KABANATA LABING LIMA

1.1K 71 20
                                    

Chapter 15

Bea/Blesi's P.O.V.

"Naging estudyante ko ang iyong mga magulang. Akala ko nga eh hindi sila ang magkakatuluyan pero tignan mo naman tatlo na ang kanilang mga anak." natatawang sabi ni Gurong Sara.

Pero ako, ito hanggang ngayon nagtataka pa din.

"P-pero paano po nangyaring umabot po kayo ng 421 years old?" takang tanong ko.

"Isa akong dugong Berde, ang mga dugong Berde ay may tsansang mabuhay ng mahaba. Depende na lang sayo kung paano ka mamamatay. Hindi kami isang ordinayong tao. Lahat ng mga Guro ay galing naman sa dugong Berde. Ang Presidente ng Academy na ito ay 813 years old na. Siya ang pinakamatanda sa amin." paliwanang niya.

Unti unti naman akong tumango.

Yung love story ng Parents ni Blesi.

"eh paano po nagkatuluyan yung mga magulang ni-- magulang namin!" ngiting sabi ko.

Muntikan ko ng masabi na magulang ni Blesi. Magtataka to si Gurong Sara kapag sinabi ko yun eh ako nga si Blesi.

Bigla naman siyang napangiti.

"Noong panahon na yun, hindi pa nahiwalay ang lalaki sa babae sa iisang klase. Bago pa lang ang iyong Ina sa paaralan na ito noon. Masyado pa siyang tahimik at mahiyain. Samantalang ang iyong ama naman ang pinaka magulo sa klase. Biniro din ang iyong ama noon ng kaniyang mga kaklase na siya ang maging pangulo ng kanilang klase." natatawang sabi ni Gurong Sara.

May pagka pilyo pala talaga ang Ama nila Blesi. Nagmana nga si Kuya Blast sakanya.

"tapos kakapasok palang ng iyong Ina noon ng biniro siya ng iyong ama na napaka pilyo. Nagulat nga ako noon ng kakapasok ko palang nasuntok ng iyong Ina ang iyong Ama." natatawang sabi ni gurong Sara.

Kahit ako napatawa na din.

"Nang makita ako ng iyong Ina ay nagpaliwanag siya agad kaya nalaman kong binibiro ng iyong Ama ang iyong Ina. Tinanong ko naman si George noon sabi naman niya ay nahumaling daw kasi siya sa ganda ng iyong Ina na si Fereilla." ngiting sabi pa niya.

"eh bakit daw po binibiro at ginagawan ng kalokohan ni Ama si Ina kung nagkakagusto na pala siya kay Inang Fer." tanong ko.

"Gusto niyang magpapansin pero mas hindi daw siya makapaniwala na sasapakin siya ni Fer HAHAHA." tawang tawa na sabi ni aking Guro.

Shems ang ganda ni Gurong Sara hindi halatang 421 years old shems! Kung lalaki lang ako matagal ko ng niligawan to! Pang miss Universe ang ganda jusme.

"Tapos po anong nangyari?" tanong ko.

Sarap tuloy isulat yung kuwento nila malamang sisikat yun HAHA.

"Nagpakilala siya sa harap ng klase namin."

Third person P.O.V.

Flashback

"Ako si Fereilla Rendel! Meron akong Tatlong kapangyarihan, at kapag inulit mo ang ginawa mo hindi lang yan ang aabutin mo!" matapang na sabi ni Fer.

Bigla namang ngumiti si George sa sinabi ni Fer sa harap ng klase nila.

'Ibang klase talaga ang babaeng ito' ani sa isip ni George.

"Fereilla? Sabi mo tatlo ang kapangyarihan mo? Maaari ko bang malaman kung ano ano iyon?" tanong ni Gurong Sara kay Fer.

Tumango naman si Fer sa sinabi ng kaniyang Guro.

"Fire Power, Hearing Power and Healing Power." sinabi niya sa harap ng klase.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now