KABANATA LABING SIYAM

880 56 16
                                    

Chapter 19


Bea's P.O.V

"what are you thinking?" tanong saakin ni Drano.

Ewan ko nga kung bakit kasama ko to ngayon eh. Bigla na lang siyang sumulpot ganern.

"iniisip ko kung paano kung mamatay ako " sabi ko. Yeah that's the truth. Yun nga ang iniisip ko.

Nakita ko siyang napatingin saakin.

"Bakit mo naman iniisip yang mga bagay na yan? Hindi ka pwedeng mamatay." inis na sabi niya.

Eh? Anong problema niya?

Iniisip ko lang naman hindi ko din naman gustong mangyari yun.

Nandito kami sa may forest ng school. Style lang siyang gubat ganern. Pero maliit lang.

Ang galing nga eh dahil may parang tambayan dito.

Namimiss ko na tuloy si blossom ko. Yung bulaklak na bigay saakin ni Prince Treoll. Lagi ko yung pinapailaw sa gabi.

"Iniisip ko lang naman kung paano nga kung mamatay ako. Pero wala naman akong intensyon na tapusin ang buhay ko." natatawang sabi ko.

"tss. Kahit na. Wag kang mag-isip ng kung ano ano." sabi niya.

Edi hindi.

Buti na lang hindi niya napansin ang kulay sa buhok ko. Naka hood kasi ako na kulay white. Good thing kasi medyo malamig din kaya useful siya ganern.

"what if you will become a Queen of Black blood?" tanong niya. Kaya bigla akong napatingin sakanya.

"Bakit naman ako magiging reyna ng mga dugong itim?" takang tanong ko.

"Nothing, im just asking." ngiting sabi niya.

Kung ano anong pinagsasabi niya.

"Soon, i will tell you the truth." ngiting sabi niya at umalis na.

Parang narinig ko na yan? Parang familiar saakin ang linyang yan?

Tumambay muna ako saglit dito bago ko maisipang bumalik sa nakaraan---sa dorm pala.

Pagpasok ko ay mga tulog pa ang mga ineng, eh kanina pa tapos ang klase nila.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Jedi at humiga sa kama ni Trely. My gosh nag sleep walk.

Hinayaan ko na lang kasi baka pagod sila. Nakatulog na din naman na ako kanina eh.

Naglinis na lang ako ng katawan.

Pagkalabas ko ng banyo ay may naghagis ng bato. Buti hindi natamaan yung tatlo. At kapag natamaan yung mga kaibigan ko malilitintikan talaga siya saakin. Kinuha ko ang bato at naglakad papunta sa may bintana.

'I miss you'

-Truwillio

My gosh anong kalokohan to?

Naalala ko nanaman yung tanong ni Trenya.

'do you have feelings for Kuya?'

Kahit siya na lang ang tao sa mundo hindi ko siya magugustuhan dahil ang turing ko lang sakanya ay kuya. Kuya lang as in.

Siguro kung nasa reality world kami tapos tatanungin saakin yun ni Tracy? Grabe tatayo agad balahibo ko.

Nilagay ko na lang yung bato doon sa may ilalim ng table ko.

Wala akong planong makipagbiruan kay Truwillio or mas kilala ko bilang Kuya Trev.

"Blesi" sabi ni Relya habang papikit pikit pa.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKМесто, где живут истории. Откройте их для себя