LIMAMPUT APAT

381 30 0
                                    

Chapter 54

Bea's P.O.V.

"B-Blesi? Jedi?" napalingon agad ako sa gilid ko.

"Relya," agad na sabi ko nung makita ko siyang may malay na.

Salamat naman at nagising na siya.

"Ang sakit ng ulo ko, hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at paa ko." saad niya.

"Hindi ko alam kung anong nilagay nila sa inumin natin pero ang mahalaga hindi iyon nakakamatay." ngiting sabi ko para mapagaan ko ang loob ni Relya.

Ngumiti naman si Jedi kay Relya para pagaanin din ang loob nito. Si Relya ang pinaka inosente at pinakamatatakutin saamin kaya parang tumayong ate na rin kami sakanya.

Di ko rin magamit ang kapangyarihan ko dahil ang kamay ko ay naninigas. Aishh nanghihina din ang katawan ko ngayon.

TRELY'S P.O.V.

Ano kayang ginagawa ngayon ni Blast? Maayos lang kaya siya? Ang sabi sa sulat ni Blesi ay may problema lang daw ang Kuya niya kaya di lumalabas ng kwarto niya.

Ano kaya yun? Sana maging maayos na siya. Gusto ko na siyang makita.

Naisipan ko naman na bumalik na sa dorm namin dahil ang alam ko ay papasok ngayon si Blesi. Baka tanungin ko na lang siya tungkol sa nangyari.

May karapatan naman akong malaman diba? Kasintahan naman ako ni Blaster.

"Jedi!" saad ko bago pumasok sa kwarto dahil alam kong mag isa nanaman siya dito.

Pagbukas ko ay walang tao. Nasaan sila?

Nakita ko naman ang bagahe ni Blesi kaya panigurado ay nandito na si Blesi. Nasaan sila nagpunta?

Oo nga pala! May pagpupulong na magaganap! Masyado akong maraming iniisip kaya nakalimutan ko na din ang tungkol doon.

Nag uumpisa na kaya ang pagpupulong? Paano kapag pumunta ako edi mapaparusahan ako dahil hindi ka agad ako pumunta doon.

Hintayin ko na lang sila sa Dorm namin.

Naisipan ko naman na pumunta sa Capetirya dahil bibilhan ko sila ng makakain.

Pagpasok ko ay puro mga kalalakihan ang narito. Pero mga kakaunti lang dahil ang alam ko ay yung iba ay nasa kabilang isla. Napatingin naman sila saakin kaya nailang ako bigla.

"May nakapasok na mga mandirigma ng dugong Berde sa Akademya!" sigaw ng isang lalaki sa may pintuan ng Capetirya.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit saakin.

"Bakit hindi ka dumalo sa pagpupulong? Napakaswerte mo at buti na lang hindi ka dumalo." saad niya kaya nagtaka ako.

"Ha? Bakit ano bang nangyari?" tanong ko.
"Nakuha ang lahat ng kababaihan! Kitang Kita ko!" sigaw niya.

Sa sobrang gulat ko ay para akong nanigas.
Nataranta na din ang mga nilalang sa loob at nagsitakbuhan at bitbit din ang armas nila.

"Sila Willio! Pero wala sila dito anong gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko. Dali dali naman akong naglakad papunta sa dorm namin para kunin ang aking Pana.

Si Blaster! Kailangan kong pumunta sa kaharian nila. Mas mabilis kung pupunta ako doon.

Pagpunta ko kung saan nakaparada ang mga karwahe ay wala lahat. Anong gagawin ko?! Hawak nila ang mga kaibigan ko.

Sinamantala nilang wala ang mga mandirigma ng Akademya para magtagumpay ang plano. Gagawin nilang patibong ang mga estudyante ng Pertovel Academy para masakop ang isla.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now