TATLUMPUT TATLO

577 45 4
                                    

Chapter 33

Bea's P.O.V.

"pumasok ka lang sa kwartong iyan at makikita mo si Tiyo Henril. Siya ang namamahala sa pagpapadala ng sulat. Lalo na sa mga pamilya ng mga taga isla dito na namamasukan sa mga Royal Bloods." sabi ni Kuya Jeyo. Tumango tango na lang ako.

Tinignan ko naman si Kuya Yael na seryoso lang na nakatitig saakin. Parang binabasa niya ang isip ko. Umiwas na ako ng tingin baka may malaman pa siya. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang sabihin sakanya ang lahat. Lalo na at sakanya ako pinakaclose dito.

"Sige Kuya Jeyo! Papasok na po ako! Mabilis lang ako Kuya Yael ah." ngiting sabi ko.

"Sige" sabi ni kuya.

Ginawa ko ang sinabi ni Kuya Jeyo.Pumasok ako sa isang kwarto roon. Pagkapasok ko ay parang isang malaking library ito! Madaming lamesa. Sa ibabaw ng lamesa ay may mga panulat. Napatingin naman ako sa paligid. May nag-iisang table doon na kakaiba. May pangalan pa na nakalagay dito sa ibabaw. Mister Henril Dason, oww baka siya na yung tiyo Henril ni Kuya Jeyo.

Lumapit ako roon at nakita ko siyang busy sa pag aayos at pagbabalot ng mga sulat. Marami rin kasi sa paligid na mga tao na nais rin yatang magpadala ng sulat.

"Ano ang kailangan mo Iha?" tanong ni Tiyo Henril ngunit hindi siya saakin nakatingin. Doon sa ginagawa niya siya nakatingin.

"Kaibigan po ako ni Kuya Jeyo. At nasa labas po siya kasama ng aking Kuya na si Kuya Yael. Nais ko lang po sanang magpadala ng sulat." ngiting sabi ko.
Tumingin naman siya saakin. Wow! Kay gwapong nilalang.

"Ganun ba? O sige maupo ka riyan at ilagay mo sa taas ang pagpapadalhan mo ng sulat." sabi niya.

"Ahm, nilalagay rin po dito ang lugar ng pinaggalingan ng sulat?" tanong ko.

"Depende sayo kung nais mong ipalagay." sabi niya. "Kadalasan kasi sa mga nagpapadala ng sulat ay hindi na inilalagay ang lugar ng pinaggalingan dahil isinisulat lamang nila ang kanilang pangalan sa ibaba upang may pagkakalilanlan."

Tumango na lang ako. Nais ko kasing magpadala ng sulat kay Ina. Pero baka kapag nagpadala ako sa kanila ay hanapin nila ang lugar na ito at kuhanin na ako.

Ayaw ko pang umalis dito. Kahit saglit lang o ilang araw lang ay nais ko pa silang makapiling at makasama. Hindi ko rin kasi alam kung kailan ako babalik kung sakaling aalis ako.

"Ganun po ba? Sige po magsusulat na po ako." ngiting sabi ko.

Tumango na lang siya at binalik ang tingin sa ginagawa. Grabe ang gwapo niya para ma stress ng ganyan! Choss.

Samantalang ako ay umupo sa isa sa mga lamesa rito. May papel na rin namang nakalagay sa ibabaw kaya nagsulat na ako.

Tatanggap: Queen Fereilla and King George of Laserya
Nagpadala: Lady Blesithea Avery Laserya

         'Maligayang bati mahal kong ina at ama!                                                                         Nais ko lamang iparating sainyo na nasa maayos akong kalagayan. Babalik ako riyan, nais ko ring sabihin sainyo na wag na kayong mag-alala saakin. Lalo na si ate na mukhang may nararamdaman na sakit. Hindi po agad ako nakapagsabi sainyo na nasa maayos akong kalagayan dahil nawala ang aking mga ala-ala. Ngunit wag kayong mag-alala sapagkat nakabalik na ang aking ala-ala. Babalik ako kapag nasa maayos na ang lahat. Wala muna sanang makakaalam na nakapagpadala ako sainyo ng sulat. Alagaan niyo po ang sarili niyo. At asikasuhin ang bayan sa Laserya. Mahal ko po kayo. Ako po ito si Lady Blesi na patuloy na nagmamahal sainyo.'

Tadaaahhh tapos na! Tumayo ako para ihulog na sa malaking tangke ang aking sulat. Sana maipadala agad ito.

"Mister Henril, aalis na po ako. Marahil ay hinihintay na ako ng aking kapatid sa labas. Maraming salamat po." sabi ko at yumuko.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now