IKA-APAT NA KABANATA

2.4K 136 3
                                    

Chapter 4

Bea's pov

Wow ang saya ! The best talaga ang Fantasy!

Wait wait? Wow ang ganda ng view dito sa tuktok oh di ko nakita yan kanina ah?

Sa sobrang tuwa ko napatayo ako at sumilip sa baba, Nakalimutan kong masakit pa pala paa ko.

Kaya na out balance ako at nahulog.

"Blesi!" rinig kong sigaw.

Huhuhu mamamatay na ata ako ito na ata katapusan ko.

Nagulat ako ng may lumipad na nakahood papunta saakin at sinalo ako nakatingin pa din ako sakanya pero nakatakip ng hood yung mata niya at ilong niya.

Tanging labi niya lang nakikita ko. Nakikita niya pa kaya ako?

Pagkalapag namin sa may gubat ay ibinaba niya na ako atchaka siya tumakbo ng sobrang bilis na parang hangin lang.

Hanggang ngayon tulala pa din ako.

Bakit walang ganun na character sa libro na nabasa ko?

Aish baka dahil unti unti kong binabago ang kuwento.

"Blesi anak ayos ka lang? Pasensya na anak."umiiyak na sabi ni mama.

"pero paano ka nakaligtas anak? Masyadong malayo ang karwahe natin nung nahulog ka pero laking pasasalamat ko at nabuhay ka hindi ko kakayanin kung mawala ka sa amin." sabi ni papa at ipinabuhat ako doon sa warrior na kasama namin kanina.

"oo nga anak di ko kakayanin mawalan ng isang anak." umiiyak na sabi ni mama at niyakap ako.

Hanggang ngayon hindi ko pa di maintindihan sino siya?

Sa sobrang lutang ko nakauwi na pala kami.

"mama! Papa! Anong nangyari kay bunso?" tanong ni ate at tumakbo papunta saamin.

"nahulog siya mula sa karwahe natin anak, nakakapagtaka dahil walang sinong nakaligtas sa ganun kataas sa mga walang kapangyarihan kahit na ganun eh sobrang saya ko dahil nakaligtas si bunso, halika at ihahatid na kita sa iyong silid." sabi ni mama kaya tumango ako.

Nag aalala pa din si ate pero hinayaan niya na lang ako makaakyat sa kwarto.

Grabe ang trauma ko doon ah feeling ko talaga patay na ako ngayon.

Mr. hoodman... Kung nasaan ka man ngayon... Maraming salamat...

Alam nila wala akong kapangyarihan kaya sobrang alala nila saakin.

Pero siguro ay kung hindi rin ako niligtas nun ay buhay pa din ako dahil may power naman ako diba?

Nakahiga na ako ngayon dito at inaalala ang pulang labi niya.

Anak ka ng tupa Bea! di mo pa nga alam kung babae yun o lalaki eh.

Pero hindi eh walang kapangyarihan na ganun ang mga babae.

So lalaki siya wow my man of my dreams chosss HAHA

Sabi ni Blesi noon sa kuwento mas makapangyarihan daw ang lalaki kaysa sa babae dahil ang mga babae lang eh dapat lang mag stay sa bahay kaya takot ang mga babae sa lalaki.

Ang mga lalaki lang ata ang may kakayahang lumipad eh.

"anak? Ayos ka na ba?" alalang tanong ni papa pagkapasok.

"ayos na po ako nagpapasalamat pa din po ako dahil nakaligtas ako."ngumiti ako.

Di ko na lang sasabihin na may nagligtas saakin baka magtaka sila kasi ako din eh takang taka.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon