KABANATA LABING TATLO

1.2K 73 12
                                    

Chapter 13

Bea/Blesi's P.O.V.

" Blesi? Bakit ang aga mo naman?" tanong ni Jedi pagpasok.

Kagigising ko lang kasi.

"hindi ako pumasok." maikling sabi ko.

"ayos ka lang ba? Bakit hindi ka pumasok?" tanong niya at mabilis na lumapit saakin.

Umiling lang ako.

"o sige mamaya na lang kita kakausapin. Mukhang kagigising mo lang." sabi niya at pumasok sa banyo para magbihis.

Tumayo ako para uminom ng tubig.

"Nandito na ako!" sigaw ni Relya pagpasok.

"Oh Blesi! Madalas ay kami ang nauuna sayo ah." sabi ni Relya.

Ngumiti lang ako sakanya.

Maya maya ay pumasok si Trely at ang gulo ng buhok.

Kaya dali dali kaming lumapit sakanya.

"Trely anong nangyari sayo?" tanong ko.

Parang nagising ako bigla sa katinuan dahil umiiyak si Trely.

"A-ang h-hina ko." sabi niya habang umiiyak.

"Bakit anong nangyari? Sabihin mo saamin." sabi ni Relya.

"S-sinabunutan ako. Hindi ko naman sinasadyang mabangga siya." sabi niya saamin.

Inayos ko naman yung buhok niya. At kinuha ko ang panyo para punasan yung luha niya.

"sino? Sino ang gumawa sayo niyan?" tanong ni Relya na halata ang galit at lungkot sa mukha niya.

Kahit ako ganun din yung nararamdaman ko kasi alam ko ang pakiramdam nun.

Bigla namang lumabas si Jedi sa banyo at mukhang kaliligo lang.

"Narito na pala kayong dalawa." sabi ni Jedi at biglang humarap sa salamin, mukhang hindi niya napansin ang itsura ni Trely dahil medyo nakaharang ako kasi nakatayo ako.

Lumapit naman saamin si Jedi at ang kaninang mga ngiti niya ay nawala.

"Trely! Anong nangyari sayo?" gulat na sabi ni Jedi. "Basa ka din tapos yung damit mo ang dumi." sabi niya at tinitignan si Trely mula ulo hanggang paa.

"Si Trenya" maikling sabi niya.

Naikuyom ko naman ang kamao ko sa galit.

"Yung Trenya ang gumawa sayo niyan?" tanong ni Relya kaya tumango si Trely.

Ngayon! Hindi ko na ito mapapalagpas, kung nung una ay hinayaan ko lang siya. Ngayon humanda saakin yang Tracy na yan.

Kaya dali dali akong tumakbo palabas.

"Blesi! Saan ka pupunta?" tanong ni Jedi.

"May tatapusin lang akong kasamaan." galit na sabi ko. Halata namang nagulat sila at alam kong alam nila kung ano ang gagawin ko.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWo Geschichten leben. Entdecke jetzt