IKA-LABING ISANG KABANATA

1.5K 75 9
                                    

Chapter 11:

Bea's P.O.V.

"Blesi! Bakit ka ba tulala dyan kanina pa? simula nung nakilala natin yung sikat daw dito sa academy ay nagkaganyan ka na, hindi kaya ay nahuhulog ka na sa kagwapuhan ni Truwillio?" sabi ni Trely.

Nandito kami sa Cafeteria at hindi pa din ako maka-recover sa nakita ko.

Ni hindi pa nga ako nakaka-recover doon sa sinasabi nung girl na kapangyarihan ko daw.

Tapos dadagdag pa yung kila Tracy at Kuya Trev.

Napatingin naman ako sa kanila.

Si Jedi ay natutulog at hindi nag-order maya-maya daw ay gisingin siya para makakain.

Si Trely at Relya naman ay nakatingin sa'kin

"Hindi noh! hindi ako mahuhulog doon tsaka inisip ko lang yung lesson namin." natatawang sabi ko.

Napatitig naman sila sa'kin kaya wala akong nagawa kundi ngumiti ng malaki sa kanila.

Taka pa din sila pero nag-umpisa na din silang kumain.

Paano napunta dito si Tracy at si Kuya Trev?

Hindi kaya ay kagaya sila ni Relya?

Na si Hanna sa reality at Harelya naman dito sa Libro

Si Tracy doon at Trenya naman dito

Si Kuya Trev sa reality at Truwillo naman dito

Gosh sumasakit ulo ko, paano nangyari yun? May kinalaman ba sa reality ko yung mga nakikilala ko? Eh paano yung mga ngayon ko lang nakilala?

Kung nandito sila Tracy at Kuya Trev edi ibig sabihin ang magulang nila ay si Tita Tere at si Papa?

'Everyone! who is Blesithea? Someone is here and want to see you! please come out. Thank you!' sabi nung babae sa speaker.

I think sila ang Student Council?

Kailangan talaga ganyan kapag may naghahanap sayo? Kailangan talaga iannounce?

Tumingin naman ako sa dalawa.

"Alis muna ako ah, mauna na kayo sa mga room niyo kung hindi pa ako makakabalik, tapos pakainin niyo na din si Jedi baka malipasan ng gutom." sabi ko na nakangiti at ngiti din naman silang tumango dahil puno pa ang bibig nila ng mga pagkain nila.

Feeling ko tuloy nanay nila ako na naghahabilin sa kanila, joke. Kumaway naman ako sa kanila.

Dumaan muna ako sa hallway at meron akong nakitang eksena.

May mga nanunuod din pero hindi masyadong marami kasi yung iba ay nasa cafeteria.

Sumilip ako at nakita ko naman si Tracy A.K.A. Trenya na hinahatak yung buhok nung babae na nakaupo sa sahig.

Gulat akong napatingin at awa na din dahil nakikita ko ang sarili ko doon sa babae.

"Sa susunod kasi huwag kang paharang-harang ah! Kapag ginawa mo pa ulit yang pagbangga mo sa'kin kakalbuhin na kita!" sigaw niya.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now