APATNAPUT WALO

458 33 4
                                    

Chapter 48

BEA/BLESI'S P.O.V.

~AFTER 1 YEAR~

Ang dami na ring nangyari. Sinagot ko na rin si Drano 6 months ago. Si Kuya Blast naman ay sobrang sweet kay Trely. Si Jedi naman ay nililigawan ni Treoll. Si Relya naman tsaka si Lomord ay may relasyon na din.

"Blesi!" napangiti ako sa tumatakbong kaibigan ko na si Lin.

"Sinabi kong wag kang tumakbo eh." natatawang saad ko.

Nasa ikatlong year na rin kami dito sa University. Si Kuya naman ay isa na siyang Prince Warrior at malapit na siyang italagang Crown Prince. Sa susunod ay sasanayin na rin siyang maging Hari.

Nakausap na rin ni Kuya si Trely tungkol sa pinag usapan namin 1 year ago.

"May nabalitaan ako." hinihingal na saad niya.

"Lagi ka namang may nababalitaan." natatawang saad ko.

"si Trenya bumalik na." sabi ni Lin.

"ha?!"

"Oo nga! Nakita ko siya kanina. Bakit pa siya bumalik? " inis na saad niya.

"Nakita mo ba si Willo?" tanong ko.

"Oo nasa Arena ata. Sige babalik na muna ako sa dorm namin." sabi niya tsaka naglakad na palayo. Dali dali naman akong pumunta sa Arena.

"Blesi?" ngiting tanong ni Juno bago pumasok sa gate ng arena.

Ngumiti din ako pabalik. Nakausap ko na siya at sinabi niyang wala naman talaga siyang balak na ituloy yung balak niya. Masyado daw akong mabait at nahirapan daw siyang gamitin ako. At marami pa siyang sinabi. Nararamdaman ko naman na kaibigan talaga ang turing saakin ni Juno ehh kaya pinatawad ko na siya kahit di pa siya humihingi ng tawad.

"Bakit ka nandito? Porke magaling ka na sa pagsasanay mo hindi ka na pumapasok sa klase mo ah. " natatawang saad niya.

"papunta na sana ako sa klase ko kaso may gusto lang akong kausapin." ngiting saad ko.

Pumasok kami ng sabay at tinulungan niya akong suotan ng safety gear.

Ay oo nga pala. Ang relasyon namin ni Drano ay isang sikreto muna. Nagkikita kami pagkatapos ng klase sa isa sa gubat na malapit sa Academy. Nakita ko naman si Willo na nakaupo sa gitna.

"Willo!" pagtawag ko.

Agad naman siyang tumayo nung makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito? " tanong niya na nakangiti.

"psh." Juno said and he walks away.

"totoong pumasok na ulit si Trenya?" tanong ko.

"ah kakauwi niya lang nung nakaraang linggo kaya pumasok na ulit siya."

"Saan daw galing?" tanong ko.

"Sa Aka namin. May sakit kasi kaya nandoon sila ng aming Ina. Ako nga lang naiwan sa palasyo kaya medyo hindi rin ako nakakalabas halos kasi maraming papeles na aasikusihin."

"Ahmm, madami na bang nagbago sakanya." nahihiya kong saad. Natawa naman siya.

"Wag kang mag alala nandito naman ako pag inaway ka niya." natatawang saad niya tsaka tumuloy na sa may gitna.

Sumunod naman ako sakanya tsaka kumuha ng palaso at nagpana sa mga target.

"Blesi, hindi ka na ba papasok sa klase mo?" tanong ni Juno.

"Sabi ni Gurong Sara kahit hindi na daw ako pumasok sa klase niya dahil nahanap ko naman na ang kapangyarihan ko. Marami lang talaga akong gustong matutunan sa klase niya." ngiting saad ko.

3 years palang ako rito kaya konti palang ang alam ko sa mundong ito. Madami pa akong gustong matutunan. Tulad ng bakit ang laki ng galit ng mga dugong itim sa mga Royal Blood.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon