WALUMPUT PITO

317 15 1
                                    

Chapter 87:

Jessica and Theo

Bea's P.O.V.

Sunday nanaman ngayon at walang pasok. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Parang gutom ako.

Lumabas ako ng kwarto ko at hinanap si Kuya.

Oo nga pala, wala na rito si Ate Trina. Hinanapan na namin siya ni Hanna kahapon ng matitirhan niya at masasabi kong ang ganda nung nahanap namin.

"Kuya, pengeng brownies!" sigaw ko habang naglakad palapit sa hagdan. May niluto nga pala si Manang kanina na brownies.

"Nandito na si Bianca sa Pilipinas. Pumasyal lang sila." Rinig kong saad ni Kuya. May bisita ba si Kuya?

Bumaba ako at hinanap si Kuya. 

"Kadiri ka naman, Theo! Ikaw ba ang naglilinis ng bahay namin?" inis na saad ni Kuya. May kausap ba si Kuya?

"Kuya, may brownies pa?" tanong ko ulit.

"Nasa kusina. Madami pa. Kakagawa lang nila." saad ni Kuya Blake Blake. Napatingin si kuya sa lalaki na nasa likod niya.

"Oo nga pala, siya yung kapatid ko na sinasabi ko sa'yo noon." pakilala ni Kuya sa akin. Nagulat ako sa nakita ko.

Si Treoll! Si Treoll nga! Kaibigan pa rin pala siya ni Kuya rito. Kapatid pa rin ba niya si Lomord dito? Magkapatid kaya sila ni Lance?

"May kapatid kang maganda?" gulat na tanong niya.

"Oo Dalawa!" sigaw ni Ate Bianca. Kakapasok niya lang at bitbit si Baby Ariella.

"Biancs!" saad ni Treoll at napatayo pa. Ano ba ang pangalan niya rito?

"Hey Ugly Creature! Why are you here?" pagtataray ni Ate Bianca.

"What? Ugly Creature? Sino kaya ang mas ugly sa ating dalawa?" saad naman ni Treoll.

"Huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang asawa ko, Guzman." saad ni Kuya Yohan na kakagaling lang sa labas. May dala pang susi ng kotse.

Napatingin ulit sa akin si Treoll. Nakatingin lang ako sa kaniya at nanatili ang gulat sa mukha ko. Hindi ko akalain na makikita ko siya rito.

"Hello, I'm Theo. Your Brother's Friend." saad niya. Ah siya si Theo!

"Ahh Hello, I'm Beatrice." saad ko Nag-alok pa siya ng shake hands pero hinampas lang ni Kuya Blake ang kamay niya.

"Sa kusina lang ako ah." saad ko ulit. Ngiti naman siyang tumango.

After a months ay naghahanda na kami para sa kaarawan ni Baby Ariella.

Gosh! Nakakapagod kaya dahil unang pamangkin siya, unang apo at unang anak. Pero sulit naman kapag nahandaan namin si Baby Ariella. Sana naman paglaki niya ay maging kagaya ko siya na bookworm. Kung sakaling magkakaanak ako ay gusto kong ipamana sa anak ko ang lahat ng libro ko.

"Ayan, dyan. Sige sige taas pa. Ayan perfect!" masayang saad ni Ate. Sobrang busy namin lalo na syempre si Ate.

Nakita ko pa si Kuya Blake tsaka si Kuya Yohan naglalaro ng online games.

"Ang ganda ba? Ako ang nakaisip ng theme." ngiting saad sa akin ni Ate.

"Mas maganda ka po." natatawang saad ko.

"Ay thank you." ngiting saad niya. Inilagay pa sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok niya.

"Nandito na po si Miss Trina." saad ni Gia.  Pumasok naman si Ate Trina at ngiting lumapit si Ate Trina kay Ate at binigay ang regalo.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now