IKA-SIYAM NA KABANATA

1.6K 103 7
                                    

Chapter 9:

Bea's P.O.V.

"Hoy ikaw Blesi! Napaka pilya mo ah! Ano yung nabalitaan kong pumunta ka daw sa bayan niyo sa Laserya at hinabol ka ng lalaki na may dalang itak?" kunot-noo na sabi ni Jedi.

Kaya nabaling ang tingin sa'kin nung dalawa.

"Eh nabagot kasi ako sa palasyo kaya naisipan kong pumunta doon." sabi ko.

Ikuwento ko na din kaya ang nangyari sa'kin kasama yung man with hood na nagligtas sa'kin?

"Ano ka ba Blesi! Pasaway ka!" sabi ni Trely.

Pumunta si Trely sa tabi ni Jedi na nakaupo sa kama niya si Harelya naman ay sa tabi ko.

"Tsaka may nagligtas naman sa'kin eh."

"Waahhh sino? Lalaki ba o babae?" tanong ni Harelya.

"Ano ka ba Relya? Malamang lalaki yun. Wala namang babae ang malakas ang loob na itaya ang kaniyang buhay." sabi ni Jedi.

"Oo tama nga si Jedi, hindi babae kundi lalaki." sabi ko.

At tumili naman silang tatlo.

Kinilig sila doon?

"Ano pang nangyari? paano ka niligtas? gwapo ba? prinsipe ba?" sunod-sunod na tanong ni Trely.

"Saang pamilya siya galing?" tanong naman ni Jedi.

"Nagpakilala ba sayo? anong pangalan?" tanong ni Harelya.

Nasapo ko naman ang noo ko dahil sa mga tanong nila.

"Hinila niya ako sa may eskinita para hindi kami makita nung lalaking may itak tapos ano..." yuko kong sabi.

Sasabihin ko bang nahalikan ko siya?

"Tapos ano?!" sabay nilang tanong.

"Nawalan ako ng balanse at hinapit niya ako sa baywang para di ako mahulog tapos ano..." putol ko ding sabi.

"Tapos ano?!" sabay ulit nilang sabi.

"Pagkaangat niya sa'kin ay n-nahalikan ko siya." mahina kong sabi at yumuko.

Pero wala akong narinig na response kaya umangat ako ng tingin sakanilang tatlo.

Nakanganga sila at di makapaniwala.

"Waaahhhhhh!!!!" pagtili nila.

"Anong pangalan niya?! Saang palasyo siya galing? sabihin mo sa'min nang maikasal na kayo!" sabi ni Jedi.

Si Trely naman at Harelya ay talon ng talon sa sobrang kilig.

Anong problema nila?

"Ano ka ba hindi naman sinasadya yun, kung hindi niya ako hinila edi sana hindi nangyari yun." sabi ko habang kamot ang batok ko sa sobrang hiya sa tatlong ito.

"Kahit na Blesi! Kapag nalaman to ng Hari ng Laserya sigurado ipapahanap yung lalaking yun para maikasal ka." sabi ni Trely habang hawak ang kamay ko sa kaliwa si Jedi naman ay hawak ako sa kanang kamay at si Harelya naman ay hawak ang dalawa kong balikat.

Parang mga sira 'tong tatlo.

"Atin-atin lang to! Huwag niyong ipagsasabi sa iba! Dahil kapag nalaman to ni Lomord ay baka magalit yun at kumalat pa! Mamaya kung ano-anong tanungin nun sa'kin." sabi ko sa kanila at sumandal na sa headboard ng kama ko.

"Okay sige sabi mo eh basta kapag nakita mo ang lalaking yun sabihin mo lang sa'min ah!" tuwang-tuwa na sabi ni Harelya.

Kawawang Harelya nahawa sa kalokohan ng dalawang to pero ayos na din dahil nakikisama na siya at hindi na gaya dati na sobrang mahiyain at mahinhin.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWo Geschichten leben. Entdecke jetzt