IKATLONG KABANATA

3K 156 9
                                    

Chapter 3

Bea's Pov

"Blesi anak? Parang namumutla ka? Anong nangyari?" tanong ni ina at hinawakan pa ang noo ko.

Mama may nangyari lang na kahihiyan at mukha g nawala ang dignidad ko choss.

Nasa harap ako ng Hari at Reyna ng Kertuwa tapos ganito pa ang itsura ko. Ano na lang ang sasabihin nila? Na ang bunsong anak ng Laserya ay hindi kasing ganda ng kaniyang Ina? Waaahh! Nakakainis talaga yung Treoll na yun! Naging haggard tuloy ako huhu.

Isang prinsipe na lang ang narito dahil yung ate ko at yung panganay na prinsipe ay naglakad lakad.

"ako si Lomord Kertuwa ang bunsong anak ng king kertuwa." ngiting sabi niya kaya ngumiti na din ako sakanya.

"may i know what your name is?" tanong niya.

Ansabe niya?

"Blesi anak!" tawag saakin ni mama.

"p-po?" utal na sagot ko.

"tinatanong ka ng prinsipe. Gusto niyang malaman ang iyong ngalan." sabi ni mama kaya lumingon ako sa bunsong prinsipe.

"ah ako si Blesithea Avery Laserya the youngest daughter of king Laserya." sabi ko at yumuko ulit

Nakakahiya muntikan ko ng mahalikan yung prinsipe kanina aishhh. Hoy bata! Yung kuya mo kanina mukhang nanghihingi ng Tsansing! Charr.

"pwede ko bang malaman kung anong problema? Hindi ka ba kumportable?" takang tanong niya.

"a-ah hindi! hindi! sorry talaga may nararamdaman lang kasi akong hindi maganda." sabi ko sakanya. Ngumiti pa ako para kapani paniwala.

"Mahal na hari at reyna ng kertuwa palace narito na ang pangalawang prinsipe ng kertuwa!" rinig kong sigaw.

Kaya dali daling tumayo ang reyna at hari pati na din si mama at papa. Ako na lang pala ang bukod tanging nakaupo.

Tumayo na din ako at tumingon sa paligid ng palasyo.

"Treoll anak narito ang bunsong prinsesa ng Laserya Palace." sabi ni reyna ng Kertuwa Palace.

Nakatingala lang ako at iniiwasan ang tingin ko sakanya.

Ayaw ko siyang makita. Maaalala ko nanaman yung kanina. Abnormal kasi. Kung natapilok man siya o napatid. Sana hindi niya ako hinila para di ako madamay.

"anak Blesi." kaya napalingon ako kay mama nakita ko namang sinenyasan niya ako.

Kaya agad akong yumuko.

"Pagbati mahal na prinsipe! ako ang bunsong anak ng Laserya Palace. You can call me Blesi." sabi ko habang nakayuko pa din.

"hindi ko alam na mahilig pala sa mga bulaklak ang bunsong prinsesa." sabi niya.

"hindi ko rin akalain, dahil hindi naman lumalabas si Blesi." sabi ni ama.

"halina sa hapag at kumain papunta na din si Ellio at si Beryl dito." ngiting sabi nung reyna ng Kertuwa palace.

Hindi pa din ako tumitingin sa mukha ng prinsipe.

Nagulat ako ng Tumabi saakin yung bunsong prinsipe.

"Lomord bakit nariyan ka sa tabi ng prinsesa halika at tumabi ka sa iyong kuya." saway sakanya ng nanay niya.

Dahil nga utak ko 19 years old tinuturing ko na din na bunsong kapatid si Lomord.

"ay mahal na reyna ayos lang ho gusto ko rin pong maging kaibigan ang bunsong prinsipe." ngiting sabi ko.

" tss si Lomord gusto maging kaibigan pero ako hindi pwede?" rinig kong bulong ni prince Treoll

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now