KABANATA LABING APAT

1.2K 75 18
                                    

Chapter 14

Bea/Blesi's P.O.V.

Nakaupo kami ngayon dito sa room namin.

Akala ko ba ngayon kami magsasanay? Excited pa naman ako.

"Kailangan niyo munang irelax ang sarili niyo. Huminga ng malalim at isipin ang mga bagay bagay. Hindi lalabas ang inyong kapangyarihan niyo kung Stress kayo." sabi ni ma'am at nag demo pa na nag iinhale at exhale.

Ito namang mga kaklase ko syempre ginaya din nila.

Ako naman wala sa mood kasi akala ko pupunta kami ng Power Arena.

Ang aga ko pang nagising dahil sa sobrang pananabik.

Pagkatapos ng araw bukas. Tsaka naman ako masusupend at babalik muna ako sa Palasyo namin.

Hindi kasi pwedeng tumambay sa dorm namin kung suspended ka!

"Princess Blesithea? May problema ba?" tanong ni Gurong Sara.

"Wala po." sabi ko na lang.

"Bakit hindi ka sumasama sa Demo namin?" tanong ni ma'am. " Hindi ka makakasama saamin sa Power Arena mamaya after lunch kung hindi ka sasama saamin sa demo na ito." kunot noong saad ni ma'am.

Edi syempre ako narinig ko yung Power Arena kaya nag inhale at exhale ako mag-isa.

Hindi naman kasi sinabi agad eh!

Parang stretching lang ginagawa namin eh tapos pumikit kami ng matagal tapos nag iimagine ganern ganern anong pakulo to?

Pero syempre ako dakilang pasaway, sinisilip ko yung mga nakapikit kong kaklase.

Parang meditation ang ginagawa namin ganun.

Tumunog na yung bell kaya dali dali akong tumakbo palabas.

Kailangan kong kumain ng marami para magka energy mamaya.

Naunahan ko pa nga si Gurong Sara lumabas eh. I'm sure pagsasabihan ako nun mamaya.

Syempre nakakaexcite kaya.

Paglabas ko ng hallway nakaabang yung dalawa.

Si Juno tapos si Lomord na ang sama ng tingin sa isa't isa.

Oh napano nanaman tong dalawa.

"Oy!" tawag ko sa dalawa na nakangiti.

"Hello Blesi!" masayang saad ni Lomord.

Akmang yayakap sana saakin si Lomord ng hilain siya ni Juno.

"Ang sakit!" sinamaan nanaman ng tingin ni Lomord si Juno.

"Bawal yumakap kay Blesi!" sabi ni Juno.

Natawa ako kasi inis na inis na si Lomord.

"Hoy! Tara na! Mukhang naghihintay na yung tatlo." ngiting sabi ko.

Bago pa kami nakapasok sa Cafeteria eh may nakaharang sa daanan namin.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon