WALUMPUT ISA

376 27 0
                                    

Chapter 81:

Bea's P.O.V.

"Mag-iingat ka, huwag mong kakalimutan na uminom ng tubig. Kumain ka rin sa tamang oras ah." paalala ni Daddy bago ako bumaba ng kotse.

"Daddy, kanina niyo pa yan sinasabi. Kaya ko po ang sarili ko tsaka nandyan naman po si Kuya." saad ko.

"Hindi papasok ang Kuya mo dahil may aayusin siya ngayong araw. Alagaan mo ang sarili mo ah. Ipapasundo rin kita sa Kuya mo mamaya dahil darating ang asawa ng Ate mo." saad ni Daddy kaya wala akong nagawa kundi tumango.

"Opo Daddy." saad ko at napangiti naman si Dad. Humalik naman ako sa pisngi niya bago bumaba.

Pagkababa ko ay kumaway ulit ako kay Daddy bago niya paandarin ang kotse niya at tinanaw ko iyon habang papalayo bago ako naglakad papasok ng University namin.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko namalay nabitawan ko na ang mga librong hawak ko.

Matamlay ko iyong pinulot. Nagulat ako ng may lalaking umupo din sa harap ko at nakipulot.

Pinulot ko muna ang librong nasa harap ko tsaka tumayo. Pagkatayo ng lalaki ay napatitig ako sa mukha niya.

"May sakit ka ba?" tanong niya kaya nabigla nanaman ako. Napailing ako atsaka kinuha ang libro na nasa kamay niya.

"Thanks." saad ko. Paalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ahm... Anong name mo?" tanong niya.

"Bakit?" takang tanong ko. "Beatrice." saad ko nang hindi niya ako sinagot sa tanong ko kanina.

"Deyd!" rinig kong sigaw. Nakita ko pang napapikit itong kaharap ko at halatang nainis sa sigaw na iyon.

"Hoy!" sigaw nanaman kaya napalingon ako sa likod ko.

"Bea?" tanong ni Hans.

"Oh!" ngiting saad ko. Napatitig naman siya sa akin at sunod naman siyang napatingin kay Deyzon.

"Bakit magkasama kayo?" takang tanong niya.

"And so?" masungit na tanong ni Deyzon.

Tss, hindi pa rin talaga nagbabago ang ugali ni Drano dito sa mundong 'to.

Oo nga pala, magkaibigan pala si Lary tsaka si Drano sa libro. Dito rin pala syempre.

"Nagkasalubong lang kami. Sige na papasok na ako." saad ko tsaka umalis na.

"Wait!" pigil ni Deyzon kaya napatingin ako sa kaniya.

"Can I have lunch with you?" tanong niya.

Gosh ito nanaman si heart.

"Teka teka! At bakit?!" tanong ni Hans. Inis namang napalingong si Deyzon kay Hans.

"Can you please shut up?!" inis na saad ni Deyzon.

"Pre, kaibigan kita pero hindi ko hahayaan na mapunta ang buhay ni Bea sa maling landas." saad ni Hans kaya natawa ako.

"Sige, 11:30 ang break time namin." saad ko kay Deyzon para makaalis na ako.

"I will wait for you!" saad ni Deyzon.

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil bumibilis nanaman ang tibok nito.

Binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Nasa tapat na ako ng Building namin ng bigla akong may maalala.

Oo nga pala, isang linggo ng hindi pumapasok si Hanna. Nakalimutan kong itanong.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon