DALAWAMPUT SIYAM

592 42 0
                                    

Chapter 29

Bea/Blesi's P.O.V.

Pangatlong araw... Pangatlong araw ko na ritong nagkaroon ng malay. At wala paring maalala... Ako ay gulong gulo na...

"Bea! Narito si Jiyel! Nais kang makita!" rinig kong sigaw ni Aka.

For sure. Naghahanap nanaman ng panggatong si Kuya sa gubat.

Paglabas ko ay nakita ko si Ate na may dalang basket na may lamang prutas.

"Magandang araw Bea!" ngiting sabi niya saakin.

"Bakit po kayo naparito? At bakit niyo po ako nais makita?" tanong ko.

"Ano ka ba! Syempre bumabawi sayo. Malaki ang naging takot mo kay Tata kaya pagpasensyahan mo na. Gusto rin kitang maging kaibigan. Kahit na medyo masungit ka alam ko namang mabait ka eh." ngiting sabi niya.

Waahhh! Ako?! Mukhang masungit?! Kapag ba mukhang masungit maganda? Tanong ko lang.

Kinuha ko naman ang basket sa kamay niya at inilagay iyon sa mesa.

Hinawakan ko namang ang kamay niya para anyayahan umupo.

"syempre naman! Gusto kitang maging kaibigan. Medyo may nararamdaman lang ako kahapon kaya di ko kayo nakausap ng maayos. Pero sabihin mo na din sa iyong Ama na wala siyang dapat ikabahala dahil walang kaso saakin yun." ngiting sabi ko.

"Ang bait bait mo talaga! Sabi ko na nga ba eh." ngiting sabi niya.

"Ay teka. Ikuwento mo saakin ang tagpo niyo ng aking Kuya." ngiting sabi ko.

"Masyadong masungit ang kuya mo at hindi namamansin. Kaya sinungitan ko din siya noon dahil nakakainis talaga ang ugali niya." naiinis niyang saad. " Pero naging magkaibigan din kami dahil sa aking pinsan na si Digu. Nagkasundo kami na hindi na mag-aaway edi pumayag ako. Hindi naman ako masyadong masama para di pagbigyan ang hiling niya. Tapos makalipas ang ilang araw umamin siya saakin. Nalaman kong nagpatulong siya kay Di. Mga ilang buwan niya akong niligawan. Kinausap niya rin si Ama tungkol sa panliligaw niya saakin. Kahit labag sa kalooban ni Ama ay pumayag siya. Tapos ilang buwan nun ay sinagot ko na siya. Lagi na kaming nagtatagpo doon malapit sa may sapa." ngiting sabi niya.

Wow! Gaya nga ng sabi nila ' The more you hate, The more you love' naiinis si Ate Jiyel nung una kay Kuya Yael tapos nagka-ibigan na din. Sana lahat!!!

Maya maya ay dumating si Kuya Yael.

"Oh, Jiyel mahal, narito ka pala." ngiting saad ni Kuya kay Ate Jiyel.

Tumayo naman si Ate para salubungin ng yakap si Kuya. Ay nagpapainggit?

"Oo aking mahal, binisita ko din si Bea. Diba nga gusto ko siyang maging kaibigan?" ngiting saad ni Ate Jiyel.

"Hmm, mainam yan. O sige, tutulungan ko muna si Aka na magluto ah." ngiting sabi ni Kuya. "Bea, mag-usap lang kayo ng ate Jiyel mo ah." ngiting saad ni Kuya. Ngiti naman akong tumango.

Pagkaalis ni Kuya ay niyaya ako ni ate Jiyel na lumabas muna. Pumunta kami sa may likod ng bahay nila Aka.

"Alam mo? Akala ko talaga ibang babae ka ni Yael eh. Paumanhin talaga." natatawang sabi niya.

"Ibang babae ni Kuya? Eh bakit naman po?" tanong ko.

"ah sa totoo lang naiinggit talaga ako sayo. Ang ganda ganda mo. Tapos narinig ko pa sa iba na dahil gwapo si Yael eh, bagay daw kayo. Hindi nila alam. Hindi ko alam na kapatid ka pala niya." sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Tsaka kahit hindi kami magkapatid, alam ko naman na ikaw ang gustong gusto niya. At ikaw lang ang mamahalin niya." ngiting sabi ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKDove le storie prendono vita. Scoprilo ora