APATNAPU

601 41 4
                                    

Chapter 40

Bea/Blesi's P.O.V.

"Blesi!" rinig kong tawag saakin kaya napalingon ako.

Tumatakbo papalapit saakin si Treoll.
Paglingon ko sa pwesto ni Hoodman ay wala na siya.

Shems! Makikita ko na ang mukha niya eh!
Pagkadating ni Treoll sa harap ko ay sinamaan ko siya ng tingin. Pero nawala ang inis ko at napalitan ng gulat ng yakapin niya ako.

"A-anong nangyari?" tanong ko.

"Salamat, Blesi!" sabi niya.

Rinig kong ang ingay ng iyak ni Treoll. Ang ginawa ko ay unti unti kong tinap ang likod niya para mahimasmasan siya.

Humiwalay naman siya sa yakap at pinunasan ang luha niya.

"Nandito ka lang pala. Hinahanap ka namin." ngiting sabi niya.

"bakit ka umiiyak?" tanong ko. Pinunasan naman niya ulit ang luha niya gamit ang likod ng palad niya.

"Nagpapasalamat lang ako kasi bumalik na si Yael." ngiting sabi niya. Ngumiti naman ako sakanya.

"alam kong gusto din ni Kuya Yael na bumalik dito. Teka, anong sabi ng magulang niya?" tanong ko.

"Wala ang magulang niya kanina nung nagpakita si Yael. Maaga silang umalis dahil may sakit ang bunsong prinsipe nila." sabi niya.

"Pero..." nasabi ko na lang.

Pero isa din sila sa gusto kong makakita kay Kuya Yael. Hays.

"Pero alam kong sa ngayon ay alam na nila yun." sabi ni Treoll. Napahinga na lang ako ng malalim.

"Tara na, tsaka nakita mo ba yung bunso naming kapatid?" tanong niya.

"Kausap ni Relya. Hayaan mo na muna sila." ngiting sabi ko.

"Baka tapos na silang mag-usap. Tara na at hating gabi na. Dapat na tayo magsitulog." sabi ni Treoll kaya wala akong nagawa kundi tumango na lang. Pumunta na ako doon sa kinaroroonan ko kanina kung saan nag-uusap si Lomord at si Relya.

Pagkadating namin sa isang puno malapit kila Lomord ay huminto muna kami.
Nakita kong nakaupo si Lomord at nakayuko habang nagsasalita si Relya.

"Uulitin ko! Hindi ko gustong maging Reyna! Kung yun ang dahilan kaya hindi mo ako magustuhan. Gusto ko lang malaman mo na gusto kong mabuhay ng normal kasama ang taong mahal ko!" sigaw ni Relya kaya narinig namin. Nagkatingin naman kami ni Treoll pero binalik lang ulit namin ang tingin sakanila.
Sa pagkakataon na to ay tumingala na si Lomord dahil nakatayo si Relya.

"Harelya, hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba natatakot na mawala sayo ang katayuan sa isang kaharian?" tanong ni Lomord.
Medyo malakas ang boses niya kaya rinig namin.

"Wala akong pake!" sigaw ni Relya. Umiiyak na siya ngayon. Gosh! "mahal kita." dugtog ni Relya. Kita ko ang gulat sa mukha ni Lomord.

"mahal mo ako?" tanong ni Lomord.

"Hindi ba halata?" umiiyak na tanong ni Relya.

"Sagutin mo ako! Mahal mo ako?!" tanong ni Lomord.

"Oo! Mahal na mahal kita!" sigaw ni Relya. Nagulat ako ng halikan ni Lomord ai Relya.
"binata na ang kapatid ko." bulong ni Treoll. Kaya natawa ako. Tumingin ako kay Treoll at sinenyasan siyang tumahimik.
Tumingin na lang ulit ako kila Lomord.

"mahal din kita." sabi ni Lomord at niyakap niya si Relya. And then they lived happily ever after, charrot.

Naisipan na naming lumabas dahil nga baka hinahanap na din kami.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKWhere stories live. Discover now