PITUMPUT TATLO

339 31 1
                                    

Chapter 73:

(Setyembre 6, Lunar. )

Bea's P.O.V.

"Ano?!" biglang tayo ni Ate nang malaman niya ang lahat.

Nandito kaming tatlo sa sikretong lagusan. Si Nana Lorena naman ay naiwan roon para bantayan ang anak ni Ate Beryl.

"Maaari bang huwag kayong magbiro ng ganyan? Hindi pwedeng mamatay si Ellio!" saad ni Ate Beryl at maglalakad na sana pabalik.

"Si Trenyana ang pumatay kay Ellio. Maniwala ka naman sa amin oh." saad ni Kuya.

"Bakit siya namatay? Bakit siya pinatay nung Trenyana na yun kung sino man siya!!" sigaw ni Ate.

"Si Trenya ang kapatid ni Willio." saad ko. "Pinatay niya si King Ellio ay dahil ililigtas ako ni Kuya Ellio. Itinali ako ni Trenya gamit ang lubid dahil gusto na rin akong patayin ni Trenya. Inimbita siya ni Trenya roon sa lugar na iyon."

Hindi ko sinabi ang balak rin ni Kuya Ellio na pagpatay sa akin dahil alam ko naman na hindi niya iyon itutuloy.

"Ikaw nanaman Blesi?! Ikaw nanaman?! Bakit lagi mo na lang dinadala sa kapahamakan ang mga nasa paligid mo ha?!" sigaw ni Ate sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita doon sa sinabi ni Ate.

"Beryl!" sigaw naman ni Kuya.

"Totoo naman ah! Nang dahil sa'yo kaya nangyari ang lahat ng ito!" sigaw ni Ate at pumasok na sa kweba.

"Blesi," saad ni Kuya at hinawakan ang balikat ko. Nanghina naman ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.

"Kuya, mukhang dahil nga sa akin kaya nangyari ito." saad ko at pinipigilan ang maluha. Nang yakapin ako ni Kuya ay kusa ng lumabas ang mga luha ko.

"Shh, wala kang kasalanan." saad ni Kuya at pinisil ang balikat ko. Umiling iling ako dahil hindi ako naniniwala na wala akong kasalanan.

Hindi rin sana mamamatay si King Ellio kung walang galit sa akin si Trenya kaya kinidnap ako.

"Nasabi lang iyon ng Ate mo dahil hindi niya matanggap ang pagkamatay ni Ellio." saad ni Kuya at hinaplos ng dahan dahan ang buhok ko.

"Tara na bumalik na tayo sa loob." saad ni Kuya at inalalayan akong tumayo.

Pagpasok namin ay bitbit ni Ate ang anak niyang natutulog. Hindi niya ako pinansin o tapunan man lang ng tingin.

"Nandito na pala kayo. Matulog na kayo para mapakapagpahinga na kayo." saad ni Nana Lorena. Tumango kami ni Kuya at pumasok na sa may isang selda na tatlo ang higaan.

Ilang araw at ilang linggo na kami narito. Hindi ko na nga alam kung anong araw ngayon eh.

Parang may nakalimutan ako na ewan. Agad akong humiga sa higaan na nasa dulong parte.

Yung mga gamit namin ay nasa pangalawang higaan. Si Kuya naman ay natutulog sa isang higaan na nasa dulo rin.

Hindi ako makatulog at hindi ko rin matigil ang pagtulo ng luha ko. Kinakagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako makagawa ng ingay.

Ilang linggo na ang nakalilipas simula nung una naming dating rito. Pero ngayon lang namin naisipan na sabihin. Dahil siguro kapag sinabi namin iyon noon ay baka hindi kayanin ng katawan ni Ate. Kakapanganak rin ni Ate kaya baka makasama sa kanya.

"Blesi, matulog ka na. Tahan na." saad ni Kuya Blast kaya nagulat ako. Agad kong pinahid ang luha ko at pumikit.

Pagkapikit ko ay makaramdam na ako ng antok.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now