YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

By christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... More

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 151
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 155
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 76

591 49 0
By christilita


Kabanata 76


_________________





JEAU P.O.V.



Para ata akong nasa impyerno ng mapaso ako! Ang sakit sobra! Saka ng muntikan ng mahulog yung kawali ay napakapit ako dito dahilan para mapaso ako kanang kamay at napatalon sa putanginang sakit!.



"Jeau!!!"




Hindi ko rin inaasahan na makita ako ni pangit at napatulala ako bigla kasabay sa pagkawala ata ng sakit sa kamay ko, parang nawala lang yung sakit nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Unang pagkakataong ginawa niya.




Napatitig ako sa kanya, mabilis ang lakad nito papunta sakin na kasing bilis rin ng tibok ng puso ko ang nararamdaman ko ngayon. Diko maintindihan ang nangyayari pero sa bawat pagpitik ng puso ko ay unti-unting diko na naiintindihan ang pakiramdam.



"Hoy! Ayos kalang ba!?" Sigaw niya na hinawakan ang kamay ko, tulala lang ako at titig na titig sa kinikilos niya.


"J-jeau?" Bangit ko at napakunot noo lang siya!. Mabilis lang akong napailing ng makita kong seryuso siyang napatitig sakin. Nilayo ko ang kamay ko mula sa kanya at pinatay muna ang stove bago umalis sa kusina.



Pumunta ako sa labas ng bahay at diretso patungo sa may harden ng lola ko. Hindi ako makahinga, bwesit.



Pilit akong humihinga ng tatlong beses para pakalmahin ang sarili na di ko maintindihan! Bawat paghinga ko ay si pangit ang naiisip ko!






"Ugak! Gago! Bat siya ang naiisip ko!? Eh ang pangit non!" Reklamo ko at muling guminhawa ng malalim. Binigyan ba naman ako ng sakit sa puso ngayon.



Parang mas masakit patong dibdib ko ngayon kesa kamay na may paso.



Ilang minuto rin ang itinagal ko doon bago bumalik sa loob, naabutan ko siyang nakaupo sa may sala at akma ko sana siyang lalampasan ng magsalita.



"Gagamutin natin yang paso mo." Tipid na sabi niya na walang pinagbago noon masyadong tinatamad magsalita, walang kabuhay-buhay!.


"Ayoko! Kaya ko ang sarili ko! Hindi ako mahina gaya ng iniisip mo!" Patapang-tapangan na sabi na walang tingin-tingin sa kanya.



"Wala akong sinabi. Ang sabi ko lang gamutin natin, pag-panggagamot na ang pag-uusapan dito wala ng malakas at matapang dito ang kailangan ay magamot." Aniya pero diko siya sinagot at pa at naglakad paalis nang magsalita siya.







"Kasama ito sa kontrata natin." Tipid na aniya na aking ikinalingon!.





"At papano naging kasali ang ganito!?" Anas ko sa kanya, sa pagkakaalam ko sa exam lang ang koneksyon sa kontrata namin kagabi! Abay! Gusto nalang niya lahatin?. "Kaya ko naman ang sarili ko! Wala lang to sa kagat ng aso! Tsaka kaya kong gamutin ang sarili ko na di magpapatulong sayo!" Panay taboy ko sa kanya, ayoko na talagang lumalapit sa kanya! Parang may kakaiba kasi!.




"Kasali yan. Paano ka magte-take ng exam kung malaki ang paso sa kamay mo?" Aniya na ikinatingin sa kamay kong namumula sa sakit, sa hindi pag-iingat ko kanina at pagkataranta ay napahawak ako sa nilulutuan ko. Malaki ang paso at masakit nga iyon, napakahapdi!! por santo ni petroleum ng apollo ay di kayang gumamot!.




"Ano naman!" Giit ko pa at napatayo siya papunta sakin, masama ko siyang tinignan. Ayoko na ngang lumapit sa kanya tas siya na naman!. Alam kong habulin ako ng babae pero huwag ngayon! Masyadong mahapdi ang kamay ko!





"Ang problema pag hindi nagamot ay siguradong lulubha?" May pananakot sa boses niya "Na magdudulot ng inpeksyon sa balat dahilan para ikabagal mong magsulat at mauubusan ka sa oras sakto para sa araw ng test." Napapailing na aniya at doon ako nakaisip na tama siya! " Pag ganon ang mangyayari uuwi kang talunan, sakin, sa lola mo at ano nalang ang iisipin pa ng Senador?"





"Ayssshhh! Oo na! Daming pananakot! Kala mo namang takot ako sayo!" Reklamo ko at umupo na sa may sofa. Tahimik lang siyang naglabas ng mga gamot at akmang hahawakan ang kamay ko ng ilayo ko yon! Ayokong hawak-hawakan niya ang kamay ko! Naisip ko na naman ang pakiramdam ko kanina at ayoko talaga nong bumalik!.





"A-ako na ang mag-gagamot sa sarili ko! Akin nalang yang mga gamot--aray!" Sigaw ko ng malakas! Hablutin ba naman niya ang kamay ko at seryusong tinignan iyon. "Pangit!" Bulalas ko at seryuso naman siyang gumagamot doon, napapikit ako sa sakit ng simulan na niyang lagyan ng gamit.





"Parang dika lalaki sa sitwasyon nato." Sabi pa niya ng simulan na niyang lagyan ng isang liquido! At napapikit muli ako!




"Bahala na kung parang hindi ako lalaki sa ganito! Hindi lang ako sanay! Ayaw ni lola na magkasugat ako!" Giit ko.



"Bakit pa kasi nagluluto kung hindi naman kaya." Saad niya at napadilat ako, nakatingin lang ako sa may noo niya. Nakayuko lang siya ngayon habang nililinis ang paso ko.




"Gusto ko lang magluto! Ang damot mo ba naman! Ikaw lang ang nagluluto sa sarili mo!" Pag-aamin ko! Yon naman ang napapansin ko sa kanya simula kahapon pa!.





"Ngayon gusto mo lutuan na kita?" Walang ganang sabi niya pero nag-iiba sa pakiramdam ko! Bwesit ano tong pangit na pakiramdam nato!!?






"Hindi no! Sadyang napaso lang talaga ako!" Reklamo ko nalang at napaiwas. Nang matapos niyang gamutin ay tumayo na kami pareho, ayos na ngayon ang kamay ko kumapara kanina.





"Hindi kita nalutuan kasi hindi ko alam ang paborito mo." Aniya at titig na titig parin ako sa kanya.



Hindi nagtagal ay siya ang nagluto ng hapunan samin, kaunting tanong lang at usapan namin at galak ang puso ko sa ginawa niya pero labag naman ang isipan ko!, hindi na ako nagsasalita sa kanya dahil naiilang ako sa pakiramdam ko! Ang pangit talaga! Kasing pangit niya!.






Kagaya nung una at kahapon ay dito parin ang padpad namin sa library. Dito niya na ako tuturuan at kasabay mag-aral. Tahimik lang siyang nagbabasa kagaya ko at diko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.





"Ito?. Hindi ka naguguluhan sa solution dito?" Sabay turo sa isang mahabang solution sa papel at umiling ako.



"Wala akong problema sa math..ang problema ko lang ay madali akong matuto at maintindihan kung nagdi-discuss ang guro pero pagdating sa exam ay parang nabla-blako ako, nawawala lahat ang pinag-aralan ko." Pag-aamin ko na inaalala ang nangyari nung isang taon.




"Nangyayari lang yan dahil inuunahan ka ng kaba. Ang gawin mo lang jan ay guminhawa ka ng malalim at unti-unti mong bubuksan ang isipan mo kung saan ka ngayon." Kalmadong sabi niya at hindi ako nagreklamo doon, siguro tama siya sa parteng iyon.





"Madali lang ba sayo ang exam?" Naitanong ko sa kanya "Y-yung sa E.E noon.." takang tanong ko.




"Hindi naman pinag-aaralan ang isang entrance exam, kumbaga logic lang ang mga tanong. Sadyang pinalad lang ako doon." Kalmadong sabi niya.





"Kung ganon..bakit nahuhuli ako sa bawat exam." Wala sa sariling tanong ko.





"Inuunahan ka nga ng kaba, kapag ganon unti-unting nawawala ang naiisip mo hindi ka focus. Kung naiintindihan mo ang mga tanong ay sagutin mo na walang pag-aalinlangan, pakalmahin mo ang sarili lalo na at nerbyuso kang tao." Mahabang paliwanag niya. Napapasulyap ako sa boung mukha niya sa tuwing magsasalita siya ng mahaba, iwan pero para ng nagagalak akong nagsasalita siya ng mahaba! Panay tuon pansin niya sa binabasa niya di niya napapansin na napapatitig ako hanggang sa makita muli ang sugat sa pisngi niya.





"Hindi mo pa din ginagamot yan!?" Tanong ko pero di siya humarap sakin ng sumagot.



"Wala lang naman yan." Aniya at kunot noo akong tumayo para kumuha ng gamot, nang makabalik ako ay pilit ko siyang gagamutin at siya na naman ngayon ang aayaw! "Para saan na naman yan?" Walang ganang sabi pa niya. Tama siya, wala akong pakialam sa kanya sa tuwing may mangyayari sa kanya! Di ko din alam!






"I-ibabalik ko lang ang ginawa mo sakin kanina! Ugok!" Nauulol na sabi ko bago nilinis ang sugat niya. Hindi naman ganon ka lalim at laki ito pero nakakasakit sa matang tignan na may sugat siya doon na hinahayaan lang.




"Pwede namang ako ang gagamot hindi na kailangan ng kamay mong nalulumpo." Giit niya pa na hindi makatingin sakin. Ito ang unang pagkakataon mapalapitan ko siyang tignan, naiilang ako pero gusto ko naman bwesit na pakiramdam ko nakakapanibago!. Pero..ang yabang niya paring magsalita!.





"Ito ka na naman hambog ka! Kung marunong kang gumamot sa sarili bat di mo pa ginawa!? Wala ka talagang kalinis-linis na babae!" Reklamo ko at dina siya pumalag pa. Di kalaunan ay nilagyan ko na ng band-aid iyon.



"Kumusta na naman kayo ni Monica?" Naitanong niya ng makaayos na kami ng upo, naibalik ko narin ang med kit ko at naalala ko ang nangyari kanina samin kanina ni Monica.






Magkasama naman kami boung recess at lunch break nga lang ay naiilang ako sa kanya panay sorry ko dahil alam ko ako ang nagkamali sa aming dalawa, nag-iisip ako ng masama sa kanya habang siya ay inaayos ang oras para magkasama lang kaming dalawa. Nalilimutan ko na malaki ang role niya sa Laurente, tanging sarili ko nalang ang iniisip ko.






"Masaya naman kami lalo na kanina! Sabay kaming kumain sa canteen at kahit na may kasalanan ako sa kanya ay pinatawad niya ako. Ganon kabait si Monica ko!" Pag-aamin ko, maganda ang pagsasama namin ni Monica nga lang kulang sa oras minsan pero nasanay naman akong maghintay sa kanya saka di ako nagreklamo kung naghihintay man dahil pinangako ko sa kanyang hihintayin ko siya.





"Ahh." Tipid na tugon niya at bumalik na nga kami sa dati na panay aral, sulat dito sulat doon sa mga reviewer!.




"Ang sakit na talaga ng utak ko! Ang hirap ng ilan, patapos na naman tayo inaantok na rin ako!" Reklamo ko sa kanya, sanay siya na matulog ng dalawa o tatlong oras pero ako? " May bukas pa nama--"






"May lakad ako bukas.. saka pahinga tayo bukas para hindi tayo mabaliw dito." Aniya, una akala ko biro lang sinasabi niya pero seryuso pala siya doon?.



"Bakit kaba nag-aaral ng maaga kung sa susunod na linggo pa kayo? Sumasabay kaba sakin dahil tumutulong ka?" Sabi ko at tamad naman ang kanyang tingin sakin.




"Sa lunes, sabay tayo." Aniya na ikinagulat ko.





"Weh? E bakit? Teka hahaha! May kasalanan ka no!" Asik ko pa akala ko ako lang talaga ang nag-iisa! Akalain mo nahihiya at kinakabahan akong mapasama sa mga grade 7!.





"Basta yon na yon." Tipid na aniya at nililigpit ang mga gamit namin sa lamesa. "Alam naba niyang sa lunes ang exam mo?"




"Ha sino?" Takang tanong ko.




"Si Monica." Diretsong aniya dahilan para matigilan ako saglit.






"Hindi ko pa nasasabi sa kanya dahil mas maliit lang naman tong ganito na sitwasyon kesa sa kanya ngayon." Sagot ko at napailing siyang napangisi na parang nang-aasar sakin!.





"Oh!? Bat ka ngumingisi-ngisi ka jan!" Giit ko.




"Bakit? Pasan niya ba ang Laurente palagi?" Tanong niya na hindi ako makasagot "Busy ba lahat ang officers ng school kahit exam?" Umiling rin ako sa pangalawang tanong. " Abala lang naman sila pag may event sa campus. Saka kung gusto mong ikwento sa kanya ang nangyayari sayo sabihin mo." Sabi niya pa at kunot noo akong napasagot sa kanya.







"Ayos na nga sakin ang hindi magkwento sa kanya saka hindi siya palakwento na babae. Hindi ako nagkwekwento kasi hindi na yon mahalaga samin" anas ko. Nakapamiwang siyang napatingin sakin at sinusuri ako.





"Oh! Ano na namang erereklamo mo?" Bulalas ko at nawawala siya ng ganang bumuntong. Buntong na nga lang nawawalan pa ng gana.



"Kung ganon anong klaseng relasyon pala ang meron kung walang magkwekwento sa inyo?" Tamad na aniya at doon naisip ko rin na may tama siya, hindi sa pagbibigay mali ulit kay Monica kung ano kami ngayon pero tama si pangit. Parang hindi nga tama.




"Manliligaw lang naman ako kaya maghihintay lang talaga ako." Giit ko pa.




"Maghihintay? Kahit dika sasagutin?"



"Hoy! Sobra na yon ah! Ang dami mong sinasabi para namang may nagmamahal sayo! Ni wala ka ngang jowa!" Asik ko at sinulyapan niya lang ako at binubuksan ang isang librong nakikita niya lang sa tabi.





" Relationship expert? Yung siya na nga single siya pa ang marunong magpayo." Tipid na sagot niya habang nagbabasa.



"O-oo ganon ka nga!" Anas ko pa. " Hindi na namin kailangan ng ganon basta magkasama lang kami ay ayos na ako don, titiisin ko nalang na hindi kami magkikita basta ang alam ko pagkatapos nito ay may sarili na kaming oras para magkasama." Nakangiting sagot habang naiisip si Monica. "Siya.." putol ko ng inaalala ko ang lahat noon.




"Simula Junior high ako ay plano kong isa sa TVL, maging pilot kung hindi papalarin ay sasabak sa showbiz, madali lang naman makapasok doon basta may kakilala at hindi mahirap sakin dahil sikat ang mga pangalan namin sa gobyerno na konektado lang rin ang ilan sa showbiz." Sabi ko ng umupo siya ulit at tinititigan ako.





"Kwento kalang, nakikinig ako." Tipid at sinseridad na aniya at parang nahihiya ako sa sitwasyon namin ngayon. Mga kaibigan ko lang ang nakakaalam sakin at kung magkwekwento man ako ay siguradong siya ang unang makakaalam sa babae.





"Nung first day of school sa pagiging Senior high ko ay TVL ang napili ko, habang ang mga kaibigan ko ay puro STEM. hanggang sa makita ko ang isang transferee na babae sa may hallway, sinundan ko siyang dahilan kung bakit ako nasa Stem. Hindi ko inaasahan na medyo mahirap ang nakuha kong strand ngayon kaya minsan napapagalitan ako ni papa dapat kasi HUMSS ako dahil yon ang gusto niyang maging isa ako sa mga politiko, kailangan kong mag-aral na may linya sa ganon pero ayos lang naman! Dahil nag-aaral na ako ng mabuti ngayon para sabay kami ni Monica!." Masayang sabi ko na napatingin sa kanya. Nakinig lang talaga siya at tumango.






"Pero hindi lahat ng gusto mo ay ipapalit para sa kanya-"



"Hindi lang basta-basta na babae si Monica sakin! Napakahalaga niya! Saka pag-ibig ang tawag don pangit! Pag-ibig!" Reklamo ko at tumango lang siya ulit sabay sarado sa libro na hinarap ako.




"Walang problema kung gustuhin mo siya ang problema dito di mo nalang namamalayan binuhis mo na pala ang lahat sa kanya. Sa tingin mo ba, masaya ang isang pagmamahalan kung isang tao lang ang nagbuhis?" Hindi ako nakapagsalita ng sabihin niya yon, puro tama ang naririnig ko sa kanya ni hindi ko makita ang sarili ko doon. "Kung pagmamahal ang tawag don bat parang ikaw ang nagpapatuloy?"






"P-pangit." Seryusong bangit ko, sa mga sinabi niya ay diko maisip ang sarili ko kung nakagawa ba ako ng mabuti para sa sarili ko. "Nag-kwekwento lang naman ako dito bakit napunta dito?" Wala sa sarili sabi ko.




"Mahalaga ang pagkwekwento. Dahil doon mo makikilala ang isang tao, kung anong klaseng tao siya." Saad niyang napatitig sa lamesa, nilalaro ang kuko nito. Sa tahimik naming dalawa dito ay tanging AC lang ang naririnig naming gumagana.




"Dahil doon mo masusukat ang isang tao kung interesado ba siya sayo."











_____________________________
     VOTE & FOLLOW ME💖

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...