ANIMNAPUT DALAWA

387 33 3
                                    

Chapter 62:

Lary's P.O.V.

"Ayusin mo naman!" sigaw ni Willio habang nakikipaglaban ako sakanya.

"Ang yabang mo, Prinsipe!" sigaw ko din at nilakasan ang paghampas ng espada ko dahilan para tumalsik ang espada niya.

"Tss." inis na saad niya at kinuha ang Espada niya at umupo.

Hindi ko alam kung bakit kasama ko ang lokong ito dito sa Power Arena. Sa dami daming makakasama siya pa!

Si Drano, hindi ko mapuntahan dahil bantay sarado ang palasyo nila.

Ayos lang sana kung si Treoll dahil nakakausap ko pa ng matino yun.

"Ang hina mo na, Willio. Sabi ko naman kasi sayo hindi mo ako matatalo eh." ngising saad ko at tumabi sa kanya. Umusog naman siya palayo mula sa akin at inis na tumingin sa'kin.

"binigyan ba kita ng permiso na tumabi sa'kin?" inis na saad niya.

Kahit kailan talaga napakasungit nito. Manang mana sa kapatid niyang puro kolorete at puro arte ang alam. Lagi pa namang nababanas si Trenya kapag nakikita ako. Ganun din naman ako sakanya kaya wala dapat siyang ipag-alala.
"Kamusta kaya si Blesi?" biglang tanong ko. Agad naman siyang tumingin sa'kin.

"Ang bilis ng utak mo kapag si Blesi ang usapan." natatawang saad ko at umiiling iling pa.

"Tss, wala akong pake sa sinasabi mo." saad niya at uminom ng tubig.

Parehong pareho sila ni Drano. Parehong masungit, buti na lang sanay na ako don. Kaya mas alam ko na kung paano kausapin ang kagaya ni Willio.

"nabalitaan kong umalis si Blaster patungo sa Mandawe kasama si Trely." saad ko.

"Oo alam ko." saad niya. "Inaalala ko rin si Blesi, ang daming nangyari at tingin ko hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin yun."

Sabi ko sa inyo eh. Kausapin mo lang ng kausapin sasagot din yan.

"Bago ka magsalita, gusto kong malaman mo na wala akong pake sa opinyon mo. Ge alis na ako." seryosong saad niya at tumayo.

Di mo talaga makakausap ang isang yun kahit kailan. Laging tahimik at seryoso. Mas malamig pa ang presensya niya kaysa kay Drano.

Lumabas na din ako para makalanghap ng hangin. Nakita ko naman si Relya na tumatakbo. Ang aking kakambal na kasintahan ng makulit na batang si Lomord. Magkaedad kami ni Relya ngunit mas matanda ang isip ko sakanya.

"Oh, bakit ka ba tumatakbo?!" inis na saad ko.

"Hellary! May nagpadala ng sulat sayo!" saad niya at hinihingal pa. Hinimas ko naman ang likod niya para tulungan siyang makahinga ng maayos.

"sinabi ko naman kasi sayong 'wag mong gagayahin si Blesi sa kilos niya eh. Kung siya kaya niyang tumakbo ng napakalayo at magpaikot ikot pa. Ikaw hindi! dahil mabilis kang mapagod." inis na saad ko. Napasimangot naman siya kaya kinuha ko na ang sulat sa kamay niya. "Kanino daw to galing?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Pinapabigay sa akin ng mensahero dahil nakilala ako nung mensahero. Sinabi niyang ang sulat ay para sa aking kakambal na hindi kagwpauhan kaya kinuha ko kaagad." saad niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Samahan mo na nga si Jedi. Hindi yung pakalat kalat ka rito." inis na saad ko kaya natawa siya at naglakad na palayo. Agad ko namang binasa ang sulat. May nakita naman ako na upuan sa ilalalim ng puno kaya umupo ako roon.

Hellary,

Ikakasal si Blesi kay Ellio pagkatapos ng 3 araw! Gumawa ako ng paraan para makapagpadala ng sulat sa inyong lima. Kailangan mong mapigilan ang kasal dahil hindi sila maaaring maikasal. Pinadalhan ko rin ng sulat ang apat pa kahit na hindi na tayo malalapit sa kanila. Alam ko namang malapit sila kay Blesi kaya kayo lang ang makatutulong sa aking mahal. Gagawa ako ng paraan para makalabas ako rito. Mag-iingat kayo at siguraduhin niyong ligtas niyong maidadala si Blesi sa ligtas na lugar. Huwag mo munang sasabihin kay Blesi na ako ang nagsabi dahil magtataka siya kung paano ko nalaman.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now