TATLUMPUT PITO

604 40 4
                                    

Chapter 37

Bea's P.O.V.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita ang iba naming kaibigan hays.
Nandito ako sa may table namin nila Trely.
"Blesi!" rinig kong sabi. Nakita ko naman si Lomord na tumatakbo. Ngiti akong lumapit sakanya.

"Blesi ayos ka lang ba? Di ko nakita ang pagbabalik mo sa islang iyon. Tulog kasi ako nun. At kinabukasan ay sinabi ng babalik na sa ating mga isla. Waaahhh! Blesi! Patawad kung wala akong nagawa." umiiyak na sabi niya. Niyakap ko naman siya.

"Shh, wag ka ng umiyak." sabi ko sakanya.
Pinagtitinginan tuloy kami dito.

"Lomord," rinig kong sabi ni Kuya Ellio.
Bumitaw naman si Lomord sa yakap ko tsaka niya pinunasan ang luha niya.

"Prince Ellio." pagbati ko sakanya. Ayaw ko namang maging bastos. Dahil siya na din naman daw ang future king ng Kertuwa palace. Kinuha naman niya ang kamay ko at hinalikan iyon na ikinabigla ko.

"Maligayang kaarawan saiyo mahal na prinsesa." sabi niya. Binawi ko naman kaagad ang kamay ko. Tsaka pilit na ngumiti sakanya.

"Maraming salamat po. Pero masyado ho yata kayong agresibo, prinsipe Ellio." natatawang saad ko. Hinawakan naman ni Lomord ang braso ko para mailayo ng bahagya kay Kuya Ellio.

"Anong ginagawa mo, Lomord?" tanong ni Kuya Ellio.

"Inilalayo sa isang kagaya mo, mahal na prinsipe." sabi ni Lomord. Sinamaan naman ng tingin ni Ellio si Lomord.

"Ahh ano, tama na yan. Lomord tara na. Sige po Prince Ellio. Maraming salamat ho." sabi ko tsaka hinila si Lomord papalayo kay Kuya Ellio.

Nang makapunta kami sa may Veranda ay kinausap ko siya. Buti na lang soundproof ito.

"Dapat di mo ginawa yun sa kuya mo." sabi ko sakanya. Kahit na di niya sinaktan ang kuya niya ay parang pinahiya naman niya ito.

"Dapat hindi niya rin ginawa iyon sa iyo. Pakiramdam ko tuloy hindi niya mahal si Ate Beryl." naiinis na saad niya. Hinampas ko naman siya ng mahina.

"wag mong isipin iyon." sabi ko sakanya kahit na malakas din ang pakiramdam ko na wala na siyang feelings sa ate ko. Napaupo naman ako sa may upuan dito.

"Blesi, hindi makakapunta si Willio tsaka si Juno." sabi niya. Napatingin naman ako sakanya. Taka naman akong tumingin sakanya.

"Ang panget mo naman tumingin saakin, Blesi!" sabi niya kaya umamba ako na sasapakin ko siya. "Biro lang eh." Inirapan ko na lang siya at sumandal ako sa may sandalan sa upuan.

"Bakit daw di sila pupunta?" tanong ko.

"Sinabi ko bang umupo ka?" tanong ko sakanya nung uupo sana siya. Bigla naman siyang napatayo.

"Dapat ba magpaalam muna ako?" tanong niya. "Blesi, paupo ah." sabi niya at biglang napaupo ng mabilis sa tabi ko. Nagtawanan naman kami pareho.

"So, anong sabi sayo nila Willio?" tanong ko. Hays, di pa rin ako makapaniwala na pinsan pala ni Kuya Yael si Juno.

"Kinausap nila ako nun kaya ko nalaman na nakabalik ka na. Balak ko pa nga sana silang suntukin non kung di ko lang narinig na sinabi nilang bumalik ka na.
Tsaka naawa ako sakanila dahil may pasa na sila sa mukha nila. Ayaw ko ng dagdagan." pagmamayabang niya.

"Pero tingin ko nahihiya lang sila dahil wala silang nagawa noong magkakasama kayo. Dapat kasi sinama niyo ako eh." sabi niya. Nagcrossed arm pa ang loko.
Napahinga naman ako ng malalim.

"Wala naman silang kasalanan eh." sabi ko sakanya. Kung tutuusin dapat din akong magpasalamat sakanila dahil nakilala ko sila Aka.

"Kahit nung nawala ka ay sinisisi ko sila. Pati na rin ako. Kasi lagi lagi mo akong kasama at matalik mo pa akong kaibigan tapos di ako nakasama sainyo para protektahan ka sa mga yun." sabi niya.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now