SIYAMNAPUT PITO

275 12 1
                                    

Chapter 97:

Bea's P.O.V.

Nakarinig naman ako ng ingay sa labas. Napalingon ako sa paligid. Napahawak ako kay Jessica at tinatago ito sa likuran ko.

"Tignan niyo ang labas! Nasaan na ang ibang mga tauhan?!" galit na sigaw ni Don Alarcon.

Lalabas na sana sila nang biglang bumukas ang pinto na lalabasan sana namin. Pumasok si Kuya Blakeson at si Kuya Theo na may hawak na baril. Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag dahil nandyan na sila. Parang mas nadagdagan ang kaba niya.

Nawala ang atensyon nila Don Alarcon sa amin kaya naman dali-dali kaming tumakbo papalapit kila Kuya Theo. Bakit silang dalawa lang?

"Ibaba niyo ang mga baril niyo!" sigaw ni Kuya. Napatingin ako kila Don Alarcon at nakapalibot sa kaniya ang mga tauhan niya.

"Kuya Theo!" sigaw ko. Lumingon naman siya sa akin at nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang nasa tabi ko. Agad siyang tumakbo palapit sa amin. Dinala niya kami sa likod ni Kuya.

"Jess, bakit ka nandito? Ayos ka lang ba? Ayos lang ba kayo?" tanong ni Kuya Theo. Hindi nagsalita si Jessica.

"Ilayo mo rito si Jessica, Kuya Theo. Ingatan mo ang kaibigan ko." saad ko na ikinatango niya. Hinawakan ni Kuya Theo ang kamay ni Jess at inalalayan palabas.

Agad akong napalingon sa likod ko pero huli na. Agad akong hinawakan sa braso ko ng assistant ng Lolo ni Deyd. Hinatak niya ako at nilagay niya ang braso niya sa leeg ko. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang baril sa sintido ko. Hinila niya ako banda malayo kay Kuya. Bakit hindi ko napansin na wala siya sa tabi ni Don Alarcon kanina? Nandito pala siya naghahanap ng tyempo na makuha ako. Nabitawan ko tuloy ang baril na hawak ko na hindi ko naman talaga balak gamitin laban sa kanila. Panakot ko lang yun.

"Bitawan mo ang kapatid ko!" sigaw ni Kuya nang makita niya. Nakatutok ang isang baril niya sa pwesto namin at ang isa naman ay kila Don Alarcon.

Napalingon ako sa gilid ko at kakapasok lang ni Kuya Yohan at Kuya Trev mula sa bintana at pinagsasapak ang ilang mga tauhan nila.

Sinubukan kong kumawala pero grabe ang higpit ng pagkakakapit niya. Baka may gusto siya sa akin, hindi na niya ako mabitaw-bitawan eh umamin na siya habang maaga pa.

Napairap ako nang lalo niya pang higpitan at tinutok niya na ang baril sa mga kasama ko.

Agad na nagsipagtumbahan ang ilang mga tauhan na malapit kila Kuya Yohan.

"Barilin sila!" saad ni Don Alarcon. Kinakabahan ako dahil pinapaputukan nila ang pwesto nila Kuya Trev at Kuya Yohan. Naghiwalay sila at nabigla ako ng magtalon talon sila sa ibang mga gamit para iwasan ang putok ng baril. Nakakamangha silang panoorin.

Binaril nila ang mga ibang tauhan kaya agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng makakita ako ng mga dugo sa paligid.

Siniko ko ang tiyan nitong lalaki at napadaing naman siya. Hahampasin na sana ako ng baril ng lalaking may hawak sa akin pero nabigla ako sa putok ng baril. Agad akong napalingon at nakita ko si Kuya Blake na pinaputukan ang kamay ng lalaki. Nanlaki tuloy ang mata ko.

Tumakbo ako palapit kay Kuya at nagtago sa likod niya.

"Kuya, nasaan si Hans at si Deyd?" tanong ko.

"Nasa labas, papasok palang sila." bulong ni Kuya. Agad kong sinipa ang lalaking nakatalikod sa akin, nakatutok ang baril niya kila Kuya Yohan. Napatumba naman iyon at nabitawan ang baril na hawak niya. Hinampas ko siya ng kahoy na nasa paanan ko. Nawalan siya ng malay.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon