WALUMPUT DALAWA

332 26 5
                                    

Chapter 82:

Bea's P.O.V.

"Kuya Yael?" bulong ko sa sarili ko nang makita ko siyang buhat si Baby Ariella. Nakaupo siya sa Sofa habang kalong ang anak ni Ate.

"Sige na Baby Bunso sabihin mo na please." saad ni Kuya nang makalapit sa akin.

Napatingin naman sa amin si Kuya Yael.

"Tol!" ngiting saad nung lalaking kamukha ni Kuya Yael.

"Oh! Nandito ka na pala." saad ni Kuya Blakeson at lumapit sa kanila.

"Minadali ko na yung trabaho eh para makauwi na dito." ngiting saad nung lalaki. Napatingin naman siya sa akin bigla kaya naestatwa ako.

"Hello." ngiting saad niya sa akin.

"Ah Hello po." saad ko.

"Ikaw si Beatrice 'di ba? Ikaw yung bunso nila Bianca at Blake?"

"Opo, nice to meet you po." saad ko.

"Btw, I'm Yohan Migz Chua. Your Ate Bianca's Hubby." ngiting saad niya at parang proud pang sabihin ang word na Bianca's Hubby.

Pero teka?! Asawa ni Ate? Ibig sabihin ang Ate Beryl ko at si Kuya Yael ay nagkatuluyan dito? Ibig sabihin rin ay walang Ellio na nag exist? As in kanilang anak si Baby Ariella? As in si Ate Beryl sa libro na si Ate Bianca dito atsaka si Kuya Yael sa libro na si Kuya Yosh dito sa mundong ito ay nagkatuluyan?

Oo nga pala ikinasal nga pala sila sa libro at inako ni Kuya Yael ang responsibilidad niya kay Baby Avery sa libro.

Oh My Gosh! I'm happy for them!

Si Kuya Blaster at si Trely ang naunang ikinasal sa libro. Pero dito sa mundong ito ay nauna si Ate. Totoo nga ang sinabi ni Mother Fairy. Sila pa rin ang karakter pero may mga nagbagong pangyayari na.

"Ahh ikaw po pala ang asawa ni Ate. Nice to meet you po ulit." ngiting saad ko.

"Tara dito maupo ka." pag-anyaya niya. Tumango naman ako at umupo sa tapat nila.

"Bea ah, sabihin mo sa akin lahat ah." pangungulit ni Kuya.

"AYOKO! Kuya ang kulit. Magkaibigan na nga kami ni Ate Trina 'di ba? Ayaw kong maging traitor." saad ko.

"Kahit sabihin mo lang ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin." saad ni Kuya. Nagpalipat lipat ng tingin ni Kuya Yohan sa amin ni Kuya Blake.

"It's Private!" saad ko at tumayo.

"Baby Bunso naman. Please kating kati na akong malaman eh." saad ni Kuya Blake.

"Sorry po ah. Aakyat na po ako para magbihis." paalam ko kay Kuya Yohan.

"Sige." ngiting saad ni Kuya Yohan habang hinehele ang anak niya.

"Kuya mo ako 'di ba? Dapat ang magkapatid ay nagtutulungan. Sige na please. Hindi na kita kukulitin after nito." pangungulit pa rin ni Kuya. Sinusundan niya ako hanggang sa pag-akyat.

Nang makarating na kami sa labas ng kwarto ko ay hinarap ko siya.

"Kuya, ang mga ganyang topic ay dapat mong malaman mula kay Ate Trina. Hindi sa akin. Tanungin mo siya ng Why?! Why did you leave? What is the reason? Mga ganon." saad ko at binuksan ang pinto at sinara agad pagkapasok ko.

Nagbihis na agad ako at nahiga saglit. Medyo pagod rin ako ah.

Kinagabihan ay sabay sabay kaming nag dinner. Kitang kita ko pa ang lambingan nila Ate Bianca at Kuya Yohan sa harapan namin.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWo Geschichten leben. Entdecke jetzt