DALAWAMPUT ANIM
DALAWAMPUT PITO
DALAWAMPUT SIYAM
TATLUMPU
TATLUMPUT ISA
TATLUMPUT DALAWA
TATLUMPUT TATLO
TATLUMPUT APAT
TATLUMPUT LIMA
TATLUMPUT ANIM
TATLUMPUT PITO
TATLUMPUT WALO
TATLUMPUT SIYAM
APATNAPU
APATNAPUT ISA
APATNAPUT DALAWA
APATNAPUT TATLO
APATNAPUT APAT
APATNAPUT LIMA
APATNAPUT ANIM
APATNAPUT PITO
APATNAPUT WALO
APATNAPUT SIYAM
LIMAMPU
LIMAMPUT ISA
LIMAMPUT DALAWA
LIMAMPUT TATLO
LIMAMPUT APAT
LIMAMPUT LIMA
LIMAMPUT ANIM
LIMAMPUT PITO
LIMAMPUT WALO
LIMAMPUT SIYAM
ANIMNAPU
Author's Note:
ANIMNAPUT ISA
ANIMNAPUT DALAWA
ANIMNAPUT TATLO
ANIMNAPUT APAT
ANIMNAPUT LIMA
ANIMNAPUT ANIM
ANIMNAPUT PITO
ANIMNAPUT WALO
ANIMNAPUT SIYAM
PITUMPU
PITUMPUT ISA
PITUMPUT DALAWA
PITUMPUT TATLO
PITUMPUT APAT
PITUMPUT LIMA
PITUMPUT ANIM
PITUMPUT PITO
PITUMPUT WALO
PITUMPUT SIYAM
WALUMPU
PADAAN LANG SAGLIT AH:
WALUMPUT ISA
WALUMPUT DALAWA
WALUMPUT TATLO
WALUMPUT APAT
WALUMPUT LIMA
WALUMPUT ANIM
WALUMPUT PITO
WALUMPUT WALO
WALUMPUT SIYAM
SIYAMNAPU
SIYAMNAPUT ISA
SIYAMNAPUT DALAWA
SIYAMNAPUT TATLO
SIYAMNAPUT APAT
SIYAMNAPUT LIMA
SIYAMNAPUT ANIM
SIYAMNAPUT PITO
SIYAMNAPUT WALO
SIYAMNAPUT SIYAM
ISANGDAAN
EPILOGUE
A FINAL NOTE:
Another story of mine

DALAWAMPUT WALO

593 46 3
By itz_ladyarjean

Chapter 28

Drano's P.O.V.

"ayos ka na ba?" sabi saakin ni Tiya.

"Natagpuan ka daw ng mga Guro sa isang kagubatan na walang malay." pagpapatuloy niya.
Si Tiya Dayara ay kapatid ng aking Ama.
Gaya ni Ama ay Dugong itim din si Tiya Dayara. Galit ang mga Dugong itim sa mga Royal Blood. Hindi ko alam kung anong nangyari. Pero ang kwento sa akin ni Tiya Dayara ay nagalit daw ang aking Oko sa mga Dugong Bughaw.

"T-Teka? Where is Blesi?" tanong ko kaagad.

"Teka, siya ba yung pinag-uusapan ng mga Guro? At ng iba pang estudyante? Ipinaghahanap na din nila yung Blesi." paliwanag niya.

Iba si Tiya sa lahat ng dugong itim. Kagaya ni Ama ay may mabuting puso din si Tiya.

"Tingin ko naman ay mababait talaga ang ibang mga prinsesa at mga prinsipe diba?" buntong hingang tanong ni Tiya.

Napatayo ako at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Yeah, But Not all." sabi ko.

Napaluha na lang ako dahil naalala ko ang nangyari. Kung hindi kaya ako nangako na poprotektahan ko siya, mangyayari kaya ito? Sana naman ligtas siya. Sisiguraduhin kong ibabalik ko siya.

Di ko na namalayan na tumayo na pala ako at sinuot ang Long sleeve na nakasabit sa Kabinet ko.

"Teka, Saan ka Pupunta?! Magpahinga ka muna." sabi ni Tiya saakin. Ngunit hindi ako nakinig.

"May dapat lang akong asikasuhin Tiya." sabi ko at lumabas na sa pintuan ng kwarto ko.

Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Oko, ang ama ng aking Tiya at Ama.

"Apo, maayos na ba ang kalagayan mo? Napakatigas ng ulo mo! Hindi ka nakikinig saakin. Anong napala mo? Wag na wag mong kakalimutan ang ipinangako mo! Hindi mo ipapaalam sa kanilang lahat ang pagkatao mo!" sigaw ni Oko.

Malaki ang takot naming lahat kay Oko. Si Oko ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga Dugong itim. Ngunit yun ang alam nila. Dahil tingin ni Oko ay ako ang itinakda upang lusubin ang nga kaharian sa iba't ibang isla ng mga Royal Blood.
Pinaikot ni Oko ang ulo ko. Sinabi niyang mga nilalang sa Isla ng Doryo ang pumatay sa aking mga magulang. Ngunit nagsinungaling saakin si Oko. At ngayon ang plano ko ay hanapin ang mga totoong pumatay sa mga magulang ko. Nag bow na lang ako kay Oko tsaka umalis na.

Sumigaw pa siya kung saan ako pupunta pero nagdere deretso lang ako. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para bumalik sa Kagubatan na iyon.

Bumaba ako doon sa may pinuntahan namin nung isang araw. Nandoon pa din yung medyo malaking Bato na tingin ko ay tumama saakin kaya nawalan ako ng malay.

Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dito. Kaya wala akong nagawa. Tumingin ako sa paligid nun pero di ko alam kung saan siya posibleng tumalsik. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nakita ang direksyon ng pinagtulakan ko sakanya.
Napaupo na lang ako at sumandal sa puno. Napapikit ako dahil kahit ano mang oras ay tutulo na yung luha ko. Nakarinig naman ako ng yapak kaya napadilat ako.

"Drano? Anong ginagawa mo dito?" tanong nung Graline na Kaibigan ni Blesi.

Napayuko na lang ako dahil wala akong masabi.

"pumupunta din kami dito sa lugar na ito baka sakaling Bumalik dito si Blesi." sabi niya.

"Lin! Wala talaga doon eh." rinig ko namang sabi ng isang babae na tingin ko siya si Harelya ang kakambal ni Hellary.

Sumunod naman kay Harelya yung iba pang kaibigan ni Blesi. Sumugod naman saakin si Willio.

Kinuwelyuhan niya ako pero hinayaan ko lang siya. Pinagkatiwalaan nila ako na mabantayan at maprotekhan si Blesi. Ngunit di ko nagawa. Sinuntok niya ako sa mukha kaya naging dahilan yun para tumalsik ako.

"Prince Willio! Tama na yan!" sigaw nung Trely.

"Sinabi naming protektahan mo siya ngunit nasaan siya?!" sigaw ni Juno. Sinamaan ko siya ng tingin. Charyon tss.

Nanatiling nakatingin lang saakin si Hellary.

Inilayo naman ako ni Lary kay Willio.
"Tama na yan. Hanapin na lang natin si Blesi." sabi ni Lary sakanila.

Alam kong may gusto siya kay Blesi. Ngunit tunay pa rin siyang kaibigan. Iniwan nila kami ni Lary dito. Inilalayan naman akong tumayo ni Lary.

"Thanks." tanging sinabi ko.

"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya saakin.

"Yun naman talaga ang plano ko eh, ang protektahan siya. Ngunit hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari. Nawalan ako ng malay kaya di ko na nakita si Blesi." sabi ko.

"Alam ko naman na hindi mo kasalanan. Kapag nakita na nila si Blesi mawawala rin ang galit nila sayo." sabi niya at tinap ang balikat ko at naglakad na siya papunta doon sa kakambal niya.

Napangisi na lang ako sa sarili ko. I know it's all my fault. But no matter what happen, I will find you wherever you are.

Bea/ Blesi's P.O.V.

"Bea! Gumising ka na dyan! Kakain na!" rinig kong sigaw ni Kuya Yael.

Napadilat na lang ako at nanatiling nakahiga.

Dalawang araw na ako dito. Pero kung isasama mo pa yung nawalan ako ng malay I think four days na ako dito.

Kailan ba ako makakabalik sa Normal kong pag-iisip? Hindi ko naman sinasabing abnormal ako mag-isip pero parang ganun na nga, charrs.

Tok! Tok!

"Bea! Ano ba?! Dalian mo na!" rinig kong sigaw ni Kuya Yael.

Medyo masungit din kasi si Kuya Yael. Pero mas lamang ang kabaitan at sweetness niya.

Teka! Bakit parang di nila maintindihan ang nga millenials talk?! So? Power ko na ba yun?

At teka?! Saan nanggaling ang salitang 'millenials talk?!'

Waahhh! Sa tingin ko nga abnormal na ako mag-isip!!!!

"Coming!!!" sabi ko na lang at inayos yung pinaghigaan ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Kuya na masama ang tingin saakin.

Nagpout na lang ako sa harap niya.
Nagulat naman ako ng hilain niya ang nguso ko.

"Awww! Kuya naman eh!" sad kong sabi sakanya.

"Ang tagal mong lumabas! Anong oras ka na kasi natulog kagabi! Hindi ganito ang oras ng gising dito ah!" sabi niya at pinitik ang noo ko.

Waahhh! Sinabi ko bang sweet siya at mabait? Binabawi ko na!!! Sa first day ko lang pala dito sa bahay nila siya mabait!

Ano yun? Para sabihin niya saaking 'Bea, ako to si Yael ang kuya mo na ngayon na mabait at sweet hehehehe' tapos kapag naramdaman ko na ang kabaitan niya at kasweetan niya tsaka siya magiging dragon?!

Nabigla ako ng pitikin nanaman niya ang noo ko.

"Kuya naman eh! Ang sakit kaya!" sigaw ko sakanya.

"Kung ano ano nanamang pumapasok sa isip mo! Tara na at naghihintay na si Aka." sabi niya at hinila na ang palapulsuhan ko.

Hinawakan ko naman ang palda ko na sumasayad sa sahig.

Pagkadating namin sa kusina ay naghahanda na si Aka ng mga plato at baso. Dali dali akong lumapit doon at tinulungan siya.

"Salamat iha." ngiting sabi niya.

"Wala po yun!" ngiti namang sabi ko.

"o siya! Maupo na kayo." sabi ni Aka.

Alam ko na ang ibig sabihin ng Aka. Yun daw ang salitang Lola.

Gusto ko nga siyang tawaging lola eh. Kaso medyo nakakahiya. Dahil baka sabihin nila masyado kong binabastos si Aka Lera.

Eh pambabastos ba yun? Lola naman talaga ang tawag sa nanay ng nanay mo or nanay ng tatay mo diba?

Naghugas muna ako ng kamay ko bago ako umupo para kumain.

Masarap magluto si Aka. At yun naman talaga ang nakakaproud. Basta masarap magluto ay THE BEST!!

Pagkatapos naman namin kumain ay nag volunteer na akong maghugas. Si Lola naman ay este Aka ay pumasok na sa kwarto niya. Si Kuya naman ay pumunta sa kagubatan upang kumuha ng panggatong at mag ani ng palay. Sipag niya noh? Dagdag pogi points pero bawas pogi points dahil bumubuga siya ng apoy.

Teka!!! Bakit ang daldal ko? Nasa dugo ko na ba talaga ang pagiging madaldal? Waahhh!! I can't take this anymore!
Pagkatapos kong maghugas ay nagtungo ako sa labas para magpahangin.

"Tata naman eh! Maghunos dili kayo! Baka magalit si Yael niyan eh." rinig kong sabi ng isang babae.

"Bitawan mo ako! Papatayin ko ang babae ng kasintahan mo pati na rin yang kasintahan mo!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.

"Teka!!! Tata naman eh! Mahal ko po si Yael. Wag niyo pong gawin yan!" rinig kong paghihinagpis ng isang babae.

"Ang kapal ng mukha ng Yael na yan! Pagkatapos mangako saakin na ikaw lang ang babaeng mamahalin tapos magugulat na lang tayo na may kinakasama ng ibang babae?!" sigaw naman ng lalaki.

Nagulat ako ng palapit saakin yung lalaki na may itak at yung isang babaeng maganda na todo pigil doon sa lalaking may itak. Base sa nakikita ko ay tatay niya.

"Hoy! Babae! Ikaw ba ang kinakasama ni Yael?!" sigaw saakin nung lalaki. Nakatayo medyo malayo saakin.

"P-po?" kabadong tanong ko.

"Papatayin kitang babae ka!!" sigaw nung lalaki kaya napatakbo ako. Hinahabol niya na ako ng itak!

Ang harsh naman nila! Waahhh! Kuya Yael!! Help me!

~•~

'lumabas ka dyan!walang hiya kang lalaki ka! Magtutuos tayo ngayon!' boses ng isang lalaki.

'mahal na prinsesa halina po kayo at delikado po' sabi nung isang ale pero ngumiti lang yung babae at umiling (medyo blurred ang mukha ng babaeng iyon)

Nagulat ang prinsesa ng habulin siya ng lalaking may itak kaya napatakbo na din siya.

Bigla namang hinablot ng isang lalaking naka hood ang prinsesa.

'ayos ka lang?' malamig na boses na turan ng isang lalaki.

Napatingin ang babae sa gilid niya at nakita niya ang lalaking humahabol sakanya kaya nataranta ang prinsesa.

Hinawakan nung nakahood ang balikat ng prinsesa at sabay ikot paharap sakanya para siya lang ang makita.

Pero sa di inaasahang pangyayari ay
na-out balance ang babae at napakapit sakanya ang prinsesa.

Hinapit naman niya ang beywang ng prinsesa kaya napaangat siya sakanya pero isang malambot na labi ang nakalapat sa labi ng isang babae.

Medyo matagal yun kasi mukhang pareho silang di nakarecover sa nangyari.

~~~

Napahinto ako at napahawak sa puno at hinawakan din ang ulo ko.

Hindi ko na inisip na maaabutan ako nung lalaking may itak. Basta ang gusto ko lang ay mapahinto ang pagsakit ng ulo ko.

"Bea? Bea!" ring kong sigaw.

Di ko na kinilala kung sino yun basta ang alam ko lang ay napaupo na ako sa sahig.
Naramdaman ko namang may lumapit saakin.

"Bea? Ayos ka lang ba?" rinig kong sabi ni Kuya Yael.

Di ko namalayan na binuhat niya na pala ako pahiga.

Naramdaman ko na lang na narito na ako sa higaan.

"Bea? Ayos ka lang ba?" tanong saakin ni Kuya Yael.

Hindi ako sumagot dahil medyo makirot pa din ang ulo ko.

"Mon! Ano ka ba? Ni hindi ka man lang nagtanong?" rinig kong sabi ni Aka Lera.

"Paumanhin Eda Lera, ngunit di ko naman alam." rinig kong sabi ng boses ng tatay nung babae kanina.

Nang mawala ang sakit ay lumabas ako ng kwarto. Sumunod naman saakin si Kuya.

"Siya nga pala Edo Mon. Siya ang nakababata kong kapatid." ngiting pakilala ni Kuya Yael saakin doon sa lalaking tinawag niyang Edo Mon. Napatingin naman saakin yung Edo Mon.

"Iha, paumanhin talaga ah. Masyado lang akong maalaga saaking nag-iisang babaeng anak. Patawarin mo sana ako ah." sabi ni Edo Mon.

Di ako nagsalita. Tumingin ako doon sa babaeng kasama niya.

"Ah Bea, siya si Jiyel ang kasintahan ko." ngiting sabi ni Kuya.

Nanatili akong walang rekasyon. Tumango na lang ako doon.

Di ko pa rin lubos maisip kung ano yung senaryong pumasok  sa isip ko. Anong kinalaman ko doon sa prinsesa at doon sa naka hood?

Hinawakan ni Kuya Yael ang kamay ko para hilain at maupo doon kaharap nung mag-ama.

"Pagpasensyahan niyo na ang batang iyan kung hindi kayo nabigyan ng sagot. Sa tingin ko ay masyado siyang natakot sa nangyari." rinig kong sabi ni Aka.

Tumingin naman ako kay Edo Mon. Hiya siyang ngumiti saakin.

Sabi ni Kuya Yael, si Aka Lera daw ang pinakamatanda daw dito sa Baryo nila. Kaya iginagalang talaga si Aka ng lahat.

"Wag po kayong mag-alala, pinatawad na po kayo ni Bea. Di niya lang masabi. Pero mabait po itong kapatid kong ito." sabi ni Kuya.

Napahawak naman ako sa braso niya dahil medyo di pa din ako makarecover doon sa pumasok sa isip ko.

Tumabi naman saakin yung kasintahan ni Kuya. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Pasensya na talaga Bea." ngiting sabi ni Ate Jiyel. Tipid akong ngumiti.

"Ah, medyo sumama kasi ang pakiramdam ni Bea, kailangan niya ng magpahinga." sabi ni Kuya Yael. At hinawakan ang braso ko atsaka tumayo.

Pagkapasok namin sa kwarto ko ay umupo na ako sa kama ko. Gawa sa kahoy ang kama ko at may nakalatag na sapin sa ibabaw nito.

"Ayos ka na ba? Sana pala sinamahan na kita rito. Ano bang nangyari sayo kanina? Sabi ni Edo Mon. Hindi ka naman daw naabutan ng itak niya. Pero kanina nakahawak ka sa ulo mo at parang nanghihina. Kumikirot ang sugat mo? " sabi saakin ni Kuya Yael at umupo sa tabi ko.

"Kuya, ako ang gustong makaalala. Pero bakit ganun? Kailangan kong magdusa ng ganito para lang maalala ko lahat." naiiyak na sabi ko.

Tinap naman ni Kuya ang likod ko. Hinawakan naman niya ang gilid ng noo ko tsaka niya inilagay sa balikat niya.

"Shh, narito si Kuya. Basta ang mahalaga ay makaalala ka. Ha! Wag kang mag-alala. Poprotektahan kita." sabi ni Kuya Yael.
Ngiti naman akong tumango.

"O siya sige na, mahiga ka at magpahinga. Kukuha lang ako ng tubig ah." ngiting sabi niya kaya tumango ako. Paglabas ni Kuya ay sinara niya ang pintuan ko.

Napatingin naman ako sa kisame tsaka huminga ng malalim. Pinikit ko ang mata ko at nakaramdam na ng antok.
-
-
-

"Bea?" rinig kong sabi ni Aka. At mahinang tinatapik ang braso ko. Napadilat ako at nakita ko si Aka na nakatingin saakin.
Dahan dahan akong tumayo at sumandal sa may head board ng kama.

"Sabi ni Yael ay sumakit daw ang ulo mo. Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?" tanong saakin ni Aka. Ngiti naman akong tumango.

"halika sa may Ilog. Papaliguan ko ang buhok mo para na din magamot ko na ulit ang sugat sa ulo mo." sabi ni Aka.

Tumayo naman ako at sumunod sakanya.
Paglabas namin ay nag-uusap sa labas si Ate Jiyel tsaka si Kuya Yael. Nang makita nila kami ay nilapitan nila kami.

"Bea? Pagpasensyahan mo na talaga kami ah. Nasabi ko kay Tata na may kasamang babae si Yael kahapon ng umaga kaya naman nakaramdam ng galit si Ama. Pero pagpasenyahan mo na dahil ayaw niya lang akong masaktan kaya siya naging ganun." sabi ni Ate Jiyel tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Wala na po yun. Medyo maayos naman na po ako. Sige po aalis na po kami ni Aka." sabi ko at nagpaalam na.

"Mag-iingat kayo ni Aka ah." sabi pa ni kuya Yael. Tumango akong nakangiti.

"Opo!" sabi ko at kinuha ang kamay ni Aka at inangkla ko yun sa braso ko.

Si Aka naman ay dala ang Bilao na may mga halamang gamot at tela. Ayaw niyang ipabitbit saakin yun eh. Baka daw mawalan ng bisa kapag binitbit ko iyon. Grabe!! Ang harsh talaga ng mga tao ngayon.

Pagkadating namin sa may ilog ay pinaupo na ako ni Aka sa may batuhan sa tabi ng tubig sa ilog.

"Dahan dahan lang po Aka ah. Kasi po baka masaktan ako." natatawang sabi ko.

"o sige sige, halina at tumalikod ka para mapaliguan ko ang buhok mo." sabi ni Aka. Tinaggal naman niya ang pagkakatali ng buhok ko.

Naramdaman kong hindi pa iginagalaw ni Aka ang buhok ko kaya napatingin na ako sakanya. Nakatitig siya sa buhok ko. Napatingin naman siya saakin at nagsalita.

"Iha? Bakit may mga hibla ka ng buhok na kulay asul?" sabi ni Aka.

Kaya nilagay ko ang buhok ko sa harap ko at napansin ang ilang mga hibla na kulay asul.
"Wala po akong maalala. O baka po ipinanganak na akong ganito ang buhok." tanging sinabi ko.

"Ngunit hindi mo ba alam na? Ang mga may ganitong buhok ang itinakda?" tanong saakin ni Aka. Taka pa din akong tumingin sakanya. Napabuntong hinga na lang siya.

"oo nga pala. Wala ka palang maalala sa ngayon." dagdag pa niya.

Tumingin na ulit ako sa may harapan ko.
Mey tela na ibinalot sa balikat ko hanggang sa likod para di mabasa ang damit ko.

Inumpasahan na ni Aka na paliguan ang buhok ko. Nilagyan niya ng coconut oil ang buhok ko na may amoy na mabango.
Pagkatapos niyang paliguan ang buhok ko ay nilagyan niya ng halamang gamot ang sugat ko sa ulo tsaka naman nilagyan ng tela paikot sa ulo ko.

"Maghintay muna tayong matuyo ang buhok mo. Tsaka Bea, wag mong ipapakita ang buhok mo sa iba. Ilalagay mo ito sa ulo mo palagi ah. Nagkakaintindihan ba tayo?" sabi ni Aka tsaka inabot saakin yung tela.

"Salamat po Aka, pangako po hindi ko po ipapakita ang Buhok ko sa iba." ngiting sabi ko.

"pati kay Yael, alam niya ang tungkol sa mga itinakda base sa kulay ng buhok. Alam kong makapangyarihan ka dahil iba na ang naramdaman ko nung nahawakan ko ang kamay mo." paliwanag niya saakin.

Kapangyarihan? Mga super powers? Darna? Super woman? Grabe ang gulo! Paanong magkakaroon ako ng kapangyarihan?

Maya maya ay inipitan ni Aka ang buhok ko. Papusod iyon at  nilagay na ni Aka ang tela sa ulo ko at pinaikot iyon sa leeg ko at sa batok para di mahulog. Pagkatapos ay bumalik na kami sa bahay.

"Hay nako! Dumating din kayo sa wakas." sabi ni Kuya Yael. Naabutan namin siyang nakahiga sa may upuan sa sala.

"Grabe ka namang manabik na makita ang nakababata mong kapatid, Yael." napapailing na sabi ni Aka. Kaya natawa kami ni Kuya Yael. Dumeretso na si Aka sa kusina. Nilapitan naman ako ni Kuya Yael.

"Gusto daw makipagkilala sayo ng ate Jiyel mo. Kaibiganin mo siya at wag kang mahiya ah." sabi ni Kuya. Ngumiti na lang ako.

Pumunta muna ako sa kwarto ko. Medyo di pa pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Aka kanina. Itinakda dahil sa kulay ng buhok? Maraming kulay nito sa salon eh! Edi kapag nagpakulay sila ng buhok makapangyarihan na din sila?

Aish naman! Tapos ano?! Makapangyarihan daw ako? Paano? Kailan pa? Bakit di ko magamit at di ko maalala. Hays naman! Ang sakit sa ulo isipin! Gosh!

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 495K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
89.2K 5.5K 37
Aice Figuera was a successful businesswoman in which created a sea of people that both admired and envied her. Amongst them even wanted her out of th...
38.2K 2.1K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
76.1K 3.3K 60
The nerd died at nagkatotoo ang hiling nito na maging maganda at sikat pero hindi niya inasahang napunta siya sa katawan nang isang babaeng tinatawag...