YOUR ANNOYING BULLY ( SERIES...

By christilita

115K 8.7K 1.6K

"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi... More

PAALALA SA MGA MAGBABASA
MAIN CHARACTERS
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
KABANATA 141
KABANATA 142
KABANATA 143
KABANATA 144
KABANATA 145
KABANATA 146
KABANATA 147
Kabanata 148
Kabanata 149
KABANATA 150
KABANATA 151
KABANATA 152
KABANATA 153
KABANATA 154
KABANATA 155
KABANATA 156
KABANATA 157
KABANATA 158
KABANATA 159
KABANATA 160
KABANATA 161
KABANATA 162
KABANATA 163

KABANATA 62

587 54 1
By christilita


Kabanata 62



_______________


LEI P.O.V.



Nang magsimula kami ng first subject ay busying-busy kami sa exam at report sa subject na Feasibility Study, ito na rin ang magiging research namin ngayong taon. Swerte si Hashmin ngayong araw dahil excempted siya sa exam at report. Kasali kasi sa Poster making contest.



Umagang umaga rin ay marami na rin ang nagchichismisan sa nakaupo sa harapan ko. Ako lang mag-isa ngayon sa last row at tahimik lang nakaupo, nakikinig nalang rin sa mga usap-usapan nila.


"Sino si Iprahiam Laurente? Ang founder ng Laurente yan diba?"



"Lah..no.. mali kayo parang pamilya ata nila ang nagtayo ng school na ito."


"Patay na ba yan?"


"Dont know pero kita niyo yung post ni Kurt sa MyDay niya?"


"I guess nasa myembro ng EXTREME ang apo-oh wait si Laurent!"


"Y-you mean si Jeau? Jeau Laurent nga!!! Ayiee--"



"QUITE!!!!!"



Napatahimik ang lahat at kaagad napaayos at nakatingin sa harapan kung saan ay si Miss Fuera, isa sa pinaka-strikta naagtuturo dito sa Laurente.



"Dada kayo ng dada e kung sa report ang tahimik niyo!." Usal ni Miss na napatingin sa may direksyon namin. Nakapamiwang lang ito at napailing sa pagkabigo sa amin.



"S-sorry Miss!" Nahihiyang usal ng isang babae sa may harapan ko.



"Okay! Okay!" Usal ni Miss at nagsimula na nga ang report saktong inuna talaga nila ako, iwan ba kung may galit sila sakin o ano pero ayos na ang mauna para makapapahinga at wala ng iisipin pa sa report.




"How does a Market Feasibility study work!?" Tanong niya galing sa pangalawang report na saktong sina Cherry ang nag-uulat. "You cant answer? Then give me a number."




"39..." usal nito na kinakabahan.



"Okay Abella! Count!" Asik ni Miss at nagsimula na nga ang countings hanggang sa ako na nga ang magsasalita.



"39.." usal ko at pinatayo ako ni Miss Fuera, pang-40 naman talaga ako dapat talaga si Hashmin ang makakaranas ng ganito.



"Oh? Kanina ka pa tahimik jan Miss Alfonsi? Sa tahimik na paraan tayo magtatagumpay and I believe na nakikinig ka sa mga pinagdidicuss ko?" Taas kilay na anito at walang kibo lang akong tumango. Wala akong naiintindihan sa report nina Cherry hindi ko rin alam kung saan ako magsisimulang sumagot.




"Alfonsi?" Tawag nito. Napaaulyap ako kina Cherry at ganon nalang ang ngisi nito halatang sinasadya talaga nila ang ganitong eksena. Okay lang sana ang ganito basta marunong silang magreport sa harapan.



"Pakiulit ang report." Tipid na sabi ko na ikinamilog ng mga mata nila Cherry.
"Nabibingi ka ba Alfonsi?" Asik niya sakin.



"Hindi, sadyang wala lang akong naintindihan sa report niyo." Seryusong sabi ko at napalapit naman sakin si Miss Fuera.


"Are you sure Miss Alfonsi?"


"Yes Miss."




"Hey! Sumagot ka nalang instead na paulitin mo kami sa report! Time is running!! Duhh." Maarteng usal nito. Walang nangahas na magsalita pa o kahit sumingit sa amin ngayon. Napaseryuso kasi ni Miss Fuera sakin.




"Miss wala lang yang ikakasagot sa tanong niyo. Humahanap lang yan ng oras para maabutan ng bell!." Asik pa sa kasama ni Cherry. Mahina akong napabuntong hininga at tinignan ang mga nakaupong kaklase ko na nakatingin sakin at naghihintay sa maaring kong gawin.



"Miss Fuera...kung ganon subukan niyong sa iba ang tanong niyo saka na ako sasagot." Simpleng sabi ko. Tignan lang natin kung meron ngang nakikinig sa report nila na kahit pag-eexplained ay mali-mali pa.



"Okay Miss Hayno!" Tawag niya sa babaeng naka-eyeglassss halatang matalino ito. Iwan pero yon na agad ang tingin ko. Napatingin si Hayno sakin at napalunok bago tinuro ako.



"I..Im trying to understand their report Miss and maybe Miss Alfonsi was right." Mahinang usal nito at napapikit nalang si Miss Fuera bago pinaupo kami. Hindi nagtagal ay nagsalita pa si Miss sa amin bilang pagpapaalam dahil sakto ring naabutan ng bell.



"Okay..listen class..gusto ko naintindihan niyo ang lesson and every report ng lahat..dahil hindi ko kailangang magsalita pa sa harapan! Kayo na ang magdidiscuss! Ganito sa college kaya dapat ngayon palang ay masanay na kayo at may experience hindi yung nag-rereport lang na nagbabasa!.." striktang sabi nito at hinarap sina Cherry na ngayon ay nakaupo na.
"Next meeting, uulit kayo sa report niyo. No more excuses!" Ani ni Miss ng mapansin na parang magrereklamo na si Cherry. "Kahit ako ay hindi ko rin naiintindihan ang report niyo kanina. Thats why I called some of your classmates kung naiintindihan ba nila ang report pero walang nakasagot!."





Paglabas ni Miss Fuera ay binigyan ako ng masamang titig ng mga grupo ni Cherry, hindi naman ako nakokonsensya dahil nagsasabi naman ako ng totoo. Tamad akong akong makinig pero hindi ko namang maiwasan na marinig kaya kahit anong sabihin ng ilan ay alam ko.



"Plastic!!!"



"Iw pabida! Pabibo!" Ani nila at hindi nalang ako nagreklamo pa para doon. Sakto rin ang susunod na subject ay vacant at pumasok naman si Sir George at kasunod non si Hashmin na dala ang mga gamit para aa contest na nasalihan. Umupo siya sa tabi ko at inaayos ang mga gamit niya papasok sa bag.




"Nakakapagod doon sa hall pero magandang competition..nakaka-enjoy mag drawing." Nakangiting aniya "eh dito ba? Ayos kalang?"




"Huwag mo ng tanungin. Buhay parin naman ako." Walang gana na sagot ko.




"Asses di kaba proud jan..support naman jan ng 10 percent." Nakangiting aniya




"Susupport lang ako pag nanalo kana."




"Ayshh! Baraot mo!" Reklamo niya. Napaharap kami kay Sir George na nasa harapan na nagsimulang mag-explain sa gusto niyang mangyari.



"Sorry kung late na tayo sa ganito students pero sa ngayon mag-vovote tayo sa mga committee." Paliwanag ni Sir na nagmamadali at hindi pa mapakali. " Ngayon kasi gustong malaman ng Dean ang mga magiging leader sa bawat section para sa darating na byernes ay magtutungali ang bawat Academic chairperson ng section natin..by strand kaya naghahanap ako."


Nagsibunot kami ng mga papel mula sa kahon pero di ko pa binuksan. May ilan rin na nagkukulit kay Sir George na maging leader sa limang committee at kasali na doon si Cherry at kasama niya.




"Sige ikaw ang Chairperson ng Socio Cultural Committee." Utas ni Sir na naka-upo lang sa may lamesa niya. "Sa Academic at Environmental Chairperson nalang ang kailangan." Aniya. Puro may kakayahan ang naging Chairperson ng bawat committee paniguradong running for Valedictorian ng Strand namin ang magiging Academic Chairperson na pipiliin.




"Sir si Hashmin Lacsamana ang Socio Cultural dapat!" Reklamo ng isang lalaki sa gilid nila Cherry.



"What!?" Maarteng sabi nito.




"Anong what! Wala kang ka-art-art tas sa Socio kapa puro ka-artehan lang alam!" Asik ng isang bakla na parang mahilig sa rambulan. Irap naman ang ganti ni Cherry sa kanya.




"Tama sila dapat ako don..hehe" mahinang biro na sabi ni Hashmin na nagtatangal ng paint color na nakadikit sa kamay niya.




"Sige mag-vovote nalang tayo para patas talaga" huling sabi ni Sir at nagsulat na nga sa whiteboard. Sa huli ay panalo si Hashmin sa voting para maging Chairperson ng Socio Cultural hindi pinalad si Cherry sa gustong grupo niya ang maging isang Chairperson ng Environmental Committee kung saan ay sila ang tagalinis ng classroom tuwing hapon.




"Sa Academic Chaiperson." Bigkas ni Sir at ni isa ay walang naglakas loob na iangat ang kamay nito. Parang wala silang sigurado sa magiging leader ng section nato.


"Si Aliyah Morillo Sir!"


"Sino pa?" Bangit ni Sir.



"Ahm! Si Arce Aldea!"




"Dapat tatlo.. to para makapili pa kayo." Ani ni Sir na nagtingin-tingin sa amin. Sinimulan ko ng buksan ang nabunot kong papel at saktong magiging myembro pa naman ako sa Academic Committee.




"Si Charles Leane Lei Alfonsi Sir G!" Walang hiya na bulalas ni Hashmin dahilan para magulat at napatingin sa amin halos lahat. Itong babae na ito naghahanap talaga ng tyempo para mapahiya ako.



Tumikhim si Sir George at ngumiti sa amin na parang nanakot. "Alam niyo naman na mahirap maging Acad Chairperson? Sila yung magiging president ng section natin...eh sa HUMSS natin may 15 sections tayo na ibig sabihin may 15 Academic Chairperson na maglaban-laban para maging HUMSS representative at makakasali narin sila sa SSG officers ng Laurente."




"Hindi naman ako nagbibiro Sir Eh!" Asik pa ni Hashmin at mabilis ko siyang kinurot para matahimik na. Ayokong sentro ako sa pag-uusapan ng lahat. Nahihiya ako hindi ako sanay ng ganito na ako ang nauuna.




"Ayy oo! Siya nalang Sir!"




"Oo nga matalino naman siya!"




"Students..hindi lang sa patatalinuhan ang maging isang Academic Chairperson, dapat ay mapapasunod mo ang mga tao sa mga disesyon na gagawin mo at dapat tama ang gagawin mo para patas ang lahat. Pero sigurado ba kayo na si Alfonsi ang Academic natin?" Paninigurado ni Sir at naiilang ako sa ilan na nagsitanguan nalang parang gusto talaga nila na ako. Napathumbs-up at nakangiti nalang rin si Hashmin sa akin.



"Pasalamat ka sakin!" Mayabang na aniya




"Para saan naman kita pasasalamatan?" Walang gana na sabi ko at idinikit niya ang kanyang upuan sa tabi ko.




"Damay-damay na to dai! Since ako Chairperson dapat ikaw rin no!" Aniya.




"Walang kokontra kay Alfonsi? Ayos ba ang lahat? Oh ikaw Cherry? Okay ka ba?" Nakangiti na sabi ni Sir at umirap lang sa akin si Cherry.



"Kung ako? Well hindi!" Asik niya na nagtataray. Natawa nalang si Sir sa kanya at nagsalita. Kakaiba ang patakaran nila dito, taon-taon magpapalit sila ng SSG officers kahit graduating na katulad namin ay mapapasali rin.



"Sige palit nalang kayo.." anito na ikinabilog ng mata ni Cherry sa gulat at saya. Ayos lang naman sakin hindi ako interesado sa ganito, nakakapagod.



"Really! Sir!?" Anito at parang nasusuka si Hashmin sa reaksyon nito.



"Yeah sure. Basta bukas na darating paghandaan mo na ang debate and campaigning also sa mga flyers and messages mo sa mga students para magvovote sayo, may debate kapa pagkatapos non dapat nakahanda kana sa lahat mamayang gabi Cherry dahil 6am bukas ay nasa Gilconida gym na tayo para sa gaganapin na meeting de avance--"



"S-sir G, okay na ako sa Environmental. Si Alfonsi nalang." Anito at mahinang natawa si Hashmin.



"Tanga..natakot ata haha." Aniya at sinulyapan ko siya.



"Ikaw ang dahilan nito. Imbes na matulog ako mamaya may paghahandaan pa ako."  Reklamo ko.



"Uy tutulongan kaya kita! Ako na ang bahala sa mga flyers mo! Malakas ako sa others eh! Siguradong ikaw ang magiging HUMSS representative!"


"Ayos naman kung hindi na, wala naman akong balak sa ganyan." Giit ko sa huli.



"Ayos ka naba Alfonsi?" Pagkla-klaro ni Sir at tango lang ang naging sagot ko.




"Kung ano ang meron yon nalang rin." Sagot kay Hashmin ng makarating kami sa canteen. Siya ang mag-oorder ngayon. "Pero siguraduhin mong hindi mahal ang bibilhin mo." Dagdag ko pa bago siya makaalis. Vacant kami ngayon kaya mas nauna na kami sa recess, hindi pa ganon karami ang mga tao dito ngayon dadagsa lang ang mga ito kung magbebell na.


"Lei!" Sigaw ni Prim mula sa pintuan, tango lang rin ang sagot ko ng makaupo siyang tumabi sa akin. "Wala ang adviser namin kaya dito narin ako! Sabay na ako ah."

"Sige--"



"Hi Lei!" Asik ni Bridgette ng makarating siya sa direksyon namin "Si Hashmin kasama mo?" Aniya na nakatagilid lang ang ulo para tignan sana si Prim na nakatalikod mula sa kanya.
Nang magkaharap sila ay gulat ang reaksyon ni Bridgette para kay Prim at napaturo ito sa kanya, ngiti lang ang ibinungad ni Prim sa kanya at naupo nalang sila.


"Ikaw!!" Asik ni Bridgette na nakataas lang ang kilay.



"Ang pag-ibig na binigay?" Sagot naman ni Prim na naguguluhan.




"Mga echusera!" Reklamo ni Hashmin na kararating lang rin dala ang order. Nakapamiwang naman si Bridgette sa amin at nagtataray-taratan sa amin.




"Anong problema niyo?" Inosenteng tanong ko lang na uminom lang ng juice. Napatahimik lang si Bridgette at napakamot nalang sa ulo si Hashmin. "May mali ba sa natanong ko?" Dagdag ko at tinignan si Prim.



"Selos lang yan!" Reklamo ni Prim na ikinagulat ni Bridgette. "Sa ganda ko bang ito? Kahit manliligaw niya sakin na pumupunta!" Bilib sa sariling giit ni Prim na natatawa lang.



"Lah..ang kapal ng mukha nito." Mahinang reklamo ni Bridgette. " Edi sayo na yong lalaki na yon!" Anito na uminom nalang rin ng juice mula kay Hashmin na napatulala nalang ng maubos nito ang isang baso.



"Sis! Kung affected ka man sa nangyari huwag mo namang ubusin juice ko! Doon ka mag-order!" Reklamo nito at inirapan lang siya nito.



"Magsama kayo ng kapatid mo duhh iw!"



"Wow ang arte naman!" Mahinang reklamo ni Hashmin. " Oh bat ka affected? Diba iba ang gusto mo? Oh saan na yung taga EXTREME na tinutukoy mo noon?" Pang-aasar pa nito at peking natawa lang si Bridgette.


"Ayon binawian na ng buhay. Sabi ba naman mamatay raw siya pag naghiwalay kami!" Asik na sagot ni Bridgette.


"Ilang buwan naman kayong hiwalay?" Tanong ko.



"1 month fling lang naman pero still kami parin no!...handa na nga ako sa lamay niya kaso doon na siya sa ibang strand naglalamay tuwing gabi."


"Teka? May jowa ka talaga?" Kunot noong usal ni Hashmin.
"Noon yon! Anong akala mo sakin hindi chicks?" Sibak pa ni Bridgette.



Sa maghapon na pangyayari ay hindi ako makapukos sa discussion ng mga guro, nagpaalam narin ako kay Martinez na aalis kaso ang sabi niya lang "Paki ko sayo? Huwag ka ng umuwi!". Bago niya ako iniwan ay inutusan ko pa siya depende nalang sa kanya yon kung gagawin niya.



"Pakainin mo muna ang pusa sa may kwarto ko." Tipid na sabi ko kay Martinez na ikinamilog ng mata niya at napatingin-tingin sa paligid na nakapamiwan pa.



"Hoy! Ano ako utusan?" Mahinang reklamo niya na namimilog pa ang mata sa inis.




"Pabor lang Martinez." Pagklaklaro ko bago tumalikod, rinig ko pa ang mga reklamo niya pero hindi na ako nagsalita pa.



Napag-usapan na namin nina Prim, Hashmin at Bridgette na sa Infinity kami ngayon maghahanda para sa meeting de avance. Wala akong paghahandaan sa sasabihin ko, wala naman sakin kung ano ang mangyayari pero itong tatlo lang ang masyadong suportado para bukas. Si Hashmin sa Flyers, si Bridgette ang magrereto sakin sa mga kakilala niya sa campus para mas makilala pa ako ng mga ito at si Prim..taga titig at hatid lang ng snack namin.



"Hoy mga girls! Anong tingin niyo sa club na ito? May printer dito pero hindi pang school purposes!" Banat ni Bimb.




"Tahimik bakla! Ang damot mo! Bayad na tong mga ink sa printer sa binigay kong lipstick sayong branded na Chanel." Reklamo ni Hashmin at ngumiwi lang si Bimb sa kanya.




"Pwede namang walang flyers..ayoko ring manalo..sa kanila na lang ang pwesto." Sabi ko na nakapiling sa lamesang tinitignan sila. Mataman akong sinulyapan ni Hashmin at tinapunan ng flyer "Aanhin ko to?" Walang gana na sabi ko



"Aysshhh! Linya ng mga talunan!." Reklamo ni Hashmin.



"Uma-atittude na si Lei! Ang mas mabuti pa ay tumulong ka nalang sa pagtutupi ng mga flyers mo, para bukas ready na isampal sa mga slapsoil tong flyers mo at makita nila na ikaw talaga ang mananalo as HUMSS representative!." Asik ni Prim.



Nang tamad akong tumulong sa kanila at alas dyes kami natapos. Madali lang naman basta nagtulong-tulongan lang kayo. Si Prim parin ang naghahatid sakin gamit ang scooter niya sa may bandang eskenita mula sa bahay ng mga Martinez. Maaga kaming nakauwi, pinauwi kasi kami agad nina Chib para makahanda kami bukas kahit ako lang naman ang sasabak sa debate.




"Salamat dito." Usal ko at ngumiti lang siya sakin.



"Ako pa! Ay teka-teka! Ito oh!" Aniya at may kinuha siya mula sa bag niya at binigay sakin. " Flyers mo para bukas!".



"Sige Prim."



"Goodluck talaga para bukas Lei!"



Nang matapos ko siyang pasalamatan ay naglakad na ako papunta sa bahay ng mga Martinez hindi naman ganon ka layo. Pinagbuksan rin ako ng guard at hindi na nagtanong pa paniguradong alam na nila saan ako galing.





Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay madilim na ang palibot hanggang sa makarating na ako sa kwarto ko at naabutan nalang si Martinez na nakatulog sa kama kayakap ang pusa.








_____________________________
VOTE, COMMENT AND FOLLOW
ME!

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...