LIMAMPUT DALAWA

442 36 0
                                    

Chapter 52

Bea's P.O.V.

"Lomord!" agad na tawag ko sakanya pagkarating namin sa palasyo nila.

Kita ko naman ang luha na pinipigilan niya kaya niyakap ko siya kaagad. Agad namang bumuhos ang luha niya at nagsimula na siyang umiyak.

"Blesi!" tawag niya saakin habang nakayakap siya saakin.

"shh, ayos lang yan. Umiyak ka lang."

"Di ko matanggap. Di ko kaya. Di ko kaya na mawala na sila." pag iiyak niya naman. Buti na lang nasa likod kami ng palasyo nila kung saan yung tree house niya. Alam kong dito siya agad pumupunta kapag umuuwi sila dito sa palasyo.

"paano na yan? Ayaw kong maging Hari si Kuya Ellio ng palasyo namin." saad niya nung pagkalas na ng yakap namin.

"wala tayong magagawa." saad ko sakanya. "Ayaw mo ba ditong tumira? Ayaw mong maging Heneral din?"

"Ayaw kong maging Heneral niya. Ayaw ko siyang pagsilbihan." seryoso na siya ngayon pero may mga luha pa din sa mukha niya kaya pinunasan ko iyon.

"Pero hindi ka na dito titira kung ayaw mo siyang pagsilbihan diba?" tanong ko.

"Wala akong pake. Ayaw ko sakanya. Kung si Kuya Treoll ang magiging Hari ay ayos lang sa akin. Ngunit kung si Kuya Ellio ay ayaw ko dahil alam kong masama siyang tao. Makasarili siya. Hindi siya karapat dapat sa pwesto na iyon." masama siyang tumingin sa unahan niya.

Galit talaga siya sa Kuya niya.

"Pero kung para kay Ate Beryl ay tatanggapin ko na sila ang magiging Hari at Reyna." saad niya at tumingin saakin.

Edi pwede ng pakasalan ni Prince Ellio si Ate kahit nagdadalang tao siya?

"Maraming salamat at iniisip mo pa din ang kapakanan ni Ate." ngiting saad ko sakanya.

"tinuring kitang kapatid kaya ituturing ko na rin siya na isa kong kapatid kahit di pa sila ikinakasal ni Kuya Ellio." saad niya saakin.

Ngumiti naman ako sakanya at niyakap ulit siya.

Buti na lang pinayagan na kaming pumunta dito. Ang mga malalapit sa pamilya ng Kertuwa ang maaari munang dumalo dito. Sa Sabado ay ang araw ng libing ng Hari at Reyna ng Kertuwa. Sa Linggo naman ang coronation day. Araw ng pagpatong ng korona at pag upo sa trono ng bagong Hari na panganay ng Kertuwa. At hindi ko alam kung anong mararamdaman ng iba tulad ni Treoll at Lomord sa araw na yun.

KINABUKASAN ay sumama ulit ako para sa paghahanda ng libing ng dating Hari at Reyna. Para na din makasama ko si Lomord dahil ako na lang ang sandigan niya sa mga oras na to.

"Blesi," ngiting saad ni Treoll.

" Prince Treoll, " saad ko din pagkalapit niya. Binigyan niya naman ako ng tsaa.

"maraming salamat." saad ko at tinaggap ang tsaa.

"Salamat sa pagdamay sa kapatid ko ah. Alam mo namang hindi ako malapit sakanya dahil bata pa lang siya ay sinasama na siya nila Ama at Ina sa iba't ibang isla kaya ako naiiwan kasama si Kuya Ellio. Hindi rin naman kami malapit ni Kuya Ellio kaya nagkaroon ako ng kaibigan sa labas ng palasyo. Sila Blast yun. Habang lumalaki naman kami at nagkakaisip na ay nagkaroon na rin ng ibang mga kaibigan si Lomord sa iba't ibang palasyo kaya hindi na rin kami binigyan ng pagkakataon na maging malapit sa isa't isa." saad ni Treoll. Naupo naman ako sa may sofa nila. Ganun din si Treoll.

"Pero diba nung namili kaming mga babae noon sa isang pamilihan ay kasama mo si Lomord?" ngiting saad ko.

"Pinilit kami ni Ina na mamili kaya ayun. Pero masaya akong nakasama si Mord. Mahal ko yung kapatid kong iyon kaso di ko lang pinapahalata." ngiting saad niya.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now