YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

By christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... More

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 151
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 155
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 70

586 43 0
By christilita

Kabanata 70




__________________



JEAU P.O.V.



"Ikaw! Ikaw na nasa gitna!"



"Ako Miss?" Turo ko sa sarili baka nag-assume lang ako dito, ayokong tumayo!.


"Oo ikaw! Ano pang hinihintay mo, bumalik sa buhay ang mga yumaong kurap!" Asik ni Miss Alonzo! Ang high blood niya ngayon! Wala akong magawa kundi tumayo at ito na naman sila Stanly at Kurt panay tawa ng patago kala mo perfect!.





"Yes Miss!?" Malakas na usal ko para matahimik ang mga katabi ko na walang nagawa maghapon sakin kundi bwesitin ako!.




"Sinisigawan mo ba ako?" Taas kilay na usal ni Miss at agad akong napailing.




"Ang malas ng araw niya." Mahinang bulong ni Kurt sa may likuran ko.



"Pinanganak ba naman sa tag-init." Natatawang usal ni Stanly, masama ko silang nilingon pero walang humpay parin ang pakikibwesit nila sa akin.




"Kayo ang malas sa pang-araw-araw ko!" Asik ko sa kanila na kami-kami lang ang makakarinig.




"Mr. Martinez!! Saan ka lumulutang ngayon!?" Asik ni Miss na nakapamiwang sakin at hawak ang whiteboard eraser.





"Sa himpapawid-este sa puso ay hindi..hindi..hindi Miss ah!" Pag-aamin ko at napakunot noo ako nang napatawa ng malakas sina Kurt at Stanly nagkisabay narin ang ilan. Napailing akong lumingon sa may whiteboard nalang hindi na papansin ang mga ugok.




Sa paglingon ko kay Miss Alonzo ay napatama sa mukha ko ang tinapon niyang hawak kanina na whiteboard eraser! Saktong hulma at lapad lang ng eraser sa mukha ko!. Napaupo ako dahilan sa lakas nito na agad ring tumayo magrereklamo sana sa ginawa ni Miss nang mapatulala ito.





"M-martinez, Im sorry hindi ikaw dapat ang matamaan kundi yang dalawa sa tabi mo!" Giit niya at napatahimik nalang rin ang lahat. Tulala at inis akong nakatitig sa white board hanggang sa pinalabas si Stanly at Kurt ni Miss Alonzo. Humingi naman ng patawad sakin si Miss sa nangyari. Nang makalabas na kami nina Lindon at Calvin sa classroom papunta sa library, sila lang ang natira na kasama ko ngayon dahil sila lang naman ang matino-tino sa grupo namin.




"Paniguradong nasa library ang mga ugok." Nakapamulsang sabi ko.



"Yung dalawang yon.." napapailing na usal ni Lindon. Napagtitinginan na naman kami siguro naninibago dahil kulang kami ng dalawa sa grupo.



"Sila lang talaga ang nagkakaintindihan." Dagdag pa ni Calvin.



Nang makarating na nga kami sa library ay naabutan namin doon sina Kurt at Stanly na nagbabasa lang ng libro. Napatayo sila ng makiupo kami sa kanila.



"Eh! Gago ba naman! Di napalabas kayo! Hahaha kahiya!" Asik ko sabay apir sa kanila.



"Musta ang mukha mo?" Natatawang sabi ni Kurt.



"Gago! Gwapo parin! Kahit white board pa ang itapon sakin ni Miss!" Pagyayabang ko sa kanila.




"Nga pala sino ang binoto niyo kanina?" Usal ni Lindon ng mailapag niya ang libro na babasahin namin para sa kakailanganin na subject namin.



"Sa strand natin? Si Valdez." Sagot ni Stanly, tumango-tango rin ako sa kanya, pareho kami ng taong ibinoto.


"Sa Abm--uy teka yung Humss? Paniguradong maraming bumuto sa kanya lalo na at apo siya ng may-ari ng Laurente." Asik ni Kurt samin.



"Ha? Bakit mananalo agad basta apo?" Usal ni Lindon "depende sa panahon nalang siguro."




"Ayshh! Mananalo talaga yon! Mayabang yon eh! Tsaka may ilan naman na Laurentians sipsip at papansin lalo na kung big deal ang kaharap!" Saad ko nalang at napangisi sakin si Stanly "oh? Ano na naman yang ngisi mo dyan?" Parang panay ngisi na nila ngayon eh parang sabaw.




"Gusto mong manalo siya?" Tipid na usal ni Calvin at napatigil ako bigla.





"S-sinong may gusto! Gagi ba kayo! Walang may gusto sa kanya mga ulol!" Giit ko at kinuha ang isang librong nasa may lamesa lang rin.




"Maikli lang naman ang tanong bakit ang haba ng sagot." Usal ni Lindon na nilalaro ang tenga niya animoy may tutuli!.



"Ha! Paki ko don!" Asik ko pa.



"Baliw, nawala na tayo sa tanong ni Calv!" Reklamo ni Stanly, hindi nalang ako umimik sa kanila nang kunin pa ni Kurt ang libro at ang mukha niya ang ipinatong doon na nakangiti.




"So ano? Parang may mali sayo Jeau. Sasagot kana nga lang kinakabahan pa! Hahaha!" Pang-aasar niya sakin




"Mga langya!" Asik ko na saktong may lumapit samin na librarian na naka-eyeglasses at nagtataray pa samin.




"Labas." Nakapamiwang na usal nito at nagkatinginan nalang kaming lima na parang mga baliw. "Dapat nagbabasa kayo hindi nag-uusap." Pagmamataray samin ng librarian at dahil si Lindon ang mabait sa amin ay siya na ang tumayo at humingi ng tawad kay Miss. Nang lalabas siya ay napasunod nalang rin kaming apat. Napahikab nalang si Calvin sa nangyari at walang bago natutuwa pa ang dalawa naming ugok.




"Isang tanong lang naman ang sinabi ko at nanahimik nalang rin." Usal ni Calvin.



"Kasalanan nila!" Turo ko kina Kurt at Stanly na nag-aakbayan pa sa likuran ko!. "Mga isip bata!" Saad ko pa.



"Ayy nagsila ang mature! Patingin nga sa mukha ng mature hahahaha!" Biro ni Kurt



"Kasalanan ni Jeau! Kung magsalita ba naman akala mo nabibingi na ang mga katabi niya.." giit ni Stanly at masama ko lang siyang sinulyapan.



"O saan na tayo nito? Hindi tayo pwedeng bumalik sa classroom dahil may pinapahanap si Miss na meaning para sa activity natin ngayon pero pinalabas na tayo." Usal ni Lindon.




Napakamot nalang akong naglalakad sa may hallway, ang ilang mga estudyante na dinadaanan namin ay napapatingin may ilan rin sa loob ng classroom ang napapatingin samin, nagtataka kung bakit kami lumalabas kahit oras pa ng klase.




"It makes us cool!" Natatawang sabi ni Kurt na binatukan nalang rin ni Stanly.




"Cool-coolin ko yang mga dugyot niyong mukha! Kayo pa naman ang may kasalanan." Sabi ko pa hanggang sa mapahinto si Lindon at Calvin sa may unahan ko saktong nabundol ko pa ang likuran ni Lindon.



"Mamayang hapon ang results sa bawat representative." Tipid na sabi ni Calvin.



"At malapit na ang exams natin. Ilang araw nalang rin ang bibilangin." Paalala ni Lindon samin dahilan para may kaunting kaba sakin.




Nang mag-recess na nga ay doon parin kami sa dating pwesto na paborito namin at hindi magkalayo ang lamesa namin nakita ko si pangit na seryusong kausap ang kaibigan niya.




"Jeau.." nahihiyang bati sakin ni Monica na agad ein akong napatayo para isali siya sa grupo namin syempre hindi mawawala ang mga 'ayieeut' sa paligid namin





"Sina Bridgette at Aica?" Tanong ko naman ng magkatabi kami ng upuan.




"Mag-oorder sana kaming tatlo kaso ako ang nauna dito." Aniya sabay ayos sa buhok.




"Ahmm ayos lang yan! Para masolo kita Monica-babe!" Sabi ko at napailing nalang sina Lindon at Stanly.




"Ingit ang mga pangit." Giit ko sa kanila at sakto naman ang pagdating nina Calvin at Kurt sa amin na nilapag ang mga na-order nilang snacks.




"Kung pwede lang talaga akbayan at subuan ka ngayon Monica ay gagawin ko pero nakabantay naman ang ilang guro satin." Usal ko na binigyan siya ng pagkain, pilit niyang siya na ang bahala sa sarili niyang kumuha pero ayoko! Ako dapat ang magbibigay ng pagkain niya! Ganyan ang lalaking sweet sa babaeng mahal niya!




"Salamat Jeau..nga pala handa kana ba sa exam?" Tanong niya, pag siya ang kasama ko ay hindi ko maririnig ang mga boses ng mga ugok kong kasamahan dahil si Monica lang ang mundo ko sa tuwing lalapit na siya sakin. Kanya-kanya rin ng usapan sila.





"Hindi pa pero kung turuan mo kaya ako pati ang puso ko-"




"Yawa hahaha!!!" Natatawang saad ni Kurt "turuan daw e may tutor kana!" Parinig niya at lihim kung tinadyakan ang sapatos niya sa ibaba, akala ko tatahimik na ito pero nagkamali ako. Natawa lang ito habang kumakain ng fries pero hindi samin ni Monica ang paningin. "Dagdagan mo pa ng tutor, baka mas tatalino kana niyan at may masapawan haha!" Usal nito at napatingin samin "Diba Monica?" May kung anong emosyon na usal nito pero diko mawari kung ano.



"H-ha? Ano?" Naiilang na sabi nalang ni Monica kay Kurt




"Ayssh! Monica-babe huwag mo yang pansinin ito kainin mo para lalago ang pagmamahalan natin." Usal ko sabay bigay sa kanya ng burger at strawberry shake.



Nasa kalahitnaan nga kami ng kanya-kanyang pag-uusap nang magtanong sakin muli si Monica. "May tutor ka?" Mahinang aniya at napatigil ako sa pagsip-sip ng shake ko at napasulyap sa kanya na umiling.




"Wala Monica-babe..katulong lang yung pinagtri-trippan ni Kurt." Nakangiting pagsisinungaling ko, ramdam ko ang titig ni Lindon pero paki ko ba? Ayokong sabihin kay Monica na sa grade-level ko ngayon ay may tutor pa ako! Nakakahiya yon para isang mangliligaw na gwapong katulad ko! Bagsak puntos kung mangayayari!.





"Sina Bridgette at Aica nga pala kailangan konh balikan, hahatiran ko nalang sila ng snacks. Busy sila sa ginagawa nilang task ngayon." Sabay tayong sabi ni Monica dala ang order niya kanina.


"Hatid na kita!" Usal ko at wala nga siyang nagawa non kundi ang maihatid ko siya paakyat sa classroom nila.




Habang palakad kami ay tahimik lang at tanging ingay lang ng bawat yapak namin ang nangu-nguna aa ingay. Nag-isip ako ng pwedeng pang banat sa kanya para natin magkausap kami. Halata rin kasi kay Monica na nahihiya lalo na at makikita sa mukha niya ang pamumula. Kinilig na siya sakin!.




"Monica-babe!!" Tawag ko sa kanya dahilan para mapatalon siya sa gulat.



"Ano?" Aniya na kinakabahan.




"Tea kaba?"nnakangiting sabi ko at napakunot ang noo niya sakin pero sumagot naman.


"Hindi? Pero Bakit?" Aniya na naglalakad ng mabilis pero hinawakan ko ang kamay niya at naglakad lang kami ng hindi gaano kabilis.




"Kasi noon hanggang ngayon ay tea-natamaan parin ako sayo Monica-babe!" Banat ko at dahan-dahan siyang napangiti sabay sapak sakin.




"Bumabanat kana ah!" Natatawang usal ni Monica.




"Meron pa! Meron pa!." Masiglang sabi ko ng papaakyat na kami sa hagdanan.



"Ano?" Taas kilay at nakapamiwang na aniya.



"May lahi kabang keyboard?" Natatawang usal ko, namumula na kasi ang mukha niya.




"Ha?"




"Kasi type kita.." banat ko at napangiti siya sakin. Napatitig siya ng ilang sandali sakin bago hawakan ang kamay ko.



"Jeau.." tawag niyo sakin.



"Y-yeah?" Natutulalang sagot ko.



"Jeau kaba?" Siya


"Bumabanat kana rin?" Tanong ko sa kanya at nakangiti siya napatango " Sige.. bakit?"



"Jeau-wang jeau-wa kana sakin?" Aniya at napangiti nalang ako. Alam ko na hindi nakakatawa ang banat niya! Hindi naman talaga dahil seryuso siyang nagsabi sa huli. Napatango ako sa sinabi niya at saktong nakapahinto narin kami sa classroom nila. Mahinang kinurot niya ang pisnge ko na nakangiti at nangigigil. "Kung ganon..mahalin mo pa ako dahil mag-aaral pa tayo." Aniya sabay yakap sakin at kinindatan pa ako bago pumasok.




Nang makabalik na nga ako sa canteen hanggang sa classroom namin ay tulala parin ako sa huling sinabi ni Monica sakin. Kung para sa ilan ay walang-wala lang pero para sakin nakuha niya ako! Ang lakas ng tama ko sa kanya.




"Pag di kayo nakatuntong sa ng 180-200 na score ay paniguradong makakaulit kayo ng exam alam niyo naman na yon ang rules dito!." Sabi ng adviser namin na nakaupong nagpapaliwanag sa harapan.



"Magiging mama narin ang tawag ko sa inyo." Halos pabulong na sabi ko na ako lang rin ang nakakarinig sa nasabi ko.



"At kung hindi kayo makakatung-tong sa passing score ay uulit kayo! At kung hindi pa talaga kaya makakapasa ay sa Dean ang bagsak niyo para kausapin at mag-take ulit ng entrance exam!." Biglaan sigaw ni Miss Oblada samin dahilan para mapatayo ako sa gulat.



"Yes Mr. Martinez!?" Tawag ni pa Miss sakin.




"H-ha?" Lutang na usal ko at doon ko nalang namalayan na nakatayo na pala ako at nagsihik-gikhikan ang mga kaklase ko sa kakatawa. Napailing ako sa pinalad ko, sa sobrang lutang ko ay napahiya ko ang sarili ko! Napatingin ako kay Miss Oblada na sobrang taray sout ang paulit-ulit na pulang ribbon niya.




"Mr. Martinez!!! Saan ka nakikinig? Bakit ka tumayo!? Gusto mong mauna sa exam!?" Asik pa ni Miss Oblada at doon lang ata ako nabuhayan at nawala sa kalutangan.




"Miss!!!?"




"Next week! Ikaw ang mauunang magte-take sa exam!" Giit nito na ikinagulat ko.







_____________________________
       FOLLOW ME!!






Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...