YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

By christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... More

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 151
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 155
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 67

573 51 5
By christilita


Kabanata 67



_______________





JEAU P.O.V.




Mahina akong napanguso at kagat labing nag-iisip ng sasabihin, gusto kong magtanong pero sa sitwasyon niya ngayon ay ipapaisantabi ko nalang muna. Hindi ko alam kung ano talaga ang meron sa kanila ni Monica pero wala na ako sa linya para mangialam. Nasaisip ko parin talaga ang mga katunungan para kay pangit. Kahit ako lang na nakakarinig ay nasaktan rin ako, ano pa kaya kung siya na.





"A-ahmm..sinong naghatid sakin sa kotse. Ikaw ba?" Tanong ko agad para mawala ang kakaibang presensya.




"Anong silbi ng bouncer." Hindi tanong at hindi sagot na sabi niya.



"A-ahh..ganon ba eh bat pa tayo huminto?" saad ko at napatingin sa may relo. Lampas ala-tres na pala!. Naiilang pa akong magtanong sa kanya.




"Lasing ako. Bawal magmaneho." Simpleng aniya at napapikit na tinangal ang seatbelt bago iniba ang porma ng driverseat para makaayos siyang makahiga. Grabe parang pag-aari niya talaga ang sasakyan ko!.





"Eh di ako nalang ang magmaneho!" Saad ko at payak siyang natawa.




"Nagpapatawa kaba? Ni mas lasing kapa nga sakin"





"Ayssh! pangit! Palit nalang tayo ng pwesto!" Saad ko pero hindi siya sumagot. " Uy ako diyan! Mas gusto ko dyan!" Reklamo ko at pilit kong tinangal ang seatbelt ko at akma siyang yuyog-yugin sana ng madulas ang kamay ko sa hinahawakan ko at namilog nalang ang mata ng mapapunta ang mukha ko sa may dibdib niya!.





P-parang naramdaman ko ang ano niya?.





Mabilis niya akong tinulak at sa lakas nito ay napasalpak ako pabalik sa upuan ko at napakamot sa ulo ko!.





"Anong pinag-gagawa mo." Seryusong aniya, namula ako bigla ng mapatingin ako sa may dibdib niya at napasalpak ulit ako sa upuan ng malakas niya pa akong itinulak.






"H-hoy! Sumusobra kana ah!" Reklamo ko sa kanya na napaiwas tingin na napalunok, nakakailang na talaga! Nawala saglit ang antok ko!




"Kung ganon anong nilulunok at pamumula mo diyan?" Taas kilay na aniya na ikinasulyap ko!.





"Wala nga! Wala ka namang dede! F-foam lang yon nahawakan ko na walang laman." Pagsisinungaling ko at naramdaman ko ang mabilisang pagmaneho niya!
"U-uy sandali!!!! Dahan-dahanin mo yang sasakyan ko pangit!" Bilog matang sigaw ko sa kaba! Ang bilis ba naman ng takbo!. Galit ba siya sa nasabi ko!?.






"B-binabawi ko na ang sinabi ko! M-malaman yang dede mo!" Naiilang at namumulang sabi na mas ikinabilis pa ng tabok, parang ihahatid niya talaga ako sa langit o baka naman naghihintay na ang panginoon samin sa may unahan!. "B-binabawi ko lahat ang mga pinagsasabi ko! Diko sinasadya!" sigaw ko sa takot ng inovertake-kan niya ang isang malaking truck!. Nahawakan ko nga ang dibdib niya pero wala lang naman to sakin kahit unang beses akong makahawak pero! Bakit iba sa pakiramdam! Nakakahiya! Nakakailang at mas nakakaba lalo na siya!.





"Nandito na tayo."tipid na aniya at doon lang ako nakahinga ng maayos! At may kung ano sa tiyan ko ang lalabas parang nasusuka narin ako. "B-buksan mo na!" Asik ko habang kinikimkim ko pa ang nasa loob ko.





"Sandali--" naputol ang sasabihin niya ng masukahan ko talaga siya, para akong nawalan ng tinik matapos kong mailabas yon at nanghihina akong napatingin sa kanya na ngayon ay nakakagat labing napapikit sa inis. Mahinang napangiti ako bago nawalan ng malay, ngayon ko lang siya nakitang nainis. Sa wakas nanalo ako.






Kinalaunan ay alas dos na ako ng hapon nagising sa sakit ng ulo ko ay papikit akong bumangon. Hindi na ako maglalasing kung ganito pala kasakit gumising.






"Gising kana pala." Boses ni pangit na mas ikinadilat ko at agarang napatayo!. Nakadikwatrong nakaupo lang siya sout ang pantulog dala ang laptop?.






"Ikaw! Paano ako nandito? Sinong naghatid sakin? Ikaw ba?" Sunod-sunod na tanong ko, sa naalala ko ay sa kotse palang ako. Tsaka bakit dito pa sa may library room.






"Anong saysay ng guard niyo?" Pabalang na sagot nito. Naalala ko naman ang nangyari kagabi at unti-unti akong napatawa ng may maalala ako. Dinuro ko siya na ipinagtaka niya naman.





"Ano?" Tipid na sabi niya.





"Ha! Baka nakalimutan mo! Nanalo ako laban sayo!"





"Sa saang parte ka nanalo? Sa naalala ko ay wala tayong pinaglabanan." Walang gana na aniya at nilapag ang laptop sa may lamesa.





"Nakita kitang nainis! Napainis kita pangit!" Natatawang bulalas ko at napailing nalang siya. "Napainis kita!" Pang-aasar ko.



"Ahh..kung ganon base sa kalkulasyon ay ako parin ang panalo." Ngising sabi niya na at taas noong nagsalita.




"Ano?" Kunot noong tanong ko.





"Matagal na kitang pinapagalit kaya ako ang panalo." Saad niya na ikinawala ng saya ko. Kalaunan ay balak kong lumabas sana ng library room namin, ayokong makasama siya sa iisang kwarto pero nagsalita siya.





"Huwag kang sumubok lumabas dito hanggat hindi mo natatapos ang assignment mo sa google classroom." Walang gana na aniya.



"Google class? Walang-"





"Martinez baka nakakalimutan mo si Oblada ang adviser mo? Hindi mo malalaman bagsak kana pala." Aniya at tamad akong lumapit sa kanya.


"Nagugutom na ako." Usal ko habang hagod ang tiyan, tinuro niya naman sakin ang study table at nandoon na ang pagkain.

"Nasa ibaba ang ama mo, baka gusto mo siyang batiin habang hangover kapa. Sa tingin mo?" Kalmadong sabi niya at pabagsak akong nagtungo sa may tabi niya at ano paba ang magagawa ko? Kundi kainin ang nakahain! Hindi naman pwedeng lumabas ako ng basta-basta dahil sigurado akong papagalitan ako.





"Ito." Seryusong aniya na pinapakita sakin ang task. Magkatabi kami ngayon sa iisang computer at walang malisya! "Click mo muna bago ka--"




"Alam ko pangit!" Sigaw ko na ikinabigla ko sa nasabi ko. Wala lang naman sa kanya ang nasabi ko pero napahinto rin siya sa inaatupag niya sa computer. Napalunok akong napatingin sa laptop sa gilid may ginagawa rin pala siya pero ako ang inuna niya.


"A-ako na ang mag-susubmit!" Naiilang na usal ko, di man lang sinabi na may gagawin siya. Napasulyap ako sa kanya ng mapatulala parin siya sa computer. "Bakit?" Naitanong ko.




"Ahh..kahit sabihan ako ng iba na maganda ako isang tao lang ang hindi magsasabi non." Pabuntong hininga siya sa aking sumagot, napakunot noo naman ako sa nasabi niya at napapiling nalang sumagot sa kanya.




"Wala naman akong sinabi na maganda ka?." Pahiya ko sa kanya at tumango naman siyang napapiling paharap sakin na ikinakabog agad ng dibdib ko, ang lapit namin ngayon.

"Kaya nga naaalala ko siya sayo." Tipid na aniya at napaatras ako agad ng tumitig siya sakin, ang lapit at sa lakas ng kalabog ng puso ko ay nahihiya akong marinig niya.



"Sino siya!?" Taas kilay na sabi ko ng makaatras na ako.




"Kapatid ko." Matagal akong napatitig sa kanya bago umiwas. "Napakapangit ko siguro kaya walang taong nagtatagal sakin."





Hindi naman ako napapangitan sa kanya sadyang yon lang ang naging tanyag ko sa kanya dahil imbes na wierdo ay pangit ang nasabi ko noong una palang, tsaka kung titignan mo siya ng maayos hindi siya pangit. Parang may lahi siyang intsik sa mata niya at likas na maputi siya, hindi magulo ang buhok niya sadyang wala lang sa vocabularyo niya ang salitang suklay. Napatitig ako sa mata niya at napatulala ako saglit, ngayon ko lang napansin ang mahaba at makapal niyang pilik mata.




"Nahuhulog kana?" Napangising aniya na ikinalakas ng kaba na nararamdaman ko. Kislap mata akong umiling sa kanya parang natutuliro ako sa nasabi niya!.





"Hindi! Sampalin ko yang apog mong makapal jan e!" Pananakot ko sa kanya, nang matapos ako sa ginagawa ko ay kasabay rin sa kanya. Nakasunod lang ang tingin ko sa bawat kilos niya.





"Aalis kana?" Mahinang sabi ko ng mapansin kong hahawakan niya na ang doorknob.





"Oo. Wala naman na akong gagawin dito. Pwede kana ring lumabas, wala na ang Senador." Sagot niyang hindi nakatingin sa akin. Aysshhh! Nahhhmannn! Pwede niya naman akong sabihan ng maayos kung saan nakaupo pa kami, bakit kailangan niya pang humanap ng pa-thrilling!. Nag-aala cool kid na naman to.





Nang makababa na ako ay sa kusina ang punta ko, nauuhaw ako at hindi ko na nga naabutan si papa at tanging si lola Wa nalang ang nandoon. Nagluluto, since hilig niya naman ang pagluluto.





"Lola Wa!" Pangugulat ko at napatalon siya sa gulat sabay sampal sakin ng sandok! Napahawak ako sa pisnge na may pagsisisi.





"Walang hiya ka apo! Umupo kana! Kakain na tayo ng hapunan!" Aniya na bumalik sa pagluluto.




"Eh ang mga katulong nalang natin ang magluluto lola Wa bakit ikaw pa jan?" Giit ko ng makainom na ako ng tubig sabay upo.




"Pinag-live ko sila ng dalawang linggo-"





"Ano! Bat ang haba naman ng dalawang linggo!?" Asik ko at nakapamiwang na humarap sakin si lola na nakataas pa ang kilay.





"At bakit hindi?. Si Doris na-ospital ang anak niyang may sakit sa balakang, si Medelyn inaasikaso ang anak niya na may dengue, si Laling naman inaasikaso ang dalagita niyang nabuntis ng walang ama!"





"Yon lang problema nila?" Bulalas ko at isang sponge naman ang natapon sa may mukha ko.



"Lola Wa naman!" Giit ko ng itapon ko pabalik ang sponge sa may lababo.





"Hindi lang yon! Sa tuwing wala ako dito ay hindi karin kumakain ng maayos! Paano kung magkasakit ka! Sino ang sisisihin ko? Sila?" Taas boses na sabi pa ni lola.





"Hindi naman sa ganon lola Wa, sadyang nawawalan rin ang mga tao ng gana--"




"At paano nawawalan ng gana ang taong kumain? Nakuu!! Jeau mag-ayos ka. Kagabi nakita ko si Laling umiiyak sabi daw hindi ka nakauwi kagabi kaya lahat ng pagkain nasayang! At sa tuwing wala ako dito hindi ka man lang bumabait kay Lei!" Pagtataray ni lola. "Hinanap ka ni Joao kanina." Ungkat ni lola kay papa.





"T-tapos?" Interesadong ani ko.





"At si Lei ang nagtakip sayo. May research kang ginawa kaya pagod at mahaba ang oras ng pahinga mo. Totoo ba yon?"




"N-nagawa niya yon? Pero nagsinungaling siya kay papa!" Saad ko at napatango lang si lola.





"Kaya nga sa ngayon bibigyan ko lahat ng mga katulong ng dalawang linggo makauwi sa kanila. At tayo ni Lei ang matitira dito at respetuhin mo siya." Diin na sabi ni lola sa huli.








"Abay! Nirerespeto ko siya, di niyo lang nakikita!" Giit ko at tinignan ako ng maiigi ni lola.




"Hindi ko kayo minsan nakitang nagkasundo. Kaya itong dalawang linggo nato ay susulitin niyo para magkaintindihan kayo."






_____________________________
VOTE AND FOLLOW me!



Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...