KABANATA LABING PITO

1K 59 3
                                    

Chapter 17

Bea/Blesi's P.O.V.

"Blesi! Narito ang iyong pamilya. Kasama ang mga prinsipe ng Kertuwa." ngiting sabi ni Trely.

Hindi ko alam kung bakit narito pa din ako sa Clinic ng Academy.

Hays.. Ayos naman na ako.

Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok sila Ama.

Si Jedi naman tsaka si Relya natutulog pa din sa sofa. Sabi ko na ngang doon sila sa dorm matulog pero ayaw namang pumayag. Inaantok na daw kasi.

Puro kalokohan tong dalawa kaya ayun napagod.

Si Trely naman ay nanlaki ang mata nung maalala niyang natutulog pa si Jedi at si Relya.

Di naman na makagalaw si Trely dahil pumasok na sila Ama.

Halata namang natataranta na si Trely.

Nakalimutan ko nga ding natutulog pa pala sila.

"Blesi anak!" sigaw ni Mama pagkapasok.

Niyakap naman niya ako at hinawakan niya ang dalawa kong pisngi.

Yumuko naman ako at tinap naman ni Ama ang ulo ko kaya inangat ko ang tingin ko sakanila.

"maligayang pagdating po sa Pertovel Academy, mahal na Reyna at Mahal na Hari ng Laserya." ngiting sabi ni Trely.

Nginitian naman nila Ama at Ina si Trely.

"Sila kuya po?" tanong ko.

"Papunta na din sila dito." ngiting sabi ni Papa.

Bigla namang bumukas ulit ang pinto at pumasok doon si Prince Ellio at si Ate Beryl.

"Blesi! Kamusta ka na?" tanong ni ate at lumapit saakin.

Ayos naman na ako eh. Bakit pa kasi nakarating sakanila hays.

"ayos naman na ate." ngiting sabi ko.

Konting pahinga lang naman yun tapos ayos na ako.

"Hindi na kami magtatagal dito anak. Pasensya na ngunit may aasakuhin pa kasi kami. Mag-iingat ka dito ah." ngiting sabi ni Ina at niyakap ako.

"alagaan mo ang sarili mo." sabi ni Ama at hinalikan ako sa noo.

"Ay saglit lang hahanapin ko lang si Kuya. Mahal kong prinsipe aalis muna ako ah." ngiting sabi ni ate at lumabas na sila kasama si Ama at Ina.

"ahh lalabas muna ako ahh. Kukuha lang kita ng makakain, Blesi." ngiting sabi ni Trely. Tumango naman ako.

Tinignan ko yung dalawa sa may sofa at humihilik pa.

Parang kama din kasi ang sofa dito kaya kasya silang dalawa.

Tinignan ko naman si Prince Ellio na umupo sa kama ko.

"ayos ka na ba?" tanong ni Prince Ellio. "anong nararamdaman mo?" halata sa mukha niya ang pag-aalala.

Pero mukhang over naman na ata HAHAHA.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें