WALUMPUT WALO

322 20 1
                                    

Chapter 88:

Vienna is back.

Bea's P.O.V.

"Ang hirap naman ng pinapahanda sa atin! 5 different kinds of food from different countries? Hibang na ba sila? At bukas na ito ipi-prepare? Hindi pa nga ako ready sa decision ko kung anong lulutuin eh tapos bukas agad?" reklamo ni Lei habang nakatingin sa Magazine.

Naghahanap siguro siya ng lulutuin niya para bukas. Ako nga din hindi pa nakakapag decide eh. 3 years na kami sa Larangan ng pagluluto pero hindi pa rin namin gamay ang makisabay sa kurso namin. Parang hirap na hirap pa rin kami susme.

"Huwag ka kasing puro daldal lang, Miss Nicolei. Uso rin ang gumawa ng paraan. Tignan mo si Bea. Chillax lang." saad ni Jackie. Ako nanaman ang dinamay nitong babaeng 'to.

"Problemado din ako, hindi lang ako nagreklamo." saad ko. Natawa pa tuloy si Jackie.

Nagulat ako sa hampas ni Frances sa tabi ko.

"Bakit ba?" nagtatakang tanong ko. Kanina pa kasi siya nakangiti at hinahampas ako.

"Bumalik na daw si Vienna! Oh my gosh! Lalo daw siyang gumanda." saad ni Frances habang nakatingin pa rin sa cellphone niya.

"Sino si Vienna?" tanong ko.

"Ay hindi ka ba dito nag Junior High School? Oo nga pala." saad ni Frances. "Basta! Si Vienna ang ka love team ni Deyzon Alarcon noong High School. Bagay na bagay sila!" kinikilig na saad ni Frances.

"Oo! Alam mo bang niligawan daw yan ni Deyzon noon kaso nabasted ni Miss Beauty dahil pupunta daw ito ng Spain!" saad naman ni Jackie.

"Hoy kayo chinichismis niyo sila. Ni hindi niyo pa nga alam ang buong story eh nanghuhusga ka na Jacks. Alam mo bang masama yun." sabi naman ni Lei.

"Edi ikaw na ang mabuting tao, Lei. Ikaw pa nga ang nagsabi sa amin eh." saad ni Frances habang nag iiscroll pa rin sa cellphone niya.

Medyo sumakit ang dibdib ko sa mga nalaman ko. Niligawan siya ni Deyzon noon? At sino 'tong Vienna na 'to? Aish! Sumasakit ulo ko.

"Hoy Bea, ayos ka lang ba dyan? Iniisip mo ba yung Activity natin bukas?" tanong ni Jackie. Umiling ako at kinuha na lang ang libro para magbasa.

"Back to normal na siya." kumento naman ni Frances. Wala akong maintindihan sa binabasa ko. Naguguluhan ako sa lahat ng nalaman ko.

Paano kung bumalik si Vienna? Tapos paano kung siya naman talaga ang totoong mahal ni Deyzon? Paano kung hiwalayan ako ni Deyzon at ligawan niya ulit si Vienna?

"Mabait ba si Vienna?" biglang tanong ko.

Napatingin tuloy sila sa aking tatlo. Nagkatinginan pa sila bago ulit tumingin sa akin na nagtataka.

"Ay oo! Sobrang bait niya. Noong nag organized ako noon ng event. May palpak na nangyari, napatid kasi ako noon sa may tent dapat na sisilungan kaya ayun bumagsak ang tent. Imbes na ako ang pagalitan niya dahil ang careless ko, pinagalitan niya yung mga ka members namin na tumatawa." saad ni Frances.

Talaga? Sobrang bait naman talaga niya. Kaya siguro siya gustong gusto nitong tatlo.

"Tapos meron pa! Yung nasugatan ako sa may alambre noong 2nd Year High School ako. Camping namin yun eh. Hinubad niya agad ang Jacket niya na mukhang limited edition. Alam ko Limited Edition yun eh. So yun na nga hinubad niya ang Jacket niya at kumuha ng gunting. Nagulat nga ako na may dala siya na gunting eh. Tapos gumupit siya doon tsaka binuhusan ang sugat ko ng bottled water niya tapos itinali sa akin ang tela na ginupit niya." saad ni Jackie.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ