DALAWAMPUT ISA

803 54 4
                                    

Chapter 21

Bea's P.O.V.

"Ate? Bakit parang matamlay ka?" tanong ko kay Ate Beryl.

Napatingin naman siya saakin at ngumiti.

"Wala ito mahal kong kapatid." ngiting sabi niya.

Nag-aalala pa din ako sakanya.

Bigla namang pumagitna saamin si Kuya Blast.

"Himala ata at di mo ako inaasar ngayon, Beryl." natatawang sabi ni Kuya Blast at nakaakbay pa saakin.

Tinignan lang siya ni ate at ngumiti. Iniwan naman kami ni Ate para puntahan ang mahal niyang kasintahan.

"Anong problema nun?" tanong saakin ni Kuya.

Napakibit balikat na lang ako kasi kahit ako hindi ko din alam.

Narito kami sa may pagtitipon sa kabilang isla.

Nakita ko naman si Trely na kasama ang kaniyang kapatid.

"Trely!" tawag ko dito.

Ngiti siyang lumapit saakin.

"Blesi! Hinihintay ka namin nila Jedi. Nagpasama ako kay kuya upang hanapin ka." ngiting sabi niya.

Nagbatian naman yung kuya niya tsaka kuya ko.

Tinignan ko naman si Trely na sumusulyap kay Kuya.

"Trely, nasaan sila Relya?" tanong ko.

Ngiti naman siyang tumingin saakin.

"a-ah ano, g-gusto mo hanapin natin si Prince Treoll para makita ni Jedi?"

"eh? Hayaan mo siyang maghanap. Buhay pag-ibig naman niya yun." natatawang sabi ko.

"Ikaw talaga!" sabi ni Trely.

Hinatak ko na siya para makaalis na sa pwesto namin. Hindi na ako nagpaalam kay kuya kasi alam naman niyang kasama ko si Trely eh.

Nakita ko naman si Relya na nakikipag-asaran kay Juno.

"Blesi! Inaaway ako ni Juno." sabi ni Relya nang makalapit saamin.

"bakit daw?" tanong ko.

"Nalaman kasi niya na... Na may pagtingin ako sa bunsong prinsipe ng mga Kertuwa." sabi niya sakin at kumapit pa sa braso ko.

"Kaya pala ah." natatawang sabi ni Juno.

Sinamaan ko naman siya ng tingin kunwari.

"Ikaw nga eh! Di ka gusto ng taong gusto mo!" sabi ni Relya kaya napatigil si Juno sa pagtawa.

Sumulyap pa saakin si Juno at tumingin kay Relya.

"Eh ano naman?" sabi ni Juno "akala mo naman gusto ka din ng taong gusto mo." sabi ni Juno at tinawanan ulit si Relya.

"Eh ano rin naman?" sabi ni Relya at parang wala ng masabi.

"Hahahaha. Oh! Lomord!" natatawang tawag ni Juno kay Lomord.

Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Relya at sinamaan ng tingin si Juno.

"Narito pala kayo!" tuwang tuwa na sabi ni Lomord.

"Hindi! Wala kami dito. Imahinasyon mo lang kami." sabi ni Juno kay Lomord.

Lumapit naman si Lomord kay Juno at kunwaring sinasakal gamit ang braso.

Tinawanan na lang namin sila.

"Jedi! Inubos mo na ang pagkain sa mesa! Ang takaw mo talaga! Kaya pala nananahimik ka dyan!" sabi ni Trely at nilapitan si Jedi at hinampas ng mahina.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang