LIMAMPUT TATLO

379 26 0
                                    

Chapter 53

Bea's P.O.V.

"Mag-iingat ka doon ah. Lagi kang sumama kay Trely ah. Wag kang lalayo sakanila. Ayaw naming mapahamak ka." saad ni Ina. Ngumiti naman ako sa sinabi ni Ina at niyakap siya.

Napatingin naman ako sa taas kung saan ang mga kwarto namin.

"Ayaw pang bumaba ng Kuya mo. Ano bang nangyari doon?" biglang tanong ni Ina.

Isang linggo na pala ang nakalipas nung mangyari yung sagutan ni Kuya at Ate. Ngayon, ayaw bumaba ni Kuya para man lang ihatid ako kahit man lang hanggang labas ng palasyo.

"Hayaan niyo na po, Ina. Baka hinihintay na din po ako nila Relya." ngiting saad ko. Ngumiti naman si Ina at niyakap ako saglit.

"Mag-iingat ka palagi anak ah. Wag kang magpapalipas ng gutom." saad ulit ni Ina. Si Ama ay nasa ibang isla nanaman para umattend sa pagpupulong.

"Opo." ngiting sabi ko at naglakad na palabas ng palasyo.

Pagdating ko sa Academy ay si Jedi lang ang nasa Dorm.

"Jedi!" masayang sabi ko.

Napangiti naman siya at masayang tumakbo papunta sa akin.

"Blesi! Sobrang saya ko na nandito ka na. Alam mo bang palagi akong mag-isa dito? Si Relya palaging nasa klase niya. Si Trely naman pumupunta sa tabing ilog para maglakad lakad mag-isa. Tingin ko ay dahil ilang araw silang hindi nagkakausap at nagkikita ni Kuya Blast." sabi ni Jedi at tinulungan akong buhatin ang bagahe ko.

"Kawawa naman ang Jedi ko, palaging naiiwan mag-isa dito. Tsaka hayaan niyo na muna sila ni Kuya. May problema kasi si Kuya eh." sabi ko.

"Oo nga, pero kasi nag-aalala din ako kay Trely." malungkot na sabi ni Jedi.

"Ay si Lin nga pala hindi pa kayo nagkikita?" tanong ko.

"Madami siyang ginagawa dahil pinuno siya ng klase niyo." saad niya. "ay maya maya nga pala ay may pagpupulong. May sasabihin ang pinunong-guro sa ating lahat."

"hayss, kakarating ko lang eh may pagpupulong agad." malungkot na saad ko.

"pahinga ka muna saglit. Tawagin na lang kita kapag oras na ng pulong." ngiting sabi ni Jedi habang nagbabasa ng libro sa study table niya.

Napangiti na lang ako tsaka tumango. Pagkatapos ay humiga na ako sa malambot kong kama at pumikit para umidlip.

"Jedi! Oras na ng pagpupulong! Di pa ba dumadating si Blesi?" rinig kong sabi ni Relya kaya napadilat agad ako.

Kakapikit ko palang tapos pagpupulong na agad? Ayaw man lang ako pagpahingahin? Puyat kaya ako!

"oh Blesi! Nandito ka na pala!" masayang sabi ni Relya at niyakap kaagad ako.

Malungkot ko naman siyang niyakap pabalik at malungkot din na tumingin kay Jedi.

"Hayss, kakapahinga palang ni Blesi eh." sabi ni Jedi.

"Edi sabihin na lang natin na di ka makakapunta." saad ni Relya saakin. Hindi pwede noh! Baka mamaya niyan mahalaga pala ang sasabihin.

"Hindi na, ayos na ako. Pwede naman akong magpahinga doon. Tara na!" saad ko. At nagsuot na ng sapatos ko.

Nag-akbayan naman kami palabas ng room namin. Pagpasok namin sa isang malawak na kwarto kung saan nag mi- meeting ang mga estudyante ay may mga upuan at mga babae lang ang nakikita ko.

"Walang mga kalalakihan?" tanong ko sakanila. Curious kasi ako dahil laging kumpleto lahat ng estudyante kapag nag mi meeting.

"Ewan ko eh, puro mga kababaihan lang daw eh. Tara na humanap na tayo ng mauupuan. Maaari daw umupo kahit saan." ngiting sabi ni Relya. Hindi pa rin pala pumasok sila Treoll tsaka si Lomord dahil sa nangyari at di pa sila maka move forward. Tapos pupunta sila sa isang isla para i-training sila para maging malakas sila at matatag. Baka hindi na sila bibigyan ng pagkakataon na pumasok dito sa Academy.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now