PITUMPUT SIYAM

321 21 0
                                    

Chapter 79:

Narrating the summary of second book of 'Nang makilala ka':

Pagkatapos madala ng mga kalalakihan si Prinsesa Blesi sa isla ng Doryo ay naging usap-usapan ito sa buong isla. Pagkadating sa Kaharian ng Laserya ay nanigas ang katawan ng Kasalukuyang Hari ng Laserya na si King George. Nanghina naman ang tuhod ng Reyna na si Queen Fer sa natuklasan.

"Anak ko! Anong nangyari sa anak ko?!" sigaw at pinaghihinagpis na sigaw ng Reyna.

Walang nakasagot at tanging mga hagulgol lang ang narinig sa buong kaharian. Kahit na ang mga tagapagsilbi ay nanahimik at hindi makapagsalita.

Inilapag ni Dark King Drano ang katawan ng kaniyang sinisinta sa sahig. Agad na lumapit si Queen Fer sa katawan ng anak at niyakap ito.

"Tumawag ng Manggagamot!" sigaw ng Hari. Agad na nataranta ang ilang mga tagapagsilbi para puntahan ang manggagamot. "Anong nangyari sa anak ko?! Sino ang pumatay sa kaniya?!"

"Anak gumising ka pakiusap. Anak ko! Blesi! Pakiusap anak gumising ka. Huwag mo kaming iwan!" umiiyak na sigaw ni Queen Fer.

"I-ina, nanganak na po si Beryl." saad ni Prinsipe Blaster sa kaniyang Ina. Hindi tulad kahapon ay hindi na umiiyak ngayon si Blaster.

Ipinaliwanag ni Blaster ang lahat sa kaniyang mga magulang at nakaramdam ng galit ang mag-asawa sa kanilang pangalawang anak kahit na ginawa ni Blesi iyon para sa anak ng kaniyang mahal na Ate.

Bumaba ang kapatid ni Queen Fer na si Tiya Aya upang malaman ang nangyari. Narinig niya mula sa nakalaan niyang silid ang mga ingay sa ibaba kaya agad itong lumabas upang malaman kung anong nangyari. Dahil sa mahinang karamdaman at pangangatawan nito ay nahirapan siyang bumaba at maglakad ng mabilis.

Nang sa wakas ay nakababa na siya ay nakita niya ang nangyari. Gulat siyang napatingin sa walang malay na katawan ni Blesi.

"B-blesi, Blesi aking pamangkin?" gulat pa rin na tanong ni Aya sa sarili.

"A-ate Fayra! Wala na ang anak ko. Ate! Wala na siya." umiiyak na lumapit si Fer sa kaniyang Ate.

Walang imik si Aya at hindi pa rin maproseso sa kaniyang utak ang mga nangyari sa paligid. Naramdaman na lang niya ang yakap ng kapatid kaya kusang tumulo ang luha niya at niyakap pabalik ang kaniyang kapatid. Sabay silang umiyak sa sinapit ni Blesi. Patago namang umiyak ang Hari habang iniisip pa rin ang nangyari sa kaniyang mahal na bunsong anak. Napayuko naman si Blaster kasama ang mga kaibigan nila. Si Drano ay pumikit habang pinipigilan ang luha niya na nagbabadya nanaman dahil sa iyak ng Tiya at Ina ng kaniyang minamahal.

Nagulat sila ng parang hinahabol ang hininga ni Fayra. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at parang hindi makahinga ng maayos. Nataranta sila dahil sa nangyari kay Fayra.

Pinauwi na muna kanina sila Lary, Willio, Yael at Drano sa kanilang mga Palasyo ngunit si Drano ay ayaw iwan si Blesi. Sa huli ay naiwan si Drano sa palasyo ng Laserya.

"Ate!" sigaw ni Fer nang tuluyan ng mawalan ng malay ang kaniyang Ate.

Pagkadating ng manggamot ay agad na sinuri ang nangyari kay Fayra ngunit wala na siyang marinig na kahit na anong pagtibok ng puso at alam niya sa sarili niyang hindi na mabibigyan ng lunas ito. Namatay na si Fayra sa sakit sa puso. Matagal na pala niya itong iniinda ngunit hindi niya iyon pinansin.

Sabay na ginawa ang prosesong pagpapalaya ng kaluluwa ni Blesi at ng kaniyang Tiya na si Fayra. Magkatabi silang inihiga sa may malawak na higaan na napapaligiran ng mga asul na bulaklak. Magkatabi silang inihiga at maya maya ay parehong susunugin ang kanilang mga katawan at pagkatapos ay ihahagis sa karagatan upang maging malayo ang paglalakbay ng kanilang kaluluwa. Labag man sa loob nila ay pinili nila iyon upang matiwasay na mapunta ang kanilang kaluluwa sa kabilang buhay. Yun ang isa sa mga paniniwala nila.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now