SIYAMNAPUT DALAWA

318 17 1
                                    

Chapter 92:

Bea's P.O.V.

"Sinabi ni Maureen ang lahat sa amin at ni Arnold na kinilala mong Ama. Hindi ko man nasaksihan ang karanasan ni Ate pero dahil sa Diary niya ay nalaman ko. Ikinuwento niya sa Diary niya ang lahat, mula sa muntik ng pagpatay sa'yo hanggang sa bago siya mamatay. Ang ibang kwento ay nalaman namin kay Maureen na dating Kasambahay ng Mommy mo, Deyd." saad ni Mommy.

Hindi ko agad ma process sa utak ko ang lahat ng sinabi nila Mommy.

"Kaya rin pala hindi namin nalalaman kung nasaan siya dahil sa kagagawan ni Mr. Alarcon na Lolo ni Deyzon. Tauhan niya ang may dahilan kung bakit napipigilan ang paghahanap namin sa Documents tungkol kay Ate. Sinabi rin ni Daisy na buhay pa si Bea pero hindi niya alam kung nasaan kayo kaya hindi kami nawalan ng pag-asa na mahanap ang anak namin. At hindi kami nawalan ng pag-asa, Bea."

"Kasalanan ko 'tong lahat. Kasalanan ko." saad ni Daddy. "Kung hindi dahil sa akin ay hindi makakaranas ng sakit at hirap ang anak natin, Feli."

Hindi ko na kinaya pa ang sakit at lungkot pati na rin  ang bigat ng dibdib ko kaya tumayo na ako at mabilis na dumeretso sa kwarto ko. Inilock ko iyon at dumeretso sa Walk in Closet ko para hindi nila ako marinig.

Doon ko nilabas ang sama ng loob ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang maranasan ng lahat ng iyon. Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito?

Bakit kailangan angkinin ako ni Mama? Bakit hindi niya ako ibinalik sa totoo kong pamilya kung nagsisisi siya? Bakit siya namatay ng maaga? Bakit hindi niya ipinaliwanag ang lahat?

Inubos ko ang sama ng loob doon hanggang sa makaramdam ako ng antok. Paggising ko ay nasa kama na ako.

"Blake sige na, dadalhin ko lang naman 'tong breakfast niya. Ano bang kinagagalit mo dyan?" rinig kong saad sa labas ng kwarto ko. Bumangon ako at dumeretso sa salamin.

Gosh! Sino yan? Ang haggard naman niyan. Namamaga ang mata ko at para akong sinapak ng sampung tigre.

Inis akong pumasok sa Cr at naghilamos. Naisipan ko na rin na maligo na lang para fresh dahil nandyan pala si Deyd. Baka ma-turn off ang lokong yun sa akin.

Napatitig nanaman ako sa kawalan nang maalala ko nanaman ang nangyari kahapon.

Ang daming kaganapan araw araw.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng jogging pants ma pinambabahay ko. T-shirt na blue at okay na.

Paglabas ko ng closet ko ay nakita ko si Kuya at si Deyzon. Mas nanlaki ang mata ko ng nasa ilalim ni Kuya si Deyd habang nakahiga ang kalahating katawan ni Deyd sa kama. Agad silang napatingin sa akin at mabilis na tumayo.

"Really? In front of my innocent eyes?" Saad ko.

"Si Blake ang may kasalanan. Uupo lang naman ako sa higaan mo habang hinihintay ka na lumabas. Itong Kuya mo pilit akong hinihila patayo dahil daw hindi ako pwedeng umupo sa hinihigaan mo. It's all Blake's fault." paliwanag ni Deyd.

"May sofa naman kasi. Bakit kailangan sa higaan ka umupo ha? Sinabi ko ng kailangan kitang bantayan eh." saad naman ni Kuya.

"Maghahatid lang ako ng Breakfast ni Bea, anong masama roon?" saad naman ni Deyd.

"May sarili kaming tagadala ng pagkain ni Bea. Hindi mo na kailangang gawin yun." reklamo naman ni Kuya.

"Boyfriend niya pa rin ako." saad ni Deyd.

Magsasalita pa sana si Kuya nang sumingit na ako.

"I don't need your explanation. It's an unacceptable." saad ko. Natawa naman ako sa itsura nila nang tignan nila ang isa't isa.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKDonde viven las historias. Descúbrelo ahora