APATNAPUT DALAWA

552 33 0
                                    

Chapter 42

Bea's P.O.V.

Naglibot libot naman kami dito sa loob. Masasabi ko lang na super ganda dito para kaming nasa mall. Pero mas bongga dito dahil ang daming magic.

"Pagod na ba kayo?" tanong ni Trely.
Ako naman medyo lang dahil ang ganda ganda dito pero syempre kanina pa kami palakad lakad kaya naman ang sakit na ng binti ko.

"Medyo lang." sabi ni Jedi.

"Oo pagod na ako." sabi naman ni Relya.

"ako hindi pa." natatawang saad ni Lin.
Hindi naman ako sumagot kaya nagulat ako ng tignan nila akong apat.

"tara tuloy lang." natatawang saad ko.
Natawa naman sila.

"psh, magpahinga muna tayo. Baka mapagod tayo ng sobra mamaya." sabi ni Trely.

Umupo naman kami sa may bench dito sa may ilalim ng Puno. Ang ganda ng puno dahil may pagka light pink.

"ah guys? May Banyo ba dito?" tanong ko ng biglang bumigat ang pantog ko at gusto ko ng umihi.

"Doon lang, ayun nakikita mo yung hagdan pababa? Baba ka doon tapos kaliwa lang makikita mo na. Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Trely.

"Wag na, wag na kaya ko na tong mag isa. Mabilis lang ako promise." sabi ko at dali daling dumeretso doon sa tinuro ni Trely.

Si Jedi naman ay rinig kong nagpaalam na bibili ng makakain.

Hindi ko na pinansin pa ang usapan nila dahil lakad takbo na ang ginawa ko kaya nakalayo na ako.

Nagulat ako ng pagkatapak ko doon sa unang baitang dito sa taas ay lumipad iyon at bumaba. Potek! Grabe kaba ko mga 99.9%. Sino ba namang di magugulat doon eh bigla ba namang lumipad. Buti na lang naibalance ko sarili ko kundi baka nahulog na ako.

Bakit ba kasi di sinabi saakin ni Trely na umaandar pala to.

Pagkalapag noon sa pinakaunang baitang dito sa baba ay naglakad na ako ng mabilis.

Kumaliwa naman ako doon sa hallway at nakita ko naman ang Banyo na kumikinang sa mga dyamante. Pati C.R bongga?

Pero parang normal lang naman pagkapasok ko. Gaya pa din siya ng C.R. sa realworld. Ginawa ko na yung dapat kong gawin kaya lumabas na ako. Paglabas ko sa may hallway ay kamalas malasang.

*boogsh.

"ano ba?!" reklamo ko.
Di ko pa inaangat ang tingin ko dahil nahirapan akong tumayo.

Aish! Inis akong tumayo ng mabilis tsaka humarap sakanya. Kahit masakit yung tuhod ko ay nilakas ko ang loob ko para awayin yung bumangga saakin.

"Hindi ka ba--- Drano?!" gulat kong sabi.
Gulat din siyang napatingin saakin.

"Drano! Tara doon!" rinig kong sigaw ng familiar saakin. "Hoy! Ano b--- oh Princess Blesi?" gulat na sabi ni Lary.

"ah hindi ko inaasahang makikita ko kayo dito." nahihiyang saad ko.

Bakit ba nakikita ko ang mga to dito? Aish ano to reunion? Baka mamaya niyan si Willio tsaka si Juno naman makita ko tss.

"Ahh k-kamusta ka... Si Y-yael? Kamusta?" tanong ni Lary. Nahihiya naman akong ngumiti.

"A-ayos naman. Nakauwi na siya sa pamilya niya hehe." sabi ko. "sige aalis na ako at baka hinahanap na ako." mabilis kong sabi at lalagpasan na sana sila ng hilain ako sa braso. Nilingon ko iyon at di ko inaasahang gagawin ni Drano yun. Paghawak niya sa braso ko ay nagdadala ng kakaibang pakiramdam saakin.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now