IKA-PITONG KABANATA

1.9K 115 0
                                    

Chapter 7

Bea/Blesi's P.O.V.

"Gusto mo na bang bumaba?" natatawang tanong ni ate.

"aysus halata naman ate na mas excited ka pa saakin kunwari ka pa." natatawang biro ko.

"aba gusto ko na din makilala ang mga bago mong kaibigan." ngiting sabi ni ate.

Inaayusan naman ako ni emmie mula sa kasuotan ko hanggang sa mukha sabi ko wag niyang masyadong kapalan ang make up ko dahil di ako sanay at baka maging clown ako HAHAHAHA.

Nagulat ako nung bumukas yung pintuan.

"bakit ka nandito?" tanong ni ate kay kuya na pumasok at lumapit saamin.

"kasi wala ako doon." pilosopong sabi ni kuya kaya napatawa ako.

"doon ka nga! Beautiful ladies bonding to!" pabirong sabi ni ate kay kuya.

"oh eh bakit nandito ka?maganda ka ba?" tawang tawa na sabi ni kuya.

Kaya napatawa ako ng malakas pati si Emmie ay hindi na napigilian ang tawa.

"ang bad mo talaga kuya!kaya wala ka pang nagiging kasintahan eh!" sabi ni ate with matching crossed arm pa HAHAHAHA.

"eh sa ayaw ko pa eh di ko pa nakikita ang aking pag-ibig." ngiting sabi ni kuya.

"aysus si kuya! Di bale kuya ang daming mga prinsesa sa baba ipapakilala na din kita sa mga kaklase ko sa Gyandol mababait yung mga yun." excited na sabi ni ate.

Gustong gusto niya na talagang magkaroon ng lovelife si kuya.

Pero si kuya as usual tanggi pa din.

Nung tapos na akong ayusan ay inalalayan ako ni kuya tsaka ni Ate sa suot ko si Kuya naman ang naging escort ko.

"Let's welcome our princess! Princess Blesithea Avery Laserya! This is the day of her 15th birthday." nagpalakpakan naman ang mga tao.

Yung ibang mga kalalakihan ay nakita ko pang may lumabas na kapangyarihan sakanila na puro rosas yun at nagsilaglagan mula sa taas.

Omooo rose!

"naiiyak ako kuya." bulong ko kay kuya.

"shh!masasayang yang ganda mo!" natatawang sabi ni kuya.

"Maligayang kaarawan bunso! Ang ganda ganda mo ngayon! Panigurado madaming matutulalang mga prinsipe dyan!" natatawang sabi ni ate kaya tinignan siya ni kuya ng masama.

"alam naman nating iba ang ganda ng ating bunso, Beryl! Pero wag mo nga munang isipin yan masyado pang bata si Blesi." mahinnahon na sabi ni Kuya kaya nakangiting tumingin saakin si Ate.

Pagkababa namin ay sinalubong ako ng yakap ni Ama at Ina.

"Maligayang kaarawan aking Bunso." sabi ni Ama habang hinalikan ni Ama ang aking noo.

"Napakaganda mo aking anak." ngiting sabi ni Ina habang hawak ang aking kamay.

"salamat po Ama, salamat po Ina." ngiting sabi ko. Ngumiti naman sila.

Pagkatapos ay nauna na silang lumakad papunta sa mga bisita para libangin.

Ako naman ay hinanap sila Harelya tsaka si Jedi pati na din si Trely.

Sakto namang nakita ko sila sa medyo gilid.

Kaya agad akong lumapit doon

"Trely! Jedi!" ngiting tawag ko.

"Blesi! Napakaganda mo naman! Maligayang kaarawan!" ngiting sabi ni Jedi at niyakap ako.

"maligayang kaarawan Blesi." sabi naman ni Trely at niyakap din ako.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now