TATLUMPUT APAT

562 44 4
                                    

Chapter 34

Bea's P.O.V.

"A-ano? U-ulitin mo nga ang sinabi mo?" gulat niyang tanong.

"Aka Lera, nakakaalala na po ako." pag-uulit ko.

"kailan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi saakin?"

"nung isang araw ko lang po nalaman. Humahanap lang po ako ng tyempo. Kailangan ko pa po ng oras para matanggap na aalis na ako." pilit na ngiting sabi ko. Pinipigilan ang luha na nagbabadya na tumulong muli.
"Nagpadala ka ng sulat sa iyong mga magulang kanina?" Tumango lang ako.

"Alam na ba to nila Yael?"
"Hindi pa po. Kayo palang po ang sinabihan ko. Natatakot akong baka hindi ko tanggapin ang pag-alis dito. Pero di ko rin po pwedeng iwananan ang nga pamilya ko na naghihintay saakin sa palasyo." umiiyak na sabi ko. Di ko na napigilian ang pagluha kapag naalala kong iiwanan ko na sila.

Naluha na rin si Aka at niyakap ako. Dahan dahan niyang hinaplos ang likod ko para patahanin ako.

"Blesi po ang pangalan ko." Blesi po ang pangalan ko dito sa mundong ito. Pero Bea rin ang pangalan ko pero sa totoong mundo yun.

"Ikaw ang sinasabi ni Reilla na hinahanap niyang anak? Halata sakanya ang pag-aalala. Ihahatid na kita roon makalipas ang ilang araw. Baka may mangyari sakanila sa sobrang pag-aalala." tumango na lang ako sa sinabi ni Aka.

Kay Leya palang ako nagpapaalam. Hindi ko pa kayang magpaalam sa iba. Nung gabing yun ay puro iyak lang ako sa kwarto ko. Hinayaan na rin ako ni Aka na makapag-isip hanggang sa makatulog ako.
Nagising rin ako ng maaga. Lumabas ako ng bahay kasi tulog pa sila. Hindi na rin ako nagising.

Hindi ko alam kung nakarating na ba ang sulat na pinadala ko kila Inang Fer. Gusto kong ipaalam na ayos lang ako. At wag na silang mag-alala.

Pumunta ako sa hardin na lugar na pinag-usapan namin ni Aka kagabi. Maya maya ay dumating si Ate Ji na may dalang basket ng mga prutas. Nakita niya ako kaya lumapit siya saakin.

"Bea! Ang aga mong nagising ah." natatawang sabi niya at tumabi saakin.

"Ikinukuwento saakin ni Yael na tuwing umaga ay lagi ka daw niyang ginigising."
Natawa na lang ako sa sinabi niya dahil totoo naman.

"Gising na ba sila?" tanong ni Ate Ji.

"Di ko po sigurado eh. Kani kanina lang po ako nagising." sabi ko.

"Papasok ka na ba sainyo?" tanong niya.
Umiling lang ako. Dahil gusto ko lang ng peace of mind.

"Sige, iwan muna kita dito ay tignan ko muna ah." sabi niya kaya tumango ako.
Di ko pa naisipang pumasok sa loob.

Kanina pa pumasok si Ate Ji pero hinayaan ko na sila ni Kuya. Maya maya ay lumabas sila ni Kuya Yael. Pagkapaalam ni Ate Ji ay lumapit saakin si Kuya Yael.

"Ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Kuya.
Di ko alam kung maiiyak pa ako sa sinabi ni Kuya o hindi.

"Oo naman po! Ayos lang ako!" ngiting sabi ko.

Kuya, hindi po ako ayos.

"Himala at ang aga mong umalis ah!" natatawang sabi niya.

"Kuya, ilang araw na lang at aalis na ako." ngiting sabi ko. 'fake smile' Gulat siyang napatingin saakin.

"Ano?!"

"Ilang araw na lang po at aalis na ako dito." sabi ko at pinipigilan kong umiyak. Aaminin kong si Kuya Yael ang pinaka unang nagparamdam saakin dito na isa akong prinsesa. Si Kuya yung tipo ng masungit pero kapag nakilala mo na siya nagsusungit lang siya dahil ayaw niyang may masanay sakanya. Si Kuya yung Masungit pero sa loob loob niya ay may mabait siyang puso.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon