PITUMPUT WALO

335 24 0
                                    

Chapter 78:

Bea's P.O.V.

"Uy, Bea naman. Kanina ka pa lutang dyan. Sabi ko nasaan yung libro na pinapadala ko sa'yo?" tanong ni Hanna kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ha anong libro?" tanong ko. Napatampal na lang sa noo si Hanna.

"Sabi mo kanina dadalhin mo nung tinawagan kita kaninang umaga." saad ni Hanna.

"Ahh yung libro." natatawang saad ko at kinapa ko ang bag ko. "Hindi ko dala."

Grabe hindi ako halos makatulog kagabi sa kaiisip tungkol sa Keychain.

So mag ex nga si Kuya Blakeson at si Ate Trina? Pero bakit sila naghiwalay? Ang ganda at ang bait kaya ni Ate Trina. Gwapo rin naman si Kuya Blakeson. Grabe nakakasakit ng ulo ah.

"Ha?! Paano na yan. Magpapa sign pa naman tayo sa favorite mong author mamaya." saad ni Hanna.

"Ayos lang yun. Bilhin na lang natin yung Book 2 tapos ayun ang ipa sign natin mamaya." saad ko.

Tumango siya at hinila na ako papasok sa loob.

Ang daming tao!

"Sino-sinong author ba ang darating?" tanong ko.

"Si Blackridinghood, Cold Ice, aevigirl tsaka si MadamFairy." saad niya.

"Madam Fairy." wala sa wisyo kong saad.

"Hala! Hindi mo siya kilala? Siya ang Author ng librong iniwan sa'yo ng Mama mo noon 'di ba?" natatawang saad niya.

Napatitig naman ako sa mga Pictures doon sa tarpaulin. Familiar ang itsurang iyon.

"Tara na doon tayo upo." saad ni Hanna at hinatak ako. "Grabe makikita ko si Mr. Cold Ice. Ang gwapo niya kaya!"

"Ay teka, kailan ba yung blind date mo?" tanong ko.

"Bea! Nakalimutan ko na nga yun eh pinaalala mo pa. Kahit ngayon man lang 'di ba makalimutan ko yun." inis na saad ni Hanna kaya natawa ako. "Next week pa naman. Sa Sunday." saad niya kaya napatango ako.

"Ahh okay." saad ko.

"Ha?! Anong 'Ahh okay?' Tulungan mo akong bruha ka. Close naman na kayo ni Kuya Trev mo diba?" tanong niya kaya medyo napatango ako. Hindi naman masyado.

"Hindi na kami masyadong nagkakausap eh. Huling punta ko sa kanila ay si Tracy lang nandoon." saad ko.

"Try mo lang, kunwari boyfriend ko si Kuya Trev ganon. Para hindi matuloy ang Blind date." saad niya.

"Loko, hindi papayag yun. Tsaka paano kung sabihin ng Mommy mo na ipakilala mo sa kaniya ang Boyfriend mo ha? Anong gagawin mo?" tanong ko. Napasimangot naman siya. Loko talaga siya idadamay niya pa si Kuya Trev e' may inis pa nga siya doon dati eh tapos ngayon isasama niya sa plano niya. Tsaka for sure sasamaan niya lang ng tingin si Hanna at sasabihing NO!

"Ganito na lang ah. Try mo muna. Malay mo magustuhan mo. Try lang naman. Tsaka hindi porket Blind date eh kayo na agad. Getting to Know each other stage palang naman. Try mo lang malay mo this time matagpuan mo na ang para sa'yo." ngiting saad ko. "Sasamahan na lang kita, okay? Susulyap na lang ako sa inyo mula sa ibang table para kapag manyak pala ay sapakin natin noh? Ano Agree?"

Napaisip naman siya.

"Sige basta sasamahan mo ako ah." saad niya kaya tumango ako.

"Good Morning! Mag-uumpisa na tayo ng ating event sa ilang minuto. Nakabili na ba kayo ng mga libro niyo?" ngiting tanong nung MC.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now