APATNAPUT LIMA

493 37 1
                                    

Chapter 45

Bea/Blesi's P.O.V.

"maya maya ay umalis ka na ah. Madalas pumunta dito si Kuya sa silid ko." sabi ko sakanya.

Ngiti naman siyang tumingin saakin. Nakaupo kasi siya sa sofa ng kwarto ko at tumitingin tingin sa kabuuan. Ako naman ay nakaupo sa kama ko. Tumingin naman siya saakin na nakangiti.

"oh? Anong tingin yan?" natatawang tanong ko.

"Wala lang, Di ko rin akalain na napaamin ako sayo." natatawang saad niya. Natawa na din ako dahil medyo weird siya ngayon.
"psh, Pasalamat ka mabait ako at pinayagan kita." sabi ko habang naka crossed arm pa.

"Mabait ka lang ba talaga o sadyang may pagtingin ka para saakin?" ngiting sabi niya at ginaya ang postura ko na nakacrossed arm din. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinawanan ako.

"Hindi ko pa nakakausap sila Juno." biglang sabi ko sakanya.

"at bakit mo naman sila kakausapin?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Tungkol kay Kuya Yael." sabi ko.

"Pero tingin ko ay totoo naman ang pinapakita nila. Ramdam ko eh." sabi niya.

"ramdam ko din naman. Pero kasi alam mo yun? Gusto ko pa din sila tanungin at kausapin." sabi ko sakanya habang nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ko at naka indian sit pa ako.

"Hmm I think makakausap mo sila kapag nandoon na tayo sa Academy." sabi niya.
Nagulat ako ng dahan dahan siyang lumapit saakin.

"hoy! Anong gagawin mo?" tanong ko. Wala naman akong nararamdamang kasamaan na gagawin niya pero kinakabahan pa din ako.

"I want to see you closer." ngiting sabi niya habang lumalapit pa din siya.

Mas nadagdagan ang kaba ko ng yumuko siya at nilapit ng bahagya ang mukha niya sa mukha ko.

"G-Grabe naman yan! B-bakit ganyan kalapit?" kinakabahang tanong ko.

Gosh! Hinawakan niya ang pisngi ko. Unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko habang ako nakatitig sa mga mata niya at parang nilalamon ako.

Unti unti na din akong napapapikit dahil parang natutukso ako kasabay din nun ang bilis ng tibok ng mga puso ko.

Tok! Tok!

Bigla ko siyang tinulak papalayo nung may narinig akong katok.

"sino yan?!" sigaw ko.

"Samahan mo akong ipasyal si Beryl sa labas." sigaw ni Kuya. "anong ginagawa mo? Papasok ako!"

"wag!" sigaw ko.

"Bakit?!" sigaw ni Kuya.

"Ahh! N-nagbibihis ako Kuya!" sigaw ko at napatingin kay Drano.

"sige at hintayin na lang kita sa ibaba." sabi pa niya. Naramdaman ko namang umalis na si Kuya kaya tinulak ko na si Drano.

"umalis ka na!" mahinang sigaw ko.

"ano?! Yung halik!" sabi niya na parang nanghihinayang.

"Loko ka! Umalis ka na dito! Kapag di ka umalis di mo na ako makikita kahit kailan!" sabi ko kaya dali dali siyang pumunta sa may veranda ko. Sinundan ko naman siya hanggang sa may glass door.

"mag-iingat ka ha!" ngiting sabi ko at kumaway pa. Nagulat ako ng bumalik siya at mabilis na humalik sa pisngi ko. "ano ka ba!"

Natawa lang siya at mabilis na tumakbo at tumalon talon na parang ninja. Siraulong yun! Ninakawan pa ako ng halik sa pisngi.
Napailing na lang ako at di na maalis ang ngiti sa labi ko.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu