WALUMPUT ANIM

296 20 1
                                    

Chapter 86:

Hanna and Lance

Bea's P.O.V.

"Bea, try kong make-upan ka." saad ni Hanna. Todo iwas ako dahil nilalapit niya sa mukha ko ang brush ng make up.

"Ayoko nga!" reklamo ko at tinutulak pa rin ang kamay niya palayo. Napasimangot siya na nag make up na lang sa sarili niya.

Nandito siya sa kwarto ko at nakakalat sa kama ko yung mga pang make-up niya. Mamaya pa kasing 12:30 ang pasok ko at kaniya naman ay 1:00 pa.  Nang malaman niya na 12:30 pa ang pasok ko at isang klase lang kami ay agad siyang pumunta rito para daw i-test sa akin ang natutunan niya.

Hindi niya ako mapipilit dahil ang kati kaya kapag nilagay na sa akin yang kolorete na yan. Tinry niya na sa akin yan noon eh. Grabe kasi siya mag make up. Ang kapal kapal! Yung pang model ba na make up. Kaso nga lang alam kong hindi sa akin bagay ang mga ganun. Last time I checked mukha akong chaka doll ng horrow movies.

"Kamusta na pala yung model mo?" tanong ko.

"Ayun buhay pa." saad niya.

"Seryoso nga! 'di ba crush mo yun?" saad ko.

"Parang tama nga yung sinabi mo. Pang Outer space ang pangarap kong yun. Pero lalo siyang gumwapo." ngiting saad niya.

"Ows? Kalilimutan mo ganon? Tapos mag fofocus ka na sa career mo?" tanong ko.

"Maybe?" tanong niya. Malabong kalimutan niya yung sinasabi niyang crush niya. Si Hanna pa?

Bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya agad tumakbo si Hanna sa pinto at siya ang nagbukas.

"Ate Trina?!" gulat na tanong ni Hanna. Ako naman ay sumulyap lang sa pinto at nagbasa ulit.

"Pasok ka po, Ate." saad ko.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ni Hanna.

"Hindi pa ba nasabi ni Bea sa'yo?" tanong ni Ate Trina at hinatid ang tray na may food.

"Ahh kasi Hanna, dito na pinatira si Ate Trina eh. Para daw hindi na siya mamroblema sa pang rent niya." saad ko.

"Parang gusto ko na rin dito tumira." saad ni Hanna at lumantak ng pagkain na dala ni Ate Trina.

Sinarado ko muna ang libro ko at kumain na rin. Tumabi naman sa akin si Ate Trina.

"Parang gusto ko na ngang bumalik sa apartment ko eh. Para gawin kong studio iyon at maglalagay ako ng makina. Okay lang ba yun?" tanong ni Ate Trina.

Napaisip naman ako. Siguro nga naiilang pa rito si Ate Trina at kapag nag-aaral siya tapos dito pa nakatira ay baka mahirapan siyang makakilos rito.

"Hmm, sige po. Ako na po ang magsasabi kila Mommy." saad ko.

"Talaga Bea? Maraming salamat ah." ngiting saad ni Ate Trina.

"Hello po, ako po si Hanna Grace." ngiting saad ni Hanna.

"Hello din, ako naman si Trina. Ikaw yung kaibigan ni Bea na nandoon sa park noon 'di ba?" ngiting tanong ni Ate Trina.

"Opo, tumulong rin po ako sa pagplano pero desisyon niyo pa rin po kung makikipagbalikan ka kay Kuya Blake 'di ba po? Nice to meet you po Ate." ngiting saad ni Hanna.

"Pero salamat pa rin sa inyo." ngiting saad ni Ate Trina. "Ano nga ulit oras pasok niyo?"

"Mamaya pa pong lunch." saad ko. "Tsaka Ate, gusto mo tulungan ka naming maghanap ng bagong apartment na malapit lang sa University? Para hindi ka mahirapan."

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin