WALUMPUT SIYAM

296 16 1
                                    

Chapter 89:

Marry me, Please.

Bea's P.O.V.

"Bea! Anong nangyayari sa'yo?? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Ate Trina nang makita niya ako na umiiyak.

Lumapit naman si Jess sa amin.

"Nilinisan mo pala yung litrato ng lola ko." ngiting saad ni Jessica at kinuha ang litrato sa kamay ko. Nakangiti lang siyang nakatitig dito.

"Lola mo siya?" tanong ko.

Tumingin naman sa akin si Jess at nawala ang ngiti niya nang makita akong umiiyak.

"Lola ko siya. Bea, bakit ka umiiyak?" tanong ni Jess.

Umiling ako.

"Napuwing lang ako sa alikabok." saad ko habang pinupunasan ang luha ko.

Tumunog naman ang cellphone ni Ate Trina at sinagot ito.

"Hello Blake." ngiting saad ni Ate Trina. Tumingin naman sa'kin si Ate Trina kaya nagtaka ako. "Oo kasama ko siya. Hindi ba siya nagpaalam?" Kinabahan naman ako sa tingin ni Ate.

"Oo sige, pauuwiin ko na. Nagpasama kasi ako sa kaniya. Babye." saad ni Ate Trina. "I love you too."

Pagkababa ng tawag ay masamang tumingin sa akin si Ate Trina.

"Saan ka galing kanina? At bakit hindi ka nagpaalam sa Kuya mo?"

"Nakalimutan ko po eh." nahihiyang saad ko.

"So saan ka nga pumunta kanina? Anong ginagawa mo sa Parke kanina?"

"Ah ano..."

Ano bang sasabihin ko?

"Namasyal." saad ko.

"Hindi ako naniniwala." saad ni Ate Trina.

"Mukhang nakipagkita siya sa boyfriend niya." Asaad ni Jessica kaya nagulat ako.

"Ano? Boyfriend? Alam ba 'to ng Kuya mo?" tanong ni Ate Trina.

Naiilang naman akong natawa.

"Jess naman. Hindi totoo yun. Wala akong boyfriend." natatawa kong saad.

"Marunong akong magbasa ng kilos ng tao." ngiting  saad niya. "At nabasa ko sa mga mata mo na nagsisinungaling ka nung sabihin mo ang salitang namasyal."

"Bea, sabihin mo na. Hindi ko sasabihin kay Blake." pangungumbinse ni Ate.

Hindi ako naniniwala na hindi niya sasabihin kay Kuya.

"Opo, may boyfriend ako at nakipagkita ako sa kaniya sa parke." saad ko. Mukhang hindi nila ako titigilan hanggat hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Sino?!" gulat na tanong ni Ate Trina.

"Si Deyzon." saad ni Jess kaya nabigla nanaman ako. Bakit ba alam niya lahat naiiyak tuloy ako.

"Deyzon? Yun ba yung Deyzon Alarcon?"

"oo yung hearthrob mula pa noong High School tayo."  saad ni Jess.

"Magkaaway ang Kuya mo atsaka si Alarcon hindi mo ba alam yun? Jinowa mo ang mortal na kaaway ng Kuya mo, Bea."

"Alam ko po, pero Ate mahal ko po siya. Pinapalayo ako ni Kuya sa kaniya. Pero hindi ko po kaya." saad ko.

"Tsaka Trina, nakikita ko sa mga mukha nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa."

"Kahit na! Paano kung nagpapanggap lang siya? Paano kung ginagamit ka lang niya para makaganti sa Kuya mo? Nag-aalala lang naman ako."

"Sorry po Ate, pero hindi ko nararamdaman na gumaganti si Deyzon. Opo galit siya sa Kuya ko pero mahal na mahal niya ako. Alam ko yun." saad ko.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon