ISANGDAAN

389 15 0
                                    

Chapter 100:

BEA'S P.O.V.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw naming lahat matapos halikan ni Kuya Blake si Ate Trina sa labi. Sa wakas ay ikinasal na rin sila.

Hinanap ng mata ko si Deyd pero wala siya. Umalis ba siya? Kanina lang ay nandoon siya nakaupo sa pwesto namin.

"Oh magsipaghanda na at ihahagis na ang bulaklak!" rinig kong saad ng emcee na si Ate Bianca.

"1...2...3...!"

Hinanap pa ng paningin ko si Deyd sa buong Venue pero wala talaga siya.

"Congratulations, Hanna Grace Madrigal!" rinig kong saad kaya napalingon ako kay Hanna. Halata rin ang gulat sa mukha niya.

"Oh my gosh!" kinikilig na saad ni Hanna at nagtatalon-talon. Natawa tuloy ako sa reaksyon niya. Mukhang sobrang saya niya dahil nakuha niya ang bulaklak.

1 month na lang ay gagraduate na kami. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng panahon.

"At syempre magpeperform ang ating bida of the night na si Lance Villanueva!"

Nagpalakpakan naman at naghiyawan ang ilang mga bisita.

Naalala ko nanaman yung pinag-usapan sa Hospital noon.

Flashback:

"Hoy ngayon yung interview kay Lance! Ilipat mo yung channel!" sigaw ni Kuya Theo. Kadarating lang rin kasi nila kasama si Deyd. Tatlo silang sabay na dumating. Si Kuya Theo, Deyzon at si Kuya Trev. Nagsi-upuan sa lapag ang ilang mga lalaki. Si Hanna, Ate Bianca, Ate Trina at si Jessica ay nakaupo sa Sofa kaharap ng T.V. Inusog talaga yun ng mga boys. Si Deyd naman ay bahagyang nakahiga sa tabi ko pero ang paa niya ay nasa sahig. Bale nakaupo lang siya kanina pero sinandal na rin niya ang ulo niya sa ulo ko kaya naman mukha siyang nakahiga.

"Wow naman Theo!" sigaw ni Ate Trina.

Napangiti ako nang makita si Lance sa T.V. Grabe sikat na sikat talaga 'to.

Nabigla kami nang tumayo si Hanna at lumabas ng kwarto.

"Tss. Itong kapatid ko talaga oh." saad ni Hans nang makitang lumabas si Hanna.

"Oh bakit anong nangyari?" tanong ni Kuya Yohan.

"Hindi niya pa kasi alam na Guzman si Lance. Tss, grabe naman siya at tinodo niya talaga ang hindi paghahanap ng impormasyon sa mapapangasawa niya. Ayan nalaman kong may gusto pala siya kay Lance dahil palagi niya rin namang kasama dahil make-up artist siya ng kapatid nitong si Theo. Sabihin ko na kaya noh?" natatawang saad ni Hans.

"May gusto rin 'yang kapatid ko sa kapatid mo." natatawang saad ni Kuya Theo.

So tama nga talaga ang hula ko. Bukod sa magkapatid sila sa Fantasy World as Lomord at Treoll ay magkamukha sila.

"Tayong lahat ay alam natin samantalang si Hanna ay hindi? Bakit hindi niya alam? Tinaggap na ba talaga niya na ikakasal na siya pagkagraduate niya? At hanggang ngayon hindi pa rin niya alam na surname ng Mommy niyo Theo ang ginamit ni Lance bilang screen name?" tanong ni Ate Trina.

"Exactly!" saad ni Kuya Theo.

"Kaya nga iniiwasan niya at ayaw niyang makita si Lance dahil lumalalim na ang nararamdaman niya. Talagang tinaggap na niya na pakasalan yung ipapakasal sa kaniya pagka graduate without knowing na si Lance at ang fiancé niya ay iisa." natatawang saad ni Hans.

"So alam ba ni Lance na ikakasal siya sa nag-iisang babae ng mga Madrigal?" tanong ni Ate Trina.

"Hindi rin." natatawang saad ni Kuya Theo.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now